Prologue

185 86 44
                                    

Prologue

"Miss saan po ba kayo? Hanggang dito nalang po kasi kami hindi na po kinaya ng makina.." sabi sa akin ng tricycle driver.

"Sige ho salamat.." pagkababa ko nag lakad na agad ako para mahanap ang bahay ni lola alam ko naman ang pangalan ng lugar kung saan sya nakatira kaso ang hindi ko alam ay kung saan ang exact na bahay nya.

Ayoko naman talaga dito sa lugar na to kung hindi lang talaga ako pinilit ng mga magulang ko na dito muna ako hanggang katapusan ng school year so it means na dito muna ako mag aaral ngayon taon.

[Flashback..]

"Macy na miss mo na ba ang lola mo? Gusto sana namin ng daddy mo na doon sa probinsya ng lola mo ka mag aaral.." nandito kami ngayon sa sofa dahil tinawag ako ni mom para makausap.

"Mom ayoko Bakit kailangan doon pa sa probinsya pwede naman dito nalang." Kaya ayoko dahil ayaw ko lang ng lilipat ng ibang school.

"But our decision is final at nakausap narin namin ang lola mo na doon ka muna titira sa kanya. Mawawala din kami ng ilang linggo or maybe a month dito dahil sa business.."

Wala na akong nagawa kundi sundin sila dahil mukang final na ang pagaaral ko sa probinsya.

[End of flashback]

Pagkatapos akong kausapin ni mom nun nagpa book na sya ng flight papuntang probinsya at nag tricycle lang ako papunta dito.

"Miss nawawala ka ba?. Maaari kitang tulungan mukang bago kalang dito?" Tanong sa akin ng isang ginang. Gusto ko sanang sabihin na Oo nakikita mo naman siguro tong mga bagahe ko. Kaso alam kong bastos yun.

"May kilala ho ba kayong nag nga-ngalang Felicita Santos?" Tanong ko. Kahit naiilang ako sa kanya dahil sa pananamit nya at sa mga tingin nya na pawang sinusuri ako.

"Felicita? Ah Oo halika samahan na kita sa kanya.." Sinundan ko lang sya habang napapa tingin ako sa mga tao at bahay dito.

Malayo ito sa inaasahan ko na lugar malayong malayo sa tulad ko na taga maynila. Wala masyadong nadaan na sasakyan kaya siguro tago at hindi mapasukan ng ilang sasakyan. Katulad kanina.

Bawat daan namin ng ginang kinakabisa ko ang mga dinadaanan ko para sa susunod na mamamasyal o mapapadaan ako rito hindi ako mawawala.

Hanggang napadaan kami sa isang pamilihan isang bagay ang pumukaw sa paningin ko. Bracelet kakaibang purselas. Napahinto ako saglit at tinignan ang purselas na ito.

"Gusto mo ba yan ineng." Napabaling ang tingin ko kay ginang na nakatingin din sa hawak ko.

"Ah Hindi na marami na rin akong purselas.." tugon ko na ikinatango naman nya. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Maganda naman ang lugar na to at malawak kaso parang may kakaiba hanggang napadaan kami sa isang paaralan. Malaki , maganda, mukang private ang school para ngang may nagtutulak sa akin na pumasok sa loob. Ang tahimik din nakakatakot ang pagiging tahimik ng lugar siguro dahil hindi pa pasokan o di kaya oras pa ng pahinga ng mga tao dito. Mag aalas kwatro narin ng hapon.

"Malapit na tayo.." hindi ko nalang pinansin ang mga naramdaman ko dahil baka gutom at pagod lang ito dahil sa byahe.

Isang matinis na tunog ang narinig ko at hindi ako namamalikmata  nakita ko ang pagkislap ng kung anong bagay sa loob ng gubat. Kung hindi ako nagkakamali tunog ng baril ang narinig ko kaya doon ako napatingin sa gawi ng gubat. Hindi gaanong kalakasan ang tunog tama na para marinig ng isang tao sa malapitan.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Wag mo ng pansinin ang mga narinig mo maaaring yan ang ikakapahamak mo.."

Wala ba silang mga officers dito para bantayan ang lugar na to. Kahit barangay tanod I'm sure meron.

Hindi nalang ako nagsalita pero sa loob- loob ko hindi ako mapakali. I'm not safe in this place and also the people in here is not safe.

"Itong may brown na gate yan ang bahay ni Felicita.."

Tinuro nya ang isang malaking gate sa harap. Nakita ko na nakatitig sya sa akin kaya nag pasalamat agad ako sa tulong nya.

"Tao po" sabay katok ko. Hinanap ko narin yung door bell para hindi na ako mahirapan.

"Sandali lang" bumukas ang gate at nakita ko na si lola feli.

Niyakap ko na agad sya sa sobrang pag ka miss. "Apo anong oras na bakit ngayon ka lang.."

"Pasensya na lola.." paumanhin ko.

"O sya sige halika na.." tumingin tingin muna sya sa paligid at parang balisa.

"Pasok ka.." para din nagmamadali. Baka dahil sa pagod ko lang to at kung ano ano ang nasa isip ko.

...

"Ito ang kwarto mo sige tawagin mo nalang ako kapag may problema..nasa kusina lang kami ng lola mo.." nagpasalamat na ako kay yaya iday.

Hindi ko alam na may yaya pala si lola dito mukang nasa mid 40 na sya pero maganda parin.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko. Maaliwalas at ang ganda halatang mayaman ang nakatira.


"Apo bumaba ka na dyan at kakain na tayo!" Sigaw ni lola na agad ko naman binaba ang mga bagahe ko sa higaan.

Masarap ang pagkakaluto hindi ko nga lang alam ang tawag sa ulam nila, maraming gulay hindi naman sa ayaw ko ng gulay , ayaw ko lang talaga ng madami.

"Ayaw mo ba?" Tanong ni yaya.

"Po? Ah hindi po masarap naman po sya talaga." Tumango tango sya at ngumiti.

"Apo uuwi ang lolo mo mamaya kaya maaari bang ikaw na muna ang maghain sa kanya mamaya dahil maaga pa kami ng yaya mo bukas.." tumango ako.

"Atsaka layuan mo yung babae kanina na naghatid sayo papunta dito..wag ka masyado mapalapit sa mga tao dito lalo na hindi mo pa sila kilala.." seryosong sabi nya.

"Opo la.."

Hindi nga dapat ako nagtitiwala sa iba.

Natapos naman ang kainan namin ng matiwasay at dumiretso ako ng kwarto para ayusin ang mga gamit ko habang wala pa si lolo.

Narinig ko ang tunog ng sasakyan kaya sumilip ako sa bintana. Mukang si lolo na.

"Yaya!! Feli!! Nasaan kayo? Ano to tago- tagoan?ako ba taya?" Muntik na akong matalisod sa hagdan dahil sa mga sinabi ni lolo.

"Tsaka bakit ang dilim brown out ba?" Ng makababa na ako binuksan ko ang ilaw at nakita ko si lolo na nakaporma. Tss

"Apo? Ikaw ba yan.."  ngumiti ako ng makita nya ako.

"Ako nga po lo.." sabay yakap ko sa kanya.

"Ay sus maryosep ginoo dalaga ka na talaga haha'' walang kupas parin si lolo nako po.

"Kain ka na lo.." ihahanda ko na sana sya ng pagkain kaso hinawakan nya ako sa braso.

"Wag na apo matulog ka na dahil nakakain na ako sa pinuntahan ko.."

Kaya pala naka porma eh. --__--

Aakyat na sana ako kaso may sinabi ulit sya.

"Apo isarado mo ang bintana bago ka matulog.." seryosong sabi nya.

Bakit kaya? Tumango nalang ako bilang pag sang ayon at hindi na pinansin ang mga nararamdaman ko. Over protective lang talaga sila pagdating sa nag iisa nilang apo kaya siguro ganito.






...
Here's my other story sana magustuhan nyo ang prologue.

Feel free to comment..

Sorry for the typos errors and wrong grammar.

Moonlight: Bloody KissOù les histoires vivent. Découvrez maintenant