🔥Chapter 3

2.8K 135 14
                                    

BIGLANG napamulat si Ameera at napabalikwas ng bangon. Nasapo niya ang kaniyang ulo nang biglang pumintig iyon. Nahawakan niya ang sugat sa kaniyang noo ma natatakpan ng malabot na tela. Nang sipatin niya ang sarili ay napasinghap siya nang makita ang ayos. Malinis na ang kaniyang katawan at iba na rin ang kaniyang kasuotan.

Mabilis na iginala niya ang paningin sa paligid. Nasa isang silid siya ngunit hindi pamilyar sa kaniya. Hindi iyon isa sa mga silid ng palasyo ng Silvana. Malayong-malayo ang ayos ng silid. Mula sa kulay abong kurtina na tinatakpan ang may kalakihang bintana. Malaking kahon na nakatayo na nakasandal sa pader. May nakapatong ding parisukat na bagay sa ibabaw ng mababang mesa. Maraming kakaibang bagay ang nakikita niya sa loob ng silid na iyon kaya nasisiguro niyang hindi siya naibalik sa Silvana.

Kung ganoon, saang silid ako naroon?

Sinubukan ni Ameera ang bumaba mula sa kinauupuang kama ngunit naramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang hita. Nakangiwing tiningnan niya iyon. Sandali niyang nakalimutan na nagkaroon pala siya ng sugat sa hita.

Napaigtad si Ameera nang biglang bumukas ang pintuan. Nakita niya si Jus na pumasok at napansin niya ang mga dala nito. “Ano ang mga iyan?” tukoy niya sa isang puting kahon.

Itinaas ni Jus ang hawak. “Medicine,” anito. Ngunit agad ding itinama ang lengwahe nang hindi umimik si Ameera. “Gamot ang mga ito. Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Maliban sa kumikirot kong sugat ay maayos na ang pakiramdam ko. Maraming salamat sa iyong kabutihan, Ginoo. Paano ko matutumbasan ang kabutihan mo sa akin?”

“Hindi ako humihingi ng kapalit sa lahat ng tulong na ibinibigay ko, Ameera,” seryoso ang mukhang wika ni Jus at humila ng upuan at naupo sa harapan ni Ameera. “Lalagyan ko ng gamot ang sugat mo,” wika nito. Hindi naman umimik si Ameera kaya ipinagpatuloy ni Jus ang ginagawa.

“Sadyang napakabuti mo…”

“Tss,” naglabas si Jus ng dalawang tableta at nagsalin ng tubig sa baso. “Inumin mo itong gamot,” aniya at ibinigay kay Ameera ang dalawang tableta at baso ng tubig.

Alumpihit pang tinanggap ni Ameera ang gamot ngunit mabilis naman nitong ininom nang tingnan si Jus na seryoso ang mukha.

“Maraming salamat,” sabi niya.

Sabay silang napabaling ni Ameera sa pintuan nang makarinig ng katok. Nakita nilang pumasok si Zea na may dalang tray ng pagkain at umuusok na sabaw.

“Come here, Sweetheart. Ilapag mo iyan dito.”

“Opo,” tumalima agad si Zea at nagpakandong sa tiyuhin pagkatapos ilapag ang tray sa tabi ni Ameera. “Sino po siya?” bulong ni Zea.

“Siya si Ameera,” maikling sagot ni Jus. “Bumalik ka na roon sa ninong Karl mo, Sweetheart,” pagtataboy ni Jus sa pamangkin. Alam niyang kapag nanatili roon si Zea ay tatadtarin siya nito ng tanong tungkol kay Ameera.

Nanunulis ang nguso na nagpaalam si Zea.

“Sino ang batang iyon?” nakangiting tanong ni Ameera. “Napakaamo ng kaniyang mukha,” dagdag nito.

“She’s my niece. Anak ng nakakatanda kong kapatid.”
Tumango si Ameera at tinitigan ang nakalatag na pagkain sa tabi niya.

“Kumain ka na,” utos ni Jus.

“Kumakalam na nga ang sikmura ko at mukhang nakakatakam ang  pagkain na dala ng iyong pamangkin. Halika’t sabayan mo ako,” paanyaya ni Ameera.

“Para sa iyo lahat iyan. Ubusin mo para bumalik ang lakas mo.”

Hindi na nagsalita pa si Ameera at dumulog sa maliit na mesa. Tinikman ang pagkain at agad niya iyong nagustuhan. “Maraming salamat.”

“Walang anuman. May nais lang sana akong gawin mo habang narito ka sa bahay.”

THIRD EYE V: Eira (Hiwaga ng Pag-ibig)Where stories live. Discover now