8⏩Warzone

3 1 0
                                    


ELAINE's POV

''San ka pupunta?''

''May project ako, di'ba? Yung group by twos''

''Tapos? Si Franco partner mo?''

''Oo, lema mo ba?'' Minsan talaga nakakainis tong' si Migy, kala mo tatay kung mang-interogate. Matindi pa kay tita Cynthia eh. ''Sabado ngayon, bakit wala ka sa practice nyo?'' Ako naman nagtanong, pero wala pa rin syang imik. Nakatingin lang sya sa bintana ng kwarto ko'. Ano kaya nasa isip nito.

''Hooy!'' Tinapik ko' sya sa braso ng malakas.

''Aray! You are so violent'' reklamo ni Migy, tinawanan ko' lang sya at napangiti naman sya

''Ayoko magpractice. Sama mo na lang ako sa group project mo'' napatingin ako sa kanya, taas kilay

''Migo, okay ka lang ba? Bakit ang wirdo mo ngayon?'' Tinitigan nya lang ako, walang emosyon muka nya

Hala baliw?

Nagbuntong hininga lang sya at sabay kamot sa batok nya ''Els kasi nama―'' napatigil sya noong sumigaw si tita sa ibaba

''Elaine! May naghahanap sayo! Franco daw'' napasimangot si Migo. Bakit kaya ang tindi ng galit nya kay Franco?

dumungaw ako sa pinto at sinabing ''Sige ta, paki sabi wait lang'' hinila ko' si Migo sa braso para tumayo na sya sa cleopatra sofa ko'. ''Tara na, baba na tayo. Nandyan na best friend mo'' nakangising asar ko' sa kanya. Sinimangutan nya lang ako habang matamlay na naglalakad sa likod ko'.

Nung nakababa na kami, nakita ko' kaagad si Franco na kakwentuhan si tita, mukang close na kaagad sila, kung sabagay, mukha namang mabait si Franco sadya nga atang judgemental lang talaga ata ako.

''Franco, di'ba sa park tayo gagawa ng project?'' Tanong ko' agad sa kanya, di' naman sya dapat pmunta dito, usapan kasi sa nearby park kami magkikita.

''Ah kasi may pinuntahan din ako malapit dito, so I decided to just drop by'' kibit balikat na sagot nya, napansin kong lalong lumalim kunot ng noo ni Migo kaya medyo siniko ko' sya, very light lang naman.

''Elaine, hija, dito na lang kayo. Maghahanda na'ko ng meryenda'' offer ni tita. Sus, style talaga. If I know gusto nya lang ako asarin kasi bukod kay Migo, wala namang ibang pumupunta dito. Wala din naman kasi akong ibang friends. Biglang napatingin si Migo kay tita at saka tumitig ng masama kay Franco. Agad naman syang napansin ni Franco pero di'na sya nagsalita at itinaas na lang ang parehong kilay nya kaya naisipan ko' na lang na ayain sila pareho sa garden.

''Oh tara na, mamaya na kayo magtitigan sa garden'' sabay irap ko' sa kanila

''Els wait up'' sabi ni Migo sabay akbay sakin. Siniko ko' sya at bumulong

''Migo, hindi ko' alam kung bakit galit ka kay Franco, pero please lang, behave'' tinitigan lang ako ni Migo at saka nagkibit balikat

''No promises, Els''

◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

''Tarages! Hindi ba kayo titigil? Sasapakin ko' kayo pareho!'' Sigaw ko' kay Migo at Franco. Para kasing gago tong dalawa, mistulang naging war zone ng popcorn yung garden, parang mga bata ''ano? Kanina ayaw nyo paawat, ngayon ang babait nyo?''

''He started it!'' Itinuro ni Migo si Franco na halatang nagulat sa bintang ni loko

''Ano? You started it. Wala ka naman dapat dito, di'ba?'' Sagot ni Franco, lalo tuloy nalukot yung muka ni Migo

''Yeah right. Why don't you ask tita Cynthia kung sino satin yung staple sa bahay na'to?'' Napailing ako, ayaw pa rin talaga nilang tumigil.

''Hoy!!'' Sigaw ko'. ''Titigil ba kayo o parehas kayong lalayas sa bahay na'to?'' Tinignan ko'sila parehas ng masama at saka napayuko yung mga mokong

''Migo, tama si Franco. Wala ka naman talaga dapat dito'' sabi ko' kay Migo. Sasabat sana sya pero inunahan ko' sya

''Tahimik, tama na. At ikaw naman Franco'' sabay lingon sa kanan ko'. ''Pwede ba, wag mo ng sabayan si Migo. Wag mo syang pansinin'' utos ko' sa kanya. Tumango lang sya sa akin at saka tumingin ulit sa laptop nya.

Di' ko' talaga maintindihan kung ano bang problema nila, nacucurious tuloy ako.
Tinignan ko' maigi yung dalawa, pareho na sulang seryoso at mukang nasa kani-kanilang mundo na. Kung sabagay, kanina pa naman kami nag-aaral. Di' naman siguro masama kung maglilibang lang muna kami.

''Guys. . .''  Sabi ko' sa kanila. Agad silang tumingin sa'kin.

''Yes?'' Tanong ni Franco at agad namang sumimangot si Migo. Napailing na lang ako, kaloka talaga.

''Laro tayo.'' Nakatawang sabi ko' at agad na kumunot ang noo ni Franco.

''Sige, ano bang laro?'' Agad naman na pagpayag ni Migo at si Franco naman ang napasimangot.

Siraulo ata 'tong dalawang 'to eh. Pero 'di ko na lang pinansin yung kawirdohan nila.

''Truth or consequence''

Love, Daddy Long LegsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon