"Ayon, lumabas din ang katotohanan," Karla said with that smug look on her face. "Kaya naman pala."

"Sus if I know kayo din naman," I pouted and heaved a sigh. "Aminin niyo na kasi guys di ko kayo ijujudge."

Binatukan ako ni Gio. "Gaga ka. Ngayon ka pa nag-doubt sa inyo ni Richard e patay na patay nga sa'yo yun," sumandal siya sa headboard ng kama niya para makaayos siya ng upo. "Lagi kaya naming napapansin ni Karla na ang daming mga babaeng tumitingin sa kanya,"

"Kara, for example," Karla butted in.

"Yan, oo si Kara," Gio continued. "Pero grabe Meng, deadma talaga si Richard. Para siyang may laser beam kasi tumatagos talaga yung tingin niya sa iba papunta sa'yo."

"Girl," Karla tapped my cheeks lightly and smiled. "He only sees you. As in ikaw lang."

"Natatakot lang din naman ako kasi syempre bata pa kami, tayo. Madami pang pwedeng mangyari," I told them as I sat down the bed para magkakaharap na kami.

Umiling si Gio sa akin. "Bakla, wala sa edad yan. If the person feels like you're his or her endgame, then that's it. Ipaglalaban at ipaglalaban ka niyan."

"You just have to trust and love him completely," Karla motioned for me to sit between her and Gio. "Diba nga ikaw pa nagsabi nun sa amin ni Gio dati nung third year tayo?" I nodded. She rested her head on my shoulders. "Mahal ka nun kaya wag ka magdoubt. If you can only see the way he looks at you, parang ikaw yung nag-iisang natitirang donut sa mundo."

"Bakla gutom ka na siguro no?" I asked Karla. "Ginawa mo na kong pagkain eh."

Tumayo na si Gio saka kami hinila pababa sa kama niya. "Ako ang gutom kaya tara na, bumaba na tayo. Kailangan ko na ng nutrients."

Bumaba kami to cook somehing for dinner when we saw Tita Geraldine's note at their freezer.

Hindi ko na kayo inistorbo since you were all busy doing your projects. I left something for you to eat, you can re-heat it sa microwave oven. I'll be out all night since may reunion kami ng highschool friends ko. Enjoy, girls. :)
- Tita G

"Hay naku si mama, a-aura na naman," Gio said while laughing. Her dad died kasi a couple of years ago, and she was left with her mom. Wala rin naman siyang kapatid kaya madalas kasama din namin siya. Actually, highschool bestfriends ang mama niya at si nanay kaya malamang, kasama niya si nanay sa reunion kasi magkaklase din sila noon.

"Sobrang cool nga ng mommy mo eh," Karla told us. Umupo muna kami sa bar stool para pag-usapan kung anong kakainin namin. "Ang kulit."

"Sobrang kulit nga lang," Gio countered. She opened their refrigerator to look for something to eat. "O, anong kakainin natin? May kaldereta—"

"Kaldereta!" I exclaimed, even clapping my hands.

"Girl kalma, wala ka namang kaagaw sa kaldereta," Gio chuckled. "Pero mamaya na tayo kumain. Bumili muna tayo ng ingredients for the pasta. Nag-crave kasi ako bigla sa tuna pesto mo, Karla."

"Ay sige, madali lang naman gawin yon. Pero saan tayo bibili?" I asked.

"May mini grocery naman diyan sa kabilang street, dun na lang tayo bumili."

Lumabas na kami sa bahay nina Gio papunta sa mini grocery. Medyo malapit na kami nung may narinig akong tumatawag sa akin.

"Maine!"

Paglingon ko, nakita ko si Anya na tumatakbo palapit sa akin. Nagtaka ako, madalas naman akong nagpupunta kina Gio pero ngayon ko lang siya nakita dito sa village.

"Uy," bati ko sa kanya pagkalapit niya sa amin. Medyo hinihingal pa siya kasi nga tumakbo. "Taga-rito ka pala?"

"Hindi, dinalaw ko lang yung tita ko three houses away from here," sabi niya. Napatingin siya kina Gio and Karla na nasa likod ko.

"Anya, bestfriends ko pala. Gio and Karla. Guys, si Anya. Classmate ni RJ nung elementary," pakilala ko sa kanilang tatlo. They all shook hands and smiled at each other.

"Oo nga pala, Maine, pakisabi naman kay Richard na may class reunion kami next weekend. Hindi kasi siya nag-oopen ng Facebook and hindi pa siya nagrereply sa text. Siya na lang kasi hindi nasasabihan." Anya said as we moved closer to the mini grocery. Nasa gitna naman pala kasi kami ng daan.

"Ay, sige. Sasabihin ko na lang mamaya," I said and smiled.

Hinawakan niya yung kamay ko saka ngumiti sa akin. "Thank you, Maine! Sige, mauna na ko ha? Nice seeing you, Maine! And nice meeting you girls!" she waved at us and walked away.

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng mini grocery para bumili nga ng mga ingredients na kailangan namin.

"In fairness kay ategirl, ang bilis maglakad ha," sabi ni Karla habang kumukuha ng tuna. "Paano mo nakilala yun, Meng?"

"Nagkita sila ni RJ sa tapat ng Benitez Hall nung UPCAT," I told them. Kumuha ako ng white onions and garlic. "Ayun, pinakilala ako."

"O, bakit parang hindi ka masaya?" Gio said. Kinuha na niya yung mga pinamili namin saka tumuloy sa counter para magbayd. "May something ba kay ate mo Anya?"

"Wala naman, hindi lang ako comfortable siguro sa kanya." I told them. Pagkabayad ni Gio, lumabas na rin kami agad sa mini grocery para bumalik na sa bahay nila.

"Mukha naman siyang harmless, bakla," sabi ni Karla habang naglalakad kami pabalik. "Alalahanin mo yung pinag-usapan natin kanina. Trust, diba?" Sasagot na sana ako nung marinig kong may tumatawag sa phone ko. I pulled it out and saw RJ's face on my screen. Siya pala tumatawag.

"Hello, RJ?"

"Love, san kayo?" he said on the other line.

"Nasa labas bumili lang ng ingredients para sa pasta na iluluto ni Karla. Why?"

"E nandito kami sa bahay ni Gio," napalingon ako kina Gio and mouthed that the boys are in front of Gio's house.

"Teka, pabalik na kami. Malapit na. Magkita na lang tayo diyan." I dropped the call and started running towards Gio's house. Naiwan na sina Karla at Gio sa likod ko. Pagliko ko sa may street nina Gio, I saw the boys in front of Kuya Dan's car na dala ni RJ.

"RJ!"

Tumakbo ako palapit sa kanya saka ko siya niyakap. "Woah, Maine are you—" I buried my face on his chest, making me smell his scent. Umiling lang ako sa kanya.

I looked at him as he cupped my face, his questioning look gazed upon me. "Okay ka lang ba talaga?"

"Oo, okay lang talaga ako. Nanaginip lang kasi ako nung isang araw about sa UPCAT."

"What about it?" he asked, his face worried.

I looked down and pressed my lips. "Di daw ako nakapasa. Tapos nag-away tayo. Tapos nagbreak daw tayo."

I felt him chuckle and then he pressed a soft kiss on my forehead. "Ikaw talaga," he started carressing my cheeks and gave me a smile. "In case you don't pass, magagawan naman natin ng paraan kapag nasa magkaibang schools tayo diba? Sabi mo nga, trust. Meron naman tayo nun diba?" I nodded. "Yan, kaya quit worrying okay? Saka naniniwala naman akong papasa ka."

"Talaga?"

"Talagang-talaga."

He was about to give me another kiss on my forehead when we heard the gate open. Napalingon kami and we saw them staring at us.

"Geez guys, get a room," iling ni Gio as the others laughed and they all walked inside the house.

***
A/N: Sorry guys di ko natapos agad kahapon kasi parang nawala ako sa hulog magsulat. Nasa utak ko na pero di ko maitype kasi I can't find the right words to put in. Filler chapter lang to so I hope you still appreciate it. Thank you sa lahat ng nagbabasa. 💛

Your UniverseWhere stories live. Discover now