Wizard's Tale 1: Chapter 20

166K 4K 166
                                    


(Alyanna POV)


"Mama, kailan niyo po ibibigay saakin ang kwintas na yan?"

"Kapag ganap ka nang dalaga."

"Bakit hindi ko pa pwedeng suotin yan ngayon?"

"Kasi kailangan pa ito ng Mama mo." Hinawakan ni Mama ang pisngi ko na may ngiti sa kanyang mga labi. "Pero ito ang pinakamahalagang heirloom na talagang pagmamay-ari mo. Darating din ang araw na masusuot mo ito."

Yan ang madalas na sabihin saakin ni Mama simula nang magka-isip ako. Paulit-ulit niyang ipinaalala saakin tuwing gabi na kailangang mapasaakin ang kwintas kapag eighteen years old na ako.

Ngunit isang araw, nagising na lamang ako na patay na ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung paanong may nakapasok sa bahay namin at pinatay sila, samantalang nahihimbing ako sa kama ko at ni hindi man lang ginalaw.

Sabi ng iba, suicide daw ang ginawa nila Mama Allina at Papa Samuel dahil walang bakas na may salarin sa nangyari sa kanila. Pero hindi ako naniniwala doon dahil alam kong mahal ako ng mga magulang ko. Hindi nila pipiliin na iwanan ang nag-iisa nilang anak.

Dahil bata pa ako nun, kinupkop ako ng natitira kong kamag-anak na si Auntie Seline. "Ano? Baka naman nagkakamali kayo dyan, attorney?"

"Ayon sa last will na iniwan ni Mr. at Mrs. Rohan, mapupunta ang lahat ng kayamanan nila sa nag-iisa nilang anak na si Alyanna Rohan. May mga mahahalagang gamit din na dapat niyang matanggap. Pero dahil wala pa sa tamang gulang ang bata, ikaw na legal guardian muna ang siyang hahawak sa lahat ng yaman ng pamilya nila."

"Ganun ba? Hayaan niyo po attorney..." Ipinatong ni Auntie Seline ang kamay niya sa balikat ko. Napakabait niya sa harap ng abogado ng pamilya ko. "Aalagaan kong mabuti si Alyanna at ituturing ko na ring parang anak." Ngumiti siya saakin at kinurot ang pisngi ko.

"Paano po yung kwintas ng mama ko?" Tanong ko sa kanila. Gusto ko na kahit yun lang, payagan nilang makuha ko na.

"Alyanna, ang mga alahas ng Mama mo ay pangangalagaan muna sa bangko. Makukuha mo rin yun kapag nasa tamang edad ka na." Sagot ng attorney.

"Pero ang sabi niya, saakin yun. Hindi ko naman susuotin eh, itatago ko lang! Iingatan ko naman yun! Saakin na yun!"

"Alyanna, wag nang matigas ang ulo mo." Saway naman saakin ni Auntie Seline.

Matapos ang usapang yun, kasama ko nang nanirahan sa bahay si Auntie Seline at ang anak niyang si Cerina. Inisip kong ituturing nga ako ng tiyahin ko na para niyang sariling anak, pero kabaligtaran pala.

"Lumayas ka dito! Kwarto ko na 'to! Dun ka na sa attic matutulog!"

"Pero kwarto ko 'to. Matagal na ako rito." Biglang hinila ni Cerina ang buhok ko kaya napaiyak ako. Nagtatakbo naman ako papunta kay Auntie Seline para isumbong ang anak niya. "Auntie! Si Cerina po inaaway ako! Gusto niyang kunin ang kwarto ko!"

Tumingin lang saakin si Auntie at bigla na lang niya akong sinampal ng napakalakas kaya nasubsob ako sa sahig. Yun ang unang beses na talagang may nanakit saakin.

"Hoy Alyanna! Wala kang karapatang awayin ang anak ko! Kapag sinabi niyang kwarto na niya yun, sa kanya na yun!"

Natawa lang si Cerina dahil sa pagkampi sa kanya ng Mama niya. Tinulak pa niya saka siya pumasok sa loob ng kwarto ko—na ngayon ay sa kanya na.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon