a few cards short of deck

9 1 0
                                    

"  ELAINE LOJEVUS!  DETENTION ROOM NOW!  "

" sir what did I do? "  inosente kong saad. Kita ko naman ang umuusok na ilong ng panot naming guro.  FACT: napanot po siya dahil sakin, galing ng talent ko no? 

" ikaw ang may gawa ng Vandal sa pinto ng principal's office! "

" at pano kayo nakasisiguro?  Sir ? "

" ikaw lang naman simulat simula ang may kakayahang lumabag sa batas ng paaralan!  Kaya kahit walang nakakita ay ikaw parin ang pngunahing salarin" nakita naman sa gilid ng mata ko na tumango ang mga kaklase ko at meron pang tumayong isa na nagsasabi na nakita niya daw ako na ginagawa iyon.  Pa pakyuhan ko na sana kung di ko lang nakita kung sinong poncio pilato ang tumayo. 

Nagkatinginan kami at sabay kumindat.

" sige nga Nakahara, kung nakita mo akong nagsusulat dun kanina. Anong nakasulat sa pinto ng principal's office? " nakangisi kong tanong.  Takang taka naman mga kaklase ko. 

" boom panot " walang kagatol gatol na sabi ni Nakahara.  Nagtawanan ang mga kaklase ko na sinaway naman ng aming guro. 

" ano ulit?"

" boom panot "

" ulit..boom..? "

" PANOT "

" shut up! both of you, detention room now!!!!! "

Kita ko naman ang litid ni sir sa leeg. Natatawang lumabas kami sa room. FACT:  itong si Nakahara lang naman ang nag iisa kong kaibigan dito na sinasakyan lagi ang trip ko.

" siguradong bagsak ka na naman sa Math subject mo..ay correction kahit pala wala kang kabulastugang gawin bagsak ka parin " natawa naman kami pareho nitong ugok nato. Hindi ko na siya sinagot at inakbayan ko nalang siya. 

Kahit sino atang makarinig ng ganun ay talagang magagalit pero ako?  Wala lang sakin yun.  Totoo naman kasi. Sadyang pinanganak akong hindi gifted.  Di tulad nitong ni Nakahara na kahit di magreview ay talagang pumapasa. Kaya pag pumasa ako sa test.  Alam na ng mga guro na kumopya lang ako sakanya. 

I was born a trouble maker, lahat na ata na parte ng school na ito ay napagtripan ko na kahit office ng principal ay di ko pinalagpas. Bakit hanggang ngayon ay hindi ako na e- expelled ? Simple, mayaman kami. Fonder ang pamilya ko sa eskwelahang ito. The perks of being a multi billionaire's daughter.

" sino kaya magbabantay satin sa detention room ? Si miss P.I.O ulit ? " inosente kong tugon kay Nakahara na hanggang ngayon ay naka akbay parin sakin.

Napa ' aray' naman ako ng pitikin niya ang noo ko.

" ikaw talaga, don't you remember na naka confine ngayon yun dahil sa kagagawan mo ?" Nakamot naman ako sa ulo ko nung maalala ko iyon.

" wahhh, di ko kasalanan yun! Tatanga tanga kasi yan tuloy gumulong siya sa hagdan. Aba! akala niya siguro bola siya kaya mas piniling gumulong kesa maglakad " napatawa naman kami pareho dahil sa sinabi ko.

" so it's you again Miss Lojevus. " malamig na turan ng nasa harap namin.

" Pres. Ozarri " banggit ni Nakahara, kaharaop namin ngayon ang Prisedente ng SGG ng school na ito.

Siya ang dahilan kung bakit matino ang school na ito noon pa man. Walang malakas ang loob na sumuway sa kanya dahil sa kalupitan niya. Well, except for me. Takot ang lahat sakanya dahil sa walang ekspresyon niyang mukha at talas ng dila niya pati ang mga parusang ginagawad niya ay talagang nakakatakot

" mukhang masyadong mahina ang kokote mo dahil kahit ilang beses kanang pinagbigyan ng eskwelahang ito ay talaga bato parin iyang ulo mo " malamig nitong saad habang deretsang nakatitig sakin .

Aalma na sana si Nakahara ng pigilan ko ito.  Bumitaw rin ako sa pag akbay sa kanya at hinarap ang lalaking matalas ang dila. 

" then,  our beloved SSG president make me, make me follow your rules. Nagagawa mong pasunurin ang lahat pero bakit ako hindi? " maangas kong saad.  Wala paring nagbago sa mukha niya.  Still cold with a deadly stare.

" matigas nga ang ulo mo. Your confident because of your parents, your parents who cares nothing but your sister and not you.  Pano si magkakaroon ng paki sayo?  Your nothing but a simple troublemaker lady who does nothing but shame to your name and your family,  your brainless unlike your sister who have it all from beauty to brain.  I wonder, ano pa ba ang kaya mong gawin bukod sa magpapansin? Kaya hinahayaan kita kasi..nakakaawa ka "

Sapol lahat ng salitang binitiwan niya direkta sa puso ko. Lahat ng sinabi niya ay totoo pero masakit parin pala pag harap harapang pinamukha sayo kung gano ka kawalang kwenta. 

" gago ka pala eh! " ambang susuntukin ni Nakahara si Ozarri ng pigilan ko ito. Tinapunan muna ako ng nakamamatay na tingin bago ito tumuloy sa paglakad.  Sinadya pa nitong banggain ang balikat ko. 

" Elaine bitawan mo ko babangasan ko ang gagong iyon. "

Natahimik naman si Nakahara ng tingnan ko ito ng masama. 

" Ozarri.  "

Ozarri POV.

" Ozarri "

Napahinto ako sa paglakad ng marinig ko ang mababang boses niya.  Ewan ko pero bigla akong nangilabot. 

" sa mga sinabi mo ay parang kilang kilala mo na ako pero.... kilala monga ba talaga ako?  " di ko maiwasan ang kumunot ang noo. Humarap ako sa kanya at kita ko ang ngisi niya.  Aminin ko man sa hindi tumayo ang balihibo ko sa batok. 

" a few card short of deck " matapos sabihin ay ito na mismo ang unang tumalikod at umalis.  Sumunod naman dito ang kaibigan. 

" a few card short of deck.... not smart, a little crazy and simple minded "

Anong pinupunto niya? 

Hidden Identity Where stories live. Discover now