Chapter 10: Love at First Sight

659 29 29
                                    

Joshua's POV

I'm Joshua Cortes. 17 yrs of age. I came back dito sa pinas from Paris nung mawala na si lolo last month. Kaya napagdesisyunan naming tumira na dito.

Fourth year na ako at dapat sana nasa pilot section ako but I declined the opportunity, palagi na lang akong nasa ganung posisyon.

And I regret my decision nung makita ko SIYA.

First day nung magkabangga kami, naging interesado ako sa kanya. Hinanap ko lahat ng information meron siya mula sa dati niyang school pati na rin mga ginagawa niya dun.

Yeah, I became her instant admirer but I don't care.

Pati social media na meron siya in-add ko.

Palagi akong nagpapadala sa bahay niya ng bulaklak. I just put 'Mr. JC' sa mga cards.

She's really mysterious. Nakaya niya ang buhay ng mag-isa sa kabila ng nangyari sa pamilya niya at sa kanya.

Oo, alam ko rin ang ginawang kagaguhan ng ex niya.

Lahat ng ginagawa niya sa school inaalam ko. I even took pictures of her.

Obsessed na kung obsessed basta ganun ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya sa malayo.

Hanggang sa naglakas-loob akong lapitan siya.

Akala ko suplada siya o ano but hindi pala. Masaya siyang kasama kahit wala kayong ginagawa.

Palagi ko siyang hinahatid sa kanila.

Syempre, di mawawala ang reject offer. Ayaw niya kasi ng ganung treatment.

"Josh, may alam ka bang pwedeng trabaho sakin?" bigla niyang tanong.

O_O

Tama ba yung narinig ko? Naghahanap siya ng trabaho?

"Ba't ka naman magtatrabaho?"

"Malapit na maubos yung pera ko. Sige naa, kuya naman kita! Hehe!"

-_-

KUYA.

At yan ang ayaw kong marinig sa kanya.

Wala daw kasi siyang lalaking kapatid kaya ako nalang daw. Tss

"Wala akong alam ngayon!" tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

"Hay! Akala ko matutulungan mo ako di rin pala." malungkot niyang sabi.

Kung di mo siya kilala masasabi mong napaka-seryoso niyang tao, walang pinapansin kahit kaklase niya. Pero pag nakilala mo na ng matagal, malalaman mong may pagka-isip bata pala.

Pero kahit ganun siya... Mahal na mahal ko yan.

Wala lang akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ng harap-harapan.

Tiningnan ko lang siya habang nakaupo at nakapatong ang ulo niya sa tuhod.

Fvck.

Nate-tempt akong yakapin siya at wag ng ipakita sa iba. Alam mo yung nakashort pants lang siya tas ganun ang position niya? Kitang-kita mo yung makikinis niyang legs.

Parang maglalaway na ako pero pinipigilan ko lang.

"Umayos ka nga!" bumalik ako at binaba ang tuhod niya.

Tiningnan niya ako ng masama. May pagka-moody rin pala 'to.

Alam kong ex-gangster siya kaya I watch every word na sasabihin ko baka masapak ako ng wala sa oras. LOL

"I-I mean, tingnan mo nga yang suot mo. Dapat umupo ka ng maayos." ngumiti naman ako.

Bigla siyang nagtaka.

"Ba't parang takot ka sakin?"

Tumayo siya at unti-unting lumapit sakin.

U-Ugh. Wag kang lumapit sakin. Baka di ko mapigilan yung sarili ko at mahalikan kita.

"H-Hindi noh! May naalala lang ako. Oo, yung nga!"

"Ok... So ano na? Tutulungan mo ba ako?" 

Muntik ko ng makalimutan.

"Titingnan ko lang kung meron."

"Okay! Thanks, talaga!"

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Salamat, kuya. Hulog ka talaga!"

"Ng langit?"

"Ng purgatoryo. Hahaha!" tawa siya ng tawa.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan siya.

Ibang-iba siya nung una ko siyang makilala. Tahimik lang at laging nag-iisa.

"e0w p0wh? stiL d3r?" natawa ako sa sinabi niya.

Lumapit ako at ginulo ang buhok niya.

"Ang cute mo!"

"HAHAHAHA!"

Pfft. Anong nakakatawa dun?

"HAHA ka nang HAHA, pag ako nainis... HAHAlikan talaga kita!"

Napatigil siya at tumingin sakin ng seryoso.

O_O

Aish! Sinabi ko na kanina na ayokong magsalita ng kung ano-ano at baka magbago ang mood niya.

"Hehe. Joke lang!"

Nilapitan niya ako habang ang lalim ng tingin sakin.

Paatras ako nang paatras. Hanggang sa naramdaman kong may matigas sa likod ko. Nasa pader na pala ako.

Napapikit na lang ako ng unti-unti niyang tinataas ang kamay niya.

"HEHE ka nang HEHE... HEHEgupin ko lahat ng laway mo eh!"

Napamulat ako bigla.

What?

"BWAHAHAHAHA!"

Halos mangiyak-ngiyak na siya sa katatawa.

Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.

"Did you see your face? Grabe, may papikit-pikit ka pang nalalaman! Hahahaha!"

Namula ako sa hiya. Arggh! Hindi ako makapaniwala na naisahan niya ako.

Hinatid ko na siya pagkatapos nun. Di pa rin siya tumitigil sa pang-aasar habang pauwi kami.

She really made me fall deeply for her. And I won't stop myself from falling more and more kung siya lang din ang dahilan. 

Chasing PartnerWhere stories live. Discover now