"OA niyo ha. Pero di bale, may UP pa naman kayo. You can still try naman," Karla said while tapping Paolo on his shoulder.

"Ano? Tara na? Baka gabihin din kasi tayo eh," I told them. Nag-ayos na ng mga gamit sina Maine saka kami umalis.

***

Nagising akong bigla kasi nagriring yung phone ko. Pagtingin ko, si Maine yung tumatawag.

"Hello?"

"RJ, kanina pa kita tinatawagan! Anong oras na! May class reunion dinner pa kayo ngayon huy," she told me on the other line.

"Ha?"

"Anong ha? Bumangon ka na diyan, malapit na ko sa inyo. May dinner pa kayo! Sige na love maligo ka na please. I'll see you later," she said and dropped the call.

After ending the call, I saw 7 missed calls and 2 messages from Maine.

Love, don't forget ha. May dinner kayo later, baka ma-late ka.

RJ, sumagot ka naman.

Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 6pm na pala. 7pm daw yung class reunion dinner. Nagmadali na kong maligo kasi magda-drive pa ko. Nagbibihis na ko nung may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Love?"

"Saglit lang!" I put on my pants and opened the door.

"RJ naman magdamit ka nga muna!" sabi niya sa'kin saka tinakpan yung mga mata niya. She sat on the edge of the bed.

"Ang OA naman nito, nakita mo na kaya to dati pa!"

"Yuck ang taba mo kaya ngayon wala ka ngang abs oh," she said while peeking.

"Bakit ka naninilip?"

"Ewan ko sa'yo magbihis ka na!"

Tinawanan ko lang siya saka ko sinuot yung shirt ko.

"Dito ka lang ba muna?" I asked her. Wala daw kasi siyang kasama sa bahay nila kaya makikipaglaro daw muna siya kina Angel and Globie.

"Yup, nagtext na rin naman ako kina nanay na dito na muna ako. Baka sunduin na lang din nila ako dito."

"Sige. Uuwi din ako agad pagkatapos ng dinner para maabutan pa kita. Hindi ko rin kasi matanggihan si Ms. Castillo eh, bago man lang daw sana siya umalis papunta sa States makumpleto kaming mga students niya."

"Ay, oo nga pala no? Aalis na nga pala si Ms. Castillo."

"Sayang, hindi ka nga pala namin classmate dati," I told her as I held her hand. "Ayaw mo ba talaga sumama?"

She shook her head and smiled. "Hindi na, class reunion niyo yun. You should enjoy it with them."

Tumayo na siya saka kami lumabas sa kwarto. She linked her arms to mine as we walked down the stairs. Naabutan namin sina Mary and Angel na nanonood ng movie sa living room.

"Aalis na ko ha? Nandiyan naman sina Mary kung may kailangan ka," I cupped her face and kissed her forehead. "Mamimiss kita."

"Huy, ang OA mo ha. May dinner ka lang naman with your former classmates," she pushed me lightly and chuckled. "Sige na, alis na baka ma-late ka pa."

"Ano ba yan kuya, alis na. Natutunaw na si Ate Maine," saway sa'kin ni Mary. Nakatitig na lang kasi ako kay Maine eh. "Dali na kuya maglalaro na kami!"

***

Sinalubong ako ni Anya pagdating sa restaurant. Nandun na yung ibang mga kaklase namin, including Ms. Castillo.

"Hinihintay na lang sina Jacob and Jill, on the way na naman daw sila," sabi ni Anya sa'kin. She linked her arms to mine as we went inside the restaurant. Aalisin ko na sana kaso nakita na kami ni Ms. Castillo.

"Oh, Richard! I'm glad you came!" sabi sa'kin ni Ms. Castillo. "Kasama mo na pala si Anya."

"Ah, nakasalubong ko—"

"Hinintay ko po siya sa labas, Miss," Anya said and smiled sweetly. Tumuloy na kami sa mga upuan namin pero hindi pa man ako nakakaupo, may narinig na akong tumawag sa akin.

"RJ."

Paglingon ko, sina Maine at Mary, papalapit sa amin. Tinanggal ko agad yung mga kamay ni Anya sa braso ko. She walked towards me and gave me my phone.

"Naiwan mo sa bahay," she said nonchalantly. She turned to Ms. Castillo and smiled. "Good evening po, Ms. Castillo."

"Uy, Maine Mendoza! Kamusta na?"

"Okay naman po, aalis na rin po ako. Binigay lang po namin kay Richard yung phone niya," she said. "Mauna na po kami."

Naglakad na sila ni Mary palabas ng restaurant. "Ms. Castillo, saglit lang po," sabi ko saka ko sila hinabol.

Hinawakan ko si Maine sa braso nung maabutan ko sila, making her turn to face me. "Maine,"

"Oh?"

"Mag-usap naman tayo please."

"Hindi na, mamaya na. Bumalik ka na muna don."

"Maine,"

She removed my hand on her arm saka niya hinawakan yung kamay ni Mary. "Bumalik ka na doon, please. Mamaya na tayo mag-usap," she looked at Mary. "Tara na."

They started to walk away, leaving me behind, sweating profusely. Lagot. Lagot ka kay Maine, Pokerson, I mumbled to myself.

***
A/N: Anyare sa daily updates hahahaha. Unbeta'd, all mistakes are mine. Edit ko na lang next time hahaha. Nilagyan ko muna ng ganyan kasi kung puro pasweet, baka boring na sa iba sa inyo. If you have any prompt suggestions, comment niyo lang. Happy reading. 😊

Your UniverseWhere stories live. Discover now