Kabanata 1

63 1 0
                                    

Graduation day na namin mamayang hapon, pero heto ako ngayon, kagigising lang, at nakatingin lang sa kisame in the midst of 10AM in the morning.

"Celestina! Ano ba? Hindi ka pa ba gigising? Hindi ka pa ba kakain? Anong oras na't mag-aalas dose na! Gusto mo bang makuha lahat ng atensyon sa pagpasok mo mamaya kung ma-late tayo dahil tulog ka pa? Ha? Ang hirap hirap niyong gisingin, palagi nalang kayong tulog! Tapos hindi pa kayo nakakakain sa umaga dahil hapon na kayo nagigising--"

Mama ko 'yan. Ganyang lang talaga yan basta nagigising na ako ng maghahapon. Naiiba ang pangalan ko, naiiba din ang tamang oras at na aadvance ng mga 1-2 hours ang tunay na oras at nadadamay mga kapatid ko. Hindi na ako nakinig dahil memorize ko na line ni mama.

Kay lang may pinoproblema pa ako eh. Magsasummer nanaman. Sa 18 years of existence ko ay palagi lang akong nakakulong sa bahay tuwing summer. Hindi kasi kami iyong tipong pamilya na mahilig mag bakasyon sa ibang lugar tuwing summer. Stay put lang kami sa bahay.

Kaya sana, kahit ngayong summer lang, may iba rin akong mapagka abalahan.

After nung picture picture with classmates nung graduation namin, umuwi na agad kami ng mga magulang ko. Nagstop over naman kami sa McDo to order some foods for a little celebration pero that was it. Okay lang, though. Kasi finally ay naka graduate na ako ng Senior High School at makakatungtong na rin ng college.

Nang maka uwi kami ay nag Facebook at Messenger agad ako.

Na upload agad ng mg classmates ko yung picture picture namin kanina. Bilis talaga nila pag dating dun. Pero pag dating naman sa pasahan ng projects sa deadline, palaging humihingi ng extension. At syempre, kasama na ako dun.

Sa Messenger naman ay nag message si Kylie sakin, isa sa mga best friends ko. Nacurious naman ako kasi medyo mahaba haba iyong message.

Heads up, people!

Moon Records, Inc. is conducting a free workshop for singing, dancing, guitar, and piano this summer! But this isn't just your simple workshop. This is workshop and camping combined all together! You'll experience fun and excitement but will learn a lot at the same time. You can choose any talent that you want to get better and know more. Workshop will star on April 17 and will end on May 20. Registrations will be held at Moon Records, Inc. from April 2-6 in anytime of the day. Be sure to register and not waste the opportunity!

See you there!

Nanlaki naman ang mga mata ko after reading the message. Napangiti na ako ng tuluyan at napasambit ng 'thank you Lord!' dahil sa wakas ay may magagawa na akong productive ngayong summer.

Mabuti nalang hindi pa ako marunong mag gitara.

At mabuti nalang din hindi pa marunong mag gitara ang dalawa kong best friend. Kaya nagmessage ako agad dun sa group chat naming tatlo.

Me: sali tayo nung workshop thingy!

Mabuti nalang at online yung dalawa kaya naka reply sila agad.

Kylie: yung sinend ko ba sa inyo individually?
Me: yaaaaaaz
Kylie: gora ako diyan! sasali ba you Jill?
Jill: oo naman noh! papa-iwan ba ako?
Me:  yeeeeees! excited na ako guyth emeged pa register tayo agad agad bukas. pleaaase?
Jill: sigeeeee. tapos mcdo tayo after hihi dala ka extra money
Me: kung may extra pa akong money HAHAHA
Kylie: ayan nanaman tayo sa pagka kuripot ni celestina
Me: HAHAHAHAHA eeeeeeeeeeeh alam niyo na yun

Nag patuloy pa sila sa pag-uusap kung gaano talaga ako ka kuripot tuwing may mag-aayang lumabas sa amin. Tinatawanan ko lang naman sila kasi alam akong di nila ako matitiis na hindi librehin. To the rescue sila palagi sa akin kaya mahal na mahal ko yung mga yun.

Pero ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako mapalagay ay yung workshop. Excited na excited na talaga ako para dun.

Hindi pa naman ako nakakapagpaalam sa mga magulang ko pero alam ko namang papayagan nila ako dahil halos magdadalawang taon nang hindi pa nagagamit iyong pinabili kong gitara at sa wakas ay magagamit ko na ngayon.

Next day ay nagpa register nga naman kami agad. Then the week passed by nang hindi masyadong boring since excited ako sa workshop na 'to and since nag holy week pa naman.

Ngayon an nagreready na akong maka alis ng bahay dahil baka mahuli ako dun sa bus na sasakyan namin papuntang workshop. Si mama naman ay busy icheck kung kumpleto na ba gamit ko.

"Sigurado ka bang sakto lahat ng damit na dinala mo?" Tanong ni mama.

"Yes po." Sagot ko habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay.

"Eh yung toiletries mo?"

"Nandyan na po."

"Flashlight?"

"Nandyan na rin po.

"Snacks? Nandito ba yung snacks na binili ko sa inyo kahapon?"

"Yes po."

"Plastic bags para sa mga magagamit mong damit?"

"Nagdala po ako ng sampu."

"Sampu?"

"Eh yun po binigay niyo kagabi. Kaya pinasok ko nalang sa bag ko."

Tumango nalang si mama at napa buntong hininga.

Nakita ko namang may tumatawag sa phone ko. Dali dali kong sinagot since it was from Jill.

"Cel! Papunta na kami diyan sa inyo. Labas ka nalang ng bahay kasi malelate na tayo."

"Sige sige, labas na ako." Sagot ko at binaba yung tawag.

"Sino yun?" Tanong ni mama.

"Si Jill, ma. Sasabay kami sa kanya papuntang school dahil baka maiwan kami ng bus. Lalabas nalang po ako ng buhay."

"Ganun ba? Sige tara sasamahan muna kita." Sabi ni mama at tinulungan ako sa bag ko.

Sakto namang paglabas namin ay kararating palang nung sasakyan nina Jill. Bumaba yung bintana sa kotse at nagpakita ang mga mukha ni Jill at Kylie.

"Hi tita!" Sabay pa nilang bati kay mama

"Sige na ma, alis na kami. Pasok kana." Mabalis ko siyang yinakap at nagtungo na sa sasakyan nina Jill. Lumabas naman yunh driver para tulungan ako sa bag kong mabigat.

"Mag iingat kayo ha? Tatawag kami gabi gabi ng papa mo, Celestina!" Sigaw ni mama habang papasok ako sa sasakyan.

"Don't worry tita, kami bahala sa kanya! No boys, hindi ba po?" Sigaw ni Kylie. Sinapak ko naman siya ng napaka hina sa braso. Nagtawanan lang sila ni Jill.

"Bye ma!" Paalam ko at umandar na yung kotse.

Celestine And Her SummerWhere stories live. Discover now