CHAPTER 1

3.8K 179 20
                                    

Nathan's POV:

1 week at limang araw na ang lumipas simula ng umalis sila. Malapit na silang umuwi. Dalawang araw nalang.

"Miss ko na sila" - sabi ni Prince

Napabuntong hininga nalang kami bago nagsiakyatan sa mga kwarto namin para matulog na dahil may pasok pa bukas.......

Fast forward......

Kenneth's POV

Naglalakad kami ngayon papunta sa classroom ng biglang may lumapit saming isang babae.

Base sa itsura nya ay isa syang grade 7 student dito sa SU.

Pero bakit kaya sya lumapit samin?

"Mga Kuya, may naghahanap po sainyo dun sa may gym" - hingal na sabi nya

"Sino?" - tanong ni Ethan

"Hindi ko po kilala. Basta limang lalaki po sila" - sabi nya

Pumunta kami dun at nakita sila James na nakatayo sa gitna ng gym. Lumapit kami sakanila at nung nakita nila kami ay napangisi nalang sila.

"Nabalitaan Kong nakaalis na pala sila Max. Sayang naman. Hindi ko nasabi sakanya na mahal na mahal ko sya" - nakangising sabi ni James

"Kahit sabihin mo iyon sakanya, Hindi mo maririnig ang salitang "I love you too" sakanya. Paniguradong kapag sinabi mo iyon, suntok ang aabutin ko. Pero dahil wala si Max dito, ako nalang ang gagawa" - sabi ni Nathan at mabilis na sinunggaban ng suntok si James

Napaupo sya sa sahig at pinunasan ang dumugo ng labi.

"You'll regret this" - sabi ni James sabay tayo at suntok ng malakas Kay Nathan.

Ngumisi si Nathan atsaka sya nagsalita

"Ang hina mo pala sumuntok. Tignan mo, ni hindi man lang dumugo yung parteng sinuntok mo" - sabi ni Nathan

"Sinasabi mo bang mahina ako?!" - inis na sabi ni James

"Parang ganun na nga" - sabi ni Nathan

Susuntok na ulit sana si James pero napigilan na sya nila Jiro. Hinila na namin si Nathan papuntang classroom at Hindi naman na ito nagpumiglas pa.

Nakinig lang kaming lima buong maghapon sa mga discussions ng teachers namin.

Papunta kami ngayon sa kompanya nila Tito Manuel at sasakay na sana sa mga kotse namin ng biglang magring ang cellphone ko.

Agad ko iyong sinagot ng makita ang pangalan ni Lexie sa caller's ID.

Hello Lexie?

Nagsilapitan sila Nathan sakin ng marinig ang sinabi ko.

[Hi Ken! Si Princess toh]

Oh Princess. Nasan yun apat?

[Nasa kwarto nila eh. Nagpapahinga pa]

Bakit pangalan ni Lexie ang nakalagay sa caller's ID?

[Hiniram ko yung cp nya. Lowbat yung akin eh]

Ahh. Eh kamusta naman kayo dyan?

[Okay naman kami dito. Masyado lang stress dahil sa daming ginagawa]

Malapit na nga pala kayong umuwi. Dalawang araw nalang.

Tumahimik bigla sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako.

Princess? Nandyan ka pa ba?

[Ah eh. Oo. Nandito pa ko]

Bakit bigla kang tumahimik kanina?

[Ano kasi..... Hindi pa kami uuwi matapos ang dalawang araw]

Ha?!

Nagulat kami dahil sa sinabi nya.

[Sabi ni Daddy, kailangan daw naming mag stay dito ng isang buwan]

Isang buwan?!

[Oo. Kailangan daw kasi eh. Madami daw kasi kaming aasikasuhin dito]

Pero----

[Ahm Ken, kakain na kami. Tsaka nalang ulit tayo mag usap. Bye]

At inend na nya ang call.

"Bakit ganun? Diba dalawang linggo lang sila dun? Bakit naging isang buwan?" - tanong ko

"Hays.... Mukha kailangan nga talaga nilang mag stay muna doon dahil sa dami ng inaasikaso nila" - sabi ni Louie

"Hayaan nalang natin. Tara na" - sabi ni Ethan kaya sumakay na kami sa mga kotse namin at umuwi na

-
A/N: Hi readers! Napublish ko na po ang prologue at chapter 1 ng TFBGMTFBB Book 2. Sorry po kung maikli at medyo boring ang unang chapter. Babawi nalang po ako sa susunod na chap. Please vote and comment. Thank you.

IN A RELATIONSHIP (TFBGMTFBB BOOK 2)Where stories live. Discover now