Chapter 12: Eccentric Feeling

539 28 0
                                    


Denise's POV


Ngayon lang ulit ako naging masaya. Ewan ko ba pag kasama ko si Joshua parang walang dull moments. Parang bumabalik yung totoong ako.

Tawa ako nang tawa dahil sa pinagsasabi niya. Buong araw nasa mall kami para maghanap ng trabaho.

"Ano ba trabaho yung kaya mo?" tanong niya nang makaupo na kami.

Pumasok kami sa isang restaurant para kumain muna magsimulang maghanap.

"Kahit ano basta kaya ko." diretso kong sabi.

Ngumiti lang siya at tinawag yung waiter.

Pumili na kami ng kakainin at insert gentleman mode, siya ang magbabayad.

Edi lubusin ang grasya habang maaga pa. LOL

Nag-uusap lang kami habang kumakain.

Pagkatapos, nagsimula na kaming maghanap at una naming pinuntahan ay...

"Photo shop? Anong gagawin natin dito?"

"Edi trabaho! Sabi mo kahit ano diba?" sagot niya.

Tiningnan ko yung store. Parang iba yung gusto ko dito.

Hinila ko siya papasok para magpa-picture.

"Hey! Akala ko magtatrabaho ka?" pagtataka niya.

"Ayoko dito! Sige, ngumiti ka na lang."

Ang kulit naming tingnan habang kinukunan. Pagkatapos naming magbayad, lumabas na kami.

Pumunta kami sa Jewelry shop. May bibilhin daw siya. Naghintay lang ako hanggang matapos siya.

Sunod namin pinuntahan ay Baby's section.

Hayy. Kabaliwan talaga ng lalaking 'to.

"Dito na lang! Mas masaya dahil mga bata ang makikita mo!" masigla niyang sabi.

Naalala ko bigla nung panahong kasama ko ang pamilya ko.

"Ayoko dito. Parang ang pangit tingnan."

"Saan ba gusto mo?"

"Yung comfortable ako."

Nag-pout siya tas humarap sakin.

"Labas muna tayo."

Napansin kong may lalaking nakatakip ng sumbrero yung mukha at nakatingin sa direksyon ko.

Di ko na lang pinansin at naglakad na.

Pumunta naman kami sa Gown section. Nafe-feel kong may nakasunod samin pero dineadma ko na lang. Ok sana dun pero wala namang vacant.

Sunod naman ay yung Wedding shop. Parang ikakasal ako nito na walang groom. Haha!

Sabi niya kulang na lang pari (dahil may singsing na siya) para ikasal kami. Natawa naman ako. Baliw talaga!

Nakita kong may nakatingin sakin kaya tiningnan. Napansin niyang nahuli ko siya kaya dali-dali siyang umalis.

Geez. Nakaka-badtrip naman.

Naisipan naming pumunta sa isang Cake store para bumili.

Naghanap ako bigla. Tagal ko ring di nakakain nito. Dahil bitter ako noon. Chuzz xD

"Mas bagay ka dito. Tataba ka for sure sa dami ng cake. Haha!"

Tiningnan ko nga ng masama. Haha, natakot bigla. Yeah boy! xD

"Ano na? Ok na ba?" tanong ulit niya.

"Eh ayoko pa rin. Hanap na lang tayo ng iba!"

Binayaran na namin yung cake tas lumabas.

Ang lakas talaga ng pakiramdam kong may sumusunod samin.

Pumunta muna kami ng Men's section. Gusto daw niyang bumili ng polo. May nahanap akong faded black, which means gray, diba? LOL

"Ito bagay sa'yo. Bilhin mo na!" sabay abot sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Yeah, pag ako ang pumili talagang maganda. Haha!" sagot ko.

Ngumiti lang siya at pumunta ng counter.

Kanina ko pa napapansin yung nakasumbrero kanina. Lumabas na kami ng store at dali-daling naglakad.

"Teka nga... Nagmamadali ka ba?" tanong niya.

"May sumusunod satin." sabi ko.

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa paligid.

"Saan?"

"Basta. Kumain muna tayo. Nagugutom na rin ako!" hinila ko siya papasok sa isang restaurant.

Pag-upo namin tumingin ako labas at nakita kong paalis na yung lalaki.

Hayy. Natakot ako bigla, parang mahirap maglakad mag-isa ngayon. Baka bigla na lang may lalapit sakin tas may dalang matalim na bagay. Wala pa naman akong pera ngayon. T_T

Chasing PartnerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora