Chapter 7

25 4 1
                                    

Jeanine's POV

"Hahahahahhahahahahahaha"

Pagkapasok ko palang ng classroom puro tawanan na ang naririnig ko.

"Tapos... tapos... heto na si duterte!!!"-sabi ng isa kong kaklaseng lalake.

Si Joshua Lim

"Barilin ko kayong lahat eh."-sabi ng isa ko pang kaklaseng matangkad, kayumanggi ang kulay, mapimples ang mukha... medyo may pagkawavy ang buhok niyang itim at may salamin.

Si anton.

"Hahahahahahahahahahahaha."-tawa nanaman ang buong classroom.

"Huy. Binay. Asan si leeniee?"-sabi ni anton na ginagaya si duterte.

"Only binay. Only binay. Sino pa ba... only binay."-pagkanta ni joshua ng kanta ni binay.

Ewan ko ba pero nakakatuwa silang tingnan. Hahaha. Pati ako napapahalakhak nalang.

Vinideohan ko sila sa cellphone ko. Hahaha. Hindi naman nila pansin eh.

"At ngayon naman... gagawa pa ako ng maraming daan, para sa tuwid na, ayy wala may nagvivideo na."-sabi ni anton sabay tingin sakin ng masama.

"Sorry na. Hahaha."-sabi ko sa kanya.

"Tss... okay."-sabi niya.

Ibinaba ko na ang aking cellphone at umalis saking kinatatayuan.

Pumunta na ako sa aking upuan at nagulat ako dahil may nakaupo doong isabg lalaking nakadungaw ang mukha sa desk ng aking armchair.

Ibinaba ko ang aking bag sa harap ng upuan ko. Bigla namang gumalaw ang lalaking nakadungaw sa aking upuan.

Si wilhelm pala.

"Jeanine. Andito ka na pala?"-sabi niya sakin habang kinukusot kusot pa ang kanyang mga mata. Nakatulog ata.

"Oo. Bakit ka nga pala nandiyan?"-tanong ko sa kanya. Puwede naman kasi siya matulog sa upuan niya bakit dito pa sa upuan ko? Weird.

"Ahh... kala ko kasi maaga ka papasok. Kaya hinintay kita. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Hinihintay kita dumating kaya dito muna ako."-pag eexplain niya sakin.

"Ayy... sorry ah."-sabi ko sakanya.

Nakakahiya naman. Pinag antay ko siya. Hahaha... so maaga pala siyang napasok ng school? Early bird pala tong isang toh. Hahaha.

"Okay lang. Laro nalang tayo."-sabi niya sakin at tumayo sa upuan ko at lumipat sa katabi kong upuan at dun umupo.

So umupo ako sa upuan ko at inilabas ang cellphone ko. Nagminecraft nalang uli kami.

Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin.

"Okay goodmorning."-bati niya saming lahat sa classroom.

"Goodmorning ma'am..."-sabi namin. Di namin alam pangalan niya kaya maam lang tuloy nasabi namin

"I am Maam Novencido. Again goodmorning."-sabi niya samin.

"Goodmorning maam novencido."-sabi naming lahat sa kanya.

"Okay take your seats."-sabi niya.

"Jeanine balik muna ako sa upuan ko ah. Mamaya nalang ulit."-sabi niya.

"Sige sige. Recess?"-sabi ko kay wilhelm.

"Geh ba."-sabi niya sakin.

"Okay. Sige na."-sabi ko sa kanya.

Tinunguhan naman niya ako bilang pag sang aton at bumalik na sa upuan niya para makinig sa lesson ng aming teacher.

After one hour...

The 8 Year PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon