Chapter 5

45 0 0
                                    

Umupo si Pau sa harap ni joyce at mababakas ang kasiyahan niyang makakuwentuhan ito.

"Si Ma'am Niverca nga pala yung nagha-handle sa drama club. Gusto mo samahan kita mamaya para itanong kung pwede ka pang sumali sa club? English teacher din natin siya," alok ni Pau.

"Hindi. Um... okay lang. Kaya ko ng gawin yun. Salamat," ngiti ni Joyce.

Nagustuhan agad ni Joyce si pau bilang kaibigan. Magaan ang loob niya dito at feeling niya, muli nyang nakasama ang best friend at pinsan niyang naiwan sa Bulacan.

"Sigurado ka?" tanong muli ni Pau.

Tumungo ito upang sabihing oo.

Sa kabilang banda ng classroom naman...

"Practice ka mamaya? May bagong piano piece ka na namang tutugtugin sabi nila?" tanong ni Katrina, kilala bilang Trina, kay Kris.

Ngunit nakatitig si Kris kay Joyce at Pau. Parang may anong inggit na gumugulo sa isip niya kung bakit ang bilis nagkalapit ng dalawa samantalng nasanay siyang mas nagugustuhan siya ng mga tao kaysa kay Pau pero ngayon, nabaliktad ang sitwasyon.

"Haller? Earth to Kris?"

"Ano?" sambit ni Kris na mukhang nagising sa pag-iisip.

Bumalik ang atensiyon niya sa sinasabi ni Trina.

"Tinatanong ko kung magpa-practice ka mamaya. Balita ko kasi may bago ka namang pra-praktisin para sa Linggo ng Wika?" muling tanong ni Trina.

"Ah,oo," muling lumingon ng bahagya sa pamamagitan ng mga mata niya si Kris sa kung nasaan sila Joyce.

Masyadong busy si Trina sa pagtetext mapansing wala sa kanya ang atensiyon ng kausap.

Napabuntung-hininga na lang si Kris. Narinig ito ni Trina at nakita niyang mukhang pagod at malungkot si Kris.

"Okay ka lang ba? Mukhang pagod ka?"

"Hindi naman," sagot nito at tumayo ito upang magpahangin sa labas.

At gaya ng dati, sumunod muli si trina sa kanya.

"May problema ba? Sabi ni faith panay daw ang ngiti mo kanina sa meeting ninyo? Tapos ngayon parang matamlay ka naman. bakit ba?"

Isa sa mga best friends ni Trina si Faith. Nasa ibang section lang siya.

"Trina, pwede ba?" tigil ni Kris sa paglalakad. Gusto niyang mapag-isa.

"Iwan mo muna ako sandali. gusto ko lang magpahinga at magpahangin... MAG-ISA," pakiusap nito.

"Okay," sagot naman ni Trina na mukhang nagulat sa sinabi ni Kris. Saka siya bumalik sa classroom nila.

First time I FallWhere stories live. Discover now