Chapter 1: Moonaya Fiesta (Strange Feeling)

133 82 40
                                    

Chapter 1: Moonaya Fiesta  (Strange Feeling)

Nagising ako dahil sa tunog na nanggagaling sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ang tatlong sasakyan na nakaparada sa gate ni lola. May bisita ba?

Naligo muna ako at nagbihis tsaka bumalik sa kama. Napag isip isip ko rin kung bababa ako o maghihintay dito sa kwarto dahil ayoko makita yung mga bisita Hindi dahil sa ayaw ko sa kanila talagang ayaw ko lang ng makasalamuha yung mga taong Hindi kilala. Maliban nalang Kung kailangan na kausapin sila.   I better stay in my room than to socialize with them kaya nga walang nagtatagal sakin yung mga kaibigan ko kung kaibigan man tawag dun iniwan ako. One day I found out na I'm no longer there friend.

May narinig akong mga yabag papunta dito sa kwarto ko kaya mabilis sa alas kwatro akong humiga at nag kumot.

"Macy gising na!" Katok ni yaya sa pinto. Nalaman ko nalang na nakapasok na sya dahil naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko.

"Macy tulog ka parin ba?" Bumangon ako at tsaka humarap Kay yaya iday.

"Hindi po,yaya may tanong ako kanino yung mga sasakyan na nakaparada sa labas?" Nakita ko ang pagkabigla nya sa pagbangon ko bago sinagot ang mga tanong ko.

"Ah sila yung mga kapitbahay natin,yung iba naman kaibigan ng Lola at lolo mo kaya halika na at kailangan munang kumain.." Tumango ako at sumunod sa kanya pababa.

Ang daming tao higit pa ata sa bente ang mga nandito ang iingay din nila karamihan mga kasing edad nila lola at lolo. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako ng paborito Kong umagahan, Hotdog with egg and rice.

"Macy bilisan mo na dyan may pupuntahan pa tayo.." Sumulpot si yaya iday sa tabi ko.

"Saan naman yaya.." Pinagpatuloy ko lang ang pagkain pero mas binilisan dahil mukang kailangan nga ako ni yaya.

"Sa botika dyan dahil bibili tayo ng susuotin mo mamayang gabi––"

"Wait! yaya ano? Susuotin mamayang gabi!?" Tumango si yaya at pinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"..tsaka pupunta na rin tayo sa palengke para bumili ng pang ulam natin.." Tumango ako Kay yaya na parang naintindihan ko ang sinabi nya kahit Hindi naman.

Lumipas ang isang oras at ito ako naka nga nga wala kasing magagawa dito maliban sa pagmasdan ang nag gagandahan tanawin mula dito Sa balkonahe. "Apo ayos ka lang?" Nilingon ko si lola.

"Hindi La.."mas lalong nalukot ang mukha ko.

"Bakit apo anong problems?" Mukang kailangan Kong ilabas ang kinikimkim ko.

"Kasi lola saan ba tayo pupunta mamaya..alam nyo naman na Hindi ko gusto ng mga ganyang bagay.." Ngumiti si Lola na parang sinasabi na naiintindihan kita.

"Hindi basta basta ang pupuntahan natin mamaya lahat ng nandito Sa bayan dadalo dahil bukas ang araw ng fiesta.." Paliwanag ni Lola habang hinahagod ang likod ko.

"Oh bukas pa pala eh bakit mamayang gabi ang selebrasyon?" Bakit nga ba gabi sila nag ce-celebrate..

"Mag sisimula kasi yun kapag tumapat ng ala una kaya wag kang mag alala dahil maganda ang selebrasyon kasama mo naman si yaya mo eh.."

Bumukas ang pinto at pumasok si Lolo ng nakangiti.

"Oh apo ko bakit ka malungkot? Dapat happy lang~.." Ngumiti pa ng todo si Lolo na syang ikinangiti namin.

"What ever Lolo.." Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Sige apo mag lalambingan lang kami ng Lola mo baba ka nalang kapag nabagot ka.."

Napabuntong hininga nalang ako ng umalis si Lola at Lolo Sa kwarto. Sana nga maganda ang mangyayari para Hindi masayang ang pagpunta ko doon.

.

Patuloy parin si yaya Sa pag pili ng susuotin ko mamayang gabi halos umabot ng dalawang oras ang pagpili nya.

"Oh ito Macy suotin mo.." May pinakita syang dress na balot na balot ang katawan ko. Umiling ako Kay yaya sinyales na ayaw ko.

"Eh ito?.." Isang color black na turtle neck dress. Piling ko Hindi ako makakahinga dyan eh. For the ninth times umiling ako.

Dahil Hindi ko na kinaya ang mga pinipili ni yaya naghanap na rin ako ng damit na susuotin ko mamaya. Malapit ng mag seven o'clock kaya minadali ko na ang paghahanap.

May nakita akong dress na simple lang pero maganda ang pagkakagawa. "Mukang ito na.."

"Yan na ba ang napili mo Macy? Ang ganda ah.." Nakapili na rin si yaya ng kanyang susuotin kaya agad namin itong binili at umuwi na.

Panay ang daldalan ni Lola at Lolo pati narin si yaya tungkol mamayang gabi. Habang ako kumakain dahil wala akong alam Sa mga sinasabi nila mas mabuti na ang manahimik.

Matapos kumain dumiretso si Lola at yaya sa make up room para daw mag ayos kahit 9:36 pm palang inaya nila ako kaso sabi ko mag beauty rest lang ako Sa kwarto kahit wala naman talaga yun Sa bukabolaryo ko. Wag narin kayong mag taka kung may make up room si Lola talagang nasa dugo na nya ang pagiging beauty Queen kumpleto lahat ng pampaganda doon maski lahat ng damit nila nandoon. Si Lolo naman umalis may pinuntahan ata. Samantalang ako iidlip muna dito Sa kwarto nag alarm na din ako ng 10:00 pm para Hindi mag tuloy tuloy ang tulog ko.

Riiinggg!! Riingggg!

Napabalikwas ako Sa higaan dahil Sa tunog ng alarm clock ko tinignan ko ito at 10:45 pm na pala, pinatay, sinaksak at pinasagasa ko ito ng makasigurado na Hindi na ito tutunog pa at nagmadaling maligo.

Nag lagay ako ng maskara, powder, blush on and lipstick bago sinuot ang dress na nabili namin ni yaya at pinaresan ko ito ng doll shoes na black.

Knock!! Knock!!

"Macy tapos ka na dyan halika na aalis na tayo!.." Sigaw ni yaya mula Sa labas.

Muli kong sinuro ang aking sarili Sa salamin. "Beautiful.." I murmured before I left the room.

Sumakay kami sa kotse ni Lolo  at tinungo ang daan Sa gubat lumingon ako Sa isang madilim na parte ng gubat kung saan doon ko narinig ang putok ng baril. Lumiko kami Sa may arrow na daan kaya Hindi ko nakita ang pinaka loob nun natatakpan narin yun ng dilim kaya mas lalo Kong Hindi nakita.

I have this Strange Feeling na may masamang manyayari. I hope that I'm wrong.

.

It Took us fifteen minutes bago marating ang sinabing lugar at isang salita lang ang lumabas Sa bibig ko.

"Wow!!!"

Halos malaglag ang panga ko Sa maliwanag at magandang lugar. Ito na ba yun? Para syang Disney land kaso wala nga lang yung mga Disney princess basta may fire works, may palaruan, may malaki ding bahay mansyon ata yun eh at mukang may party doon sa loob.

Ewan ko ba kung bakit ko sya naihalintulad Sa Disney land dahil lang Sa mailaw na fire works haha. Para din may concert Sa dami ng tao.

Dahil Sa sobrang pagkamangha naiwan na ako nila Lola kanina pa pala ako nakatayo doon at naka nga nga.

...
Enjoy!#__#
Vote..
And also
Comment..

Luv: *Sham*

Moonlight: Bloody KissWhere stories live. Discover now