Kanina, habang naglalakad pauwi, nalaglagan ako ng mangga sa ulo. Ang sakit pala. Kaso, hindi ko alam kung sino ang mas nasaktan sa'ming dalawa. Siya ba na nahulog pero walang sumalo, o ako na napilitang sumalo kahit hindi ko gusto.
"Syempre mas nasaktan yung mangga." sabi ko habang nagtatanggal ng sintas ng sapatos ko, pagkatapos ay nahiga nako sa kama para magpahinga. "Kumpara naman sakin na napilitan lang."
Ipinikit ko na ang mga mata ko para sana umidlip, kaso nararamdaman ko na may iba pang tao sa kwarto bukod sakin. Binalewala ko nalang, baka kasi dala lang ng pagod.
Nakapikit parin ako at makakatulog na sana pero napabalikwas ako nung marinig kong biglang bumukas yung drawer sa gilid ko at dahan-dahan ding sumarado.
"Sinong nandiyan!" sigaw ko. Medyo malakas ang loob ko ngayon dahil pagtingin ko sa orasan ay 11:11am palang naman. Alam kong walang pinipiling oras ang mga multo, pero mas nakakatakot kasi pag sa gabi sila nagpapakita.
Bababa sana ako ng kama para libutin at tingnan kung may nakapasok na ibang tao sa kwarto. Kaso pakiramdam ko ay may gumagalaw sa ilalim ng kama ko.
"S-sinong nan-dyan?" hindi nako natutuwa. Naaalala ko yung horror movie na napanuod ko nung isang araw. Gantong-ganto rin yun.
Dahan-dahan akong gumalaw para silipin kung anong nilalang yung nasa ilalim ng kama. Ganto rin yung ginawa ng bida sa napanuod ko, pero hanggat maaari ayokong makita yung nakita niya.
"Aaaaaaaaaahhhhhhh!!" napalakas yung sigaw ko sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko sa ilalim ng kama ang... "A-anong ginagawa mo diyan sa ilalim!"
"Ako yung mangga. Hindi mo sinalo, kaya naging tao." binato ko siya ng unan. Pero mas okay nang siya yung nakita ko kesa si sadako.
Siya si Brix. Bestfriend ko, at oo siya yung mangga na tinutukoy ko. Nahulog pero wala ng sumalo. At ako eto, napilitan lang sumalo pero ayoko na. Masasaktan lang kami pareho, lalo na siya.
"Brix, napagusapan na natin yan diba?" lumabas na siya sa ilalim ng kama at umupo sa tabi ko.
"Oo alam ko, pero siguro naman pwede parin tayong maging magkaibigan tulad ng nakasanayan?" ngumiti ako bilang tugon.
"Pero teka, ano palang ginagawa mo dito? May problema ba? May sasabihin kaba?" tanong ko sakanya.
"Magpapasama sana ako."
"Saan?"
"Sa simbahan."
"Bakit ako? Iba nalang."
"Kasi ikaw lang. Wala ng iba."
Ako:
Siya:
Drawer:
Cabinet:
Bintana:
Yung kama:
"Brix naman!" sabay hampas ng unan sa mukha niya. "Tigilan moko sa kakaganyan mo, kaya ka nasasaktan eh."
"Joke lang! Dali na, samahan mo nako please saglit lang tayo may ibibigay lang ako kay mama, dali na."
Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tanda ng hindi ko pag-sangayon. Tska isa pa, kakauwi ko lang ng bahay tapos aalis nanaman ako? Edi parang nasaktan na nga ako, tapos magmamahal parin ako?
"Sabagay," biglang lumungkot yung tono ng boses niya. "Kelan mo ba ko pinagbigyan?"
Naramdaman kong unti-unting nawawala yung bigat sa gilid ng kama kung saan siya nakaupo. Ibig sabihin tumayo na siya. "Aalis nako, at wag kang magalala dahil hindi nako babalik."
YOU ARE READING
TIME will make a way
FantasySa mundong ito, may isang tao na itinadhana para sayo. Imposibleng wala dahil lahat tayo, meron non. Pero paano kung ang taong itinadhana para sayo ay namatay na, bago pa kayo magkita?
