Chapter 18

4 1 1
                                    

Wilhelm's POV

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay...

"Yam!!!"-tinawag kaagad ako ni mama.

Wala naman siya dito sa sala kaya titingnan ko siya sa kusina.

Pagkarating ko sa kusina...

"Oh nak. Kamusta?" Bati sakin ni papa.

"Mabuti naman po."-sabi ko kay papa at nagmano sa kanya.

"Yam... kamusta school?"-tanong sakin ni mama.

"Ayos lang ma."matipid kong sagot kay mama. Nagmano din ako sa kanya siyempre.

"Oh sige na mag palit ka na ng damit mong pambahay at ng maka pagpahinga ka na."-sabi sakin ni mama.

"Sige po ma."-sagot ko naman.

Umalis na ako sa kusina at dumiretso sa aking kwarto.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad ko namang inilapag ang aking bag at nagpalit ng damit.

Pagkatapos ay kinuha ko sa aking bag ang aking tablet. Hmm... maglalaro nalang muna ako.

Ganito lang naman ako eh. Maglalaro lang. Pampalipas oras. Ahahaha. Gamer eh.

Maya maya lang ay tinawag na ako ni mama para kumain ng hapunan.

Pagkarating ko sa dining table ay sumalubong sakin ang aking kapatid na babae.

Si Eloi.

Eloisa Estares ang name niya. Eloi ang tawag namin sa kanya.

Hindi ko siya pinansin at uupo na sana ako sa isang upuan ng bigla niya akong tinabig.

"Kuya dito ako uupo!!!"sabi sakin ni eloi.

Since ako ang nakakatanda... edi hahayaan nalang. Ganun naman diba? Hays.

"Okay."-simple kong sagot sakanya at umupo sa isa pang upuan.

Wala akong ganang makipagtalo kay eloi ngayon. Pagod ako eh. Bahala siya. Ahahaha.

"Nak paborito mo ang ulam natin ngayon."-sabi ni papa sakin.

Pagkalapag ni mama ng ulam...

"Adobo?"-tanong ko kaagad na may kasamang pag ka mangha.

"Oo nak. Bakit?"-tanong ni mama.

"Mukhang marami ata akong makakain ngayon ah. Ahahaha."-sabi ko at tumawa.

Tumawa sina mama at papa. Ang saya. Ahahaha.

"Ma, pa. Kain na tayo. Gutom na ako eh."-tss... eloi talaga.

Ganda ganda ng moment namin nila mama at papa eh. Hays.

Sabagay gutom naman na din ako. At paborito ko ang ulam ngayon!!! Yehey!!! Hooray!

"Oh sige."-pagsang ayon ni papa kay eloi.

Natapos ang hapunan at ako ang naghugas ng pinggan. Lagi namang ganito ang eksena eh.

Sanay naman na ako. Heto na nga lang maitutulong dito sa bahay eh. Kaya ayos lang.

"Nak heto pa oh."-sabi sakin ni mama sabay patong sa gilid ng lababo ng mga baso.

"Ahh... ako na bahala ma."-sabi ko naman kay mama.

Tinunguhan niya ako at umalis na sa kusina. Bibilisan ko na nga ang paghuhugas ng pinggan. May mga assignment pa eh. Hahaha.

.
.
.

Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay nagpaalam ako kina mama at papa na papasok na ako sa aking kwarto para magpahinga.

The 8 Year PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon