"Sakin o kay Blake?" Pang-asar kong tanong sa kanya at saglit naman siyang natigilan. 

"Mas madalas kay Blake pero tumatawag pa rin naman ako sayo kapag hindi sinasagot ni Blake yung tawag ko!"

"Magtatabi ba kayo para mag-away?" Pag-awat sa amin ni Delanxe.

"Sus. Inggit ka lang kasi 'di ka namin pinapansin." Sabi ko sa kanya at natawa siya.

"Luh. Epal of the year. Abnormal mo, bakla." Sabi sa kanya ni Brigitte.

"Ako lang naman matino sating tatlo." Sabi ko at tuluyan na silang lumayo sa 'kin at naiwan naman akong mag-isa sa row namin ngayon. Ano ba talaga nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit ang lalakas ng trip nila? 

"Kaya sabi ko sa 'yo, tayong dalawa lang dapat ang laging magkasama eh." Sabi ni Blake sabay akbay sa 'kin.

"Ba't 'di ka makalapit sa 'kin kanina? Takot ka kay Brigitte, 'no?" Pang-aasar ko sa kanya at tinanggal niya rin naman yung pagkakaakbay niya sa 'kin at umalis.

Lumabas muna ako ng classroom at umupo sa may pasimano at natanaw ko naman yung ibang students. May mga naglalaro ng soccer, may nga nanonood lang, at merong mga katulad ko kapag nasa field, natutulog lang. Masarap kasi talaga matulog sa field, presko ang hangin tapos puro halaman pa. Ang lakas magbigay ng province vibes. 

"Boo!" Sigaw ng isang lalaki sa tenga ko kaya't napahawak ako sa puso ko. 

"GAGO KA!" Tili ko nung gulatin ako ng nasa likod ko.

"Minumura mo na ako?" Tanong sakin ni kuya Miere at sinuntok ko siya sa braso. 

"Ba't kasi nanggugulat ka? Kapag ako nahulog dito wala ka ng kapatid na maganda!" Sabi ko at bumaba sa pasimano dahil baka bigla pa akong itulak ni kuya. 

"Wala naman talaga akong kapatid na maganda." Pang-aasar niya at inirapan ko siya bago layasan. Ayaw ko na muna makipag-asaran sa kanya, wala ako sa mood. He's not worth my time. 

"Andyan syota mo." Sabi ko kay Delanxe at agad naman siyang lumabas. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. 

"Tang inang pag-ibig." Sabi ni Alex sa tabi ko.

"Walang ibang gagawin 'yang pag-ibig na 'yan kundi saktan tayo." Sabi niya pa at kinindatan ako.

"Drama mo. Libre mo na lang ako." Sabi ko at inakbayan siya saka kami naglakad papuntang cafeteria. 

"Hindi naman halatang nahihirapan kang akbayan ako, 'no?" Tanong sakin ni Alex at binatukan ko siya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Maangas na tanong ni Alex dun sa lalaking may skateboard.

"Hindi ako sa 'yo nakatingin." Sabi niya at ngumisi.

"May sinabi ba akong sa 'kin ka nakatingin?" Natatawa namang sabi ni Alex sabay tingin nang masama ron sa lalaki. Hindi na 'to maganda, napipikon na 'to. 

"'Wag kang umusap, pare." Sabi pa nung lalaki at napansin kong nag-igting yung panga ni Alex at doon na ako nakisali sa kanila.

"Tignan mo 'to, ililibre na lang ako maghahanap pa ng kaaway. Tara na, pabayaan mo na lang siya." Sabi ko at hinatak na siya palayo ron sa lalaki. 

"Di mo ba naaalala 'yong lalaking 'yon?" Tanong sakin ni Alex at kumunot naman ang noo ko. 

"Hindi." Tipid kong sagot dahil hindi naman ako interesadong malaman kung sino siya. 

"Siya yung muntik ka ng mabangga ng skateboard niya nung isang araw." Sabi ni Alex at tumango naman ako.

"Hindi naman masyadong halata na wala kang pake sa kanya, 'no?" Tanong niya sa 'kin at ngumiti ako.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon