“Hey igat, diba nagtanong ka last time na kung may nakikita ba kami umaaligid sa locker mo? Bakit? May nawala ba?”

Lahat sila ay tumingin sa akin nang may kuryusidad.

Oo nga pala nung gabing yun kasi nahirapan akong matulog. Kaya nagbasa basa na lang ako ulit ng mga notes na yun tapos naisipan kong mag group message. Kaso mga around 3 in the morning yata yun kaya walang sumagot sa text ko. Tapos naging abala na rin kaming lahat sa mga gawain sa school kaya hindi na naming yun napag usapan.

“Ahm ano kasi, wala naman nawala. Nadagdagan nga lang.”

Sabi ko. Nakita ko namang nakataas kilay nila akong tinignan.

“Meron kasi naglagay ng notes. Mga inspiring na notes. Almost everyday siya nag lalagay ng notes dun. Tapos wala man lang pangalan. Kahit initial lang wala talaga. Na curious ako kaya yun tinanong ko na lang kayo.”

“Ganyan? The who naman kaya yan?” Tanong ni Faith.

“Kelan ba nagsimula ang paglalagay niya ng notes?” Tanong naman ni Angelo.

“Or baka wala ring date?” Maarteng tanong ni Zeejay.

“Meron. Nagsimula siyang maglagay ng notes sa locker ko nung grade four pa lang tayo.”

“WWHHATTT?” Sabay sabay nilang tanong sa akin.

Ano ba yan. Eskandalosa man to sila.

“Pwede ba huwag OA?” Nakataas kilay kong saad sa kanila.

“OmyG. I’m starting to brainstorm all alone. The who kaya siya?” Ani ni Dulce.

“Oh tapos?” Pag singit naman ni Erwin.

Hayun ang dalawa nag kulitan na naman.

“Teka let’s recall kaya kung sinu sino ba ang nakilala mo nung grade four tayo.” Sabi ni Faith.

Kaya naman nabalot kaming lahat ng katahimikan.

Ilang minuto ang nakalipas biglang sumigaw itong si Dulce.

“Ahhhh. I think may hint na ako. I’m gonna die na. AHHHHH.”

“Sige patayin na kita ngayon kung hindi mo pa sasabihin sa amin.” Pananakot naman nitong si Faith.

“Sabihin mo na kasi.” Pamimilit ni Sheena.

Lahat kami excited sa sasabihin ni Dulce. Kaya naman mas lalo pa kaming lumapit sa kanya ng inangat na niya ang labi niya.

“Remember, David Beckham?”

Lahat kami napa O-shape ang bibig sa sinabi niya.

Yes, my David Beckham.

FLASHBACK

“Excited na ako sa PE natin Besty.” Bumungisngis pa ako kay Sheena.

“Same her Basty.”

Masaya kami nun nang biglang tumama sa akin ang bola na ginagamit sa football. At bahagyang nadumihan ang PE uniform ko.

Sa sobrang inis ko, sumigaw ako agad.

“Sinong hayupak na sumipa ng bola na ito?”

“Hindi pa nga nagsisimula ang PE ko madumi na ang uniform ko.” Dagdag ko na pasigaw pa rin.

Lumapit agad ang isang morenong lalaki sa amin ni Sheena.

“Miss sorry. Hindi po sinasadya ng captain namin.”

Pagpapaliwanag niya. Mas lalo lang akong nabanas. Hindi naman pala siya ang nakasipa bakit kailangan niyang lumapit at sino ba yang captain nila na may spokeperson pa.

“Wala akong pakialam kahit sino pa siya ang gusto ko mag sorry siya.” Sigaw ko ulit.

May lumapit naman lalaki na mas matangkad pa sa morenong yun. Ang kinis niya at namumula ang kanyang mukha sa pagod sa paglalaro siguro. Tapos medyo ginulo pa niya ang namamasang buhok niya saka siya nagsalita.

“Miss pasensya na. Hindi ko sinasadya.” Sabi niya na nakatitig ng seryoso sa mga mata ko.

Walang lumabas na salita sa bibig ko. First time kong matulala. At hindi ko rin alam kung ano ang nag udyok sa akin para tumango at maging kalmado.

“Salamat.” Saka niya kinuha ang bola sa morenong yun at tinalikuran nila kami.

Si Sheena kinakausap niya ako pero wala akong marinig at masagot sa kanya. Nakatitig pa rin ako sa kanila. Hanggang sa unti unti na silang nawala sa paningin ko.

“Eighteen. Agustin.”

Yan lang ang tanging alam ko tungkol sa kanya nang mga oras na yun.

Yan kasi ang nakalagay sa kulay yellow with black niyang jersey.

END OF FLASHBACK

“Hey.” Sabay yugyog sa akin ni Sheena.

“Okay ka lang?” Tanong niya.

Tumango naman ako.

Hanggang sa pag uwi ko. Siya pa rin ang naging laman ng isip ko. SIya ba kaya ang naglalagay ng mga notes na yun? Kung siya nga bakit hindi niya ako nilapitan? Bakit? At kung siya nga yun, bakit niya yun ginagawa? Does he liked me?

Napabuntong hininga na lang ako.

Pagkarating ko ng bahay ay wala pa sina Papa at Mama kaya diretso ako ng kwarto.

Kahit sa kama siya pa rin talaga ang iniisip ko. Sinubukan kong ipikit ang aking mata at saka ko sinubukan muling isipin kung kelan ko ba siya huling nakita.

Ahead siya two years sa akin kaya naman graduating high school student na siya ngayon. Parati siyang nasa ibang bansa kasi nga siya ang tinaguriang David Beckham nang university namin.

Sa sobrang galling niya at nang mga kasamahan niya parating champion ang team nila na kilala sa tawag na International University Azkals.

Nakikita ko siya sa school paminsan nuon pero ni minsan hindi kami nakapag usap o nagkaroon man lang nang pagkakataon na makapag usap. Hindi ko nga alam kung nakikita ba niya ako kahit minsan man lang. At isang beses ko pa lang nakita siyang maglaro. That was last year.

Nagkaroon ng isang Friendly game ang lahat ng Football Team sa Phillipines for High School Level sa university namin ginanap. May ticket yun kasi ang lahat ng maiipon na kita doon ay idodonate para sa lahat ng nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at nang mga naging biktima ng Zamboanga Seige.

Doon ko lang napagtanto kaya pala David Beckham ang tawag sa kanya dahil sa ang husay husay niyang maglaro. Lahat nang babae sa bleacher ay nagtitilian kapag siya na ang nagdadala ng bola.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko magawang manahimik lamang. Sumisigaw ako. Sinisigaw ko ang “Go Agustin. Go Eighteen.” Namaos pa nga ako nung the next day.

Pero kahit anong sigaw ko ni minsan hindi naman siya lumingon sa akin. Shempre alam ko kahit anong sigaw na gawin ko, hindi niya maririnig ang sigaw ko.

Lalo na ang tinitibok ng puso ko!!

****

A/N: May ieedit po ako sa Chapter 2: Getting to Know Us para sa katauhan ni Honey. Konting edit lang namna po kasi ang baliw kong sis-a @clumsykeren, nag request ng picture ni Ivo. HAHAHA. Pag iisipan ko pa kung sino ang magiging katauhan ni Ivo. Salamat po. Keep on reading. Mwah

BitterSweet by: XeltrahbladeWhere stories live. Discover now