Chapter 6⏩ Saved

14 2 0
                                    






ElAINE's POV


Beep. Beep. Beep.

Great. Monday na naman.

Beep. Beep. Beep.

Oo na alarm, tatayo na'ko. Pinilit kong tumayo sa abot ng makakaya ko, at saka pinatay yung alarm sa analog clock sa bedside table ko.

Haaay.

Minsan talaga may mga umagang mapapabuntong hininga kana lang. Yung tipong, itatanong mo sa sarili mo kung bakit ka nageexist sa mundo. Kung bakit kulay blue ang nailpolish mo. Kung bakit nararamdaman mo yung pagtibok ng ugat sa banndang gilid ng noo mo.

Madami pang bagay ang papasok at lalabas sa isipan mo pero di'ko na iisa isahin pa dahil panigurado namang alam mo naman na ibig kong sabihin.

O ako lang yun?

Napailing na lang ako. Isa talaga to sa mga umagang kung anu ano naiisip ko. Na para bang non stop lahat. Pati nga yung dumi sa loob ng alulod iniisip ko din kung paano maaalis.

Nababaliw na ba ako?

''Hindi Elaine. Kasi matagal ka ng baliw'' tanong ko, sagot ko. Ang galing ko.

A pat on my back. Apir!

Shortly after my conversation sa sarili ko, naligo na ako at nagbihis. Eh kaso dahil nga isa ito sa mga umagang maingay ang utak ko, nag soundtrip muna ko.

''Umhmm'' scroll. Scroll. Scroll pa ulit

''Aha!'' Eto talaga yung kantang bagay sa umaga na ganito. The Monster by Rihanna





Habang patuloy yung pagtugtog, narerelax naman ako. Okay na ko, kaya ko ng pumasok ng hindi kinakausap ang sarili ko na parang sira. Dahil obviously, hindi magandang tignan na isa sa mga member ng student counsil ay may imaginary friend at sinama nya pa sa pagpasok nya. Tss.

-------

Sa wakas nakarating na din ako sa school. At grabe. Ilang beses kong sinungitan ang sarili ko habang nasa jeep ako kanina, para lang di ko sya kausapin. Succesful naman ako.

''Hi'' bati ng isa sa mga -- sa tingin ko varsity. Lumingon ako at tumitig sa kanya. Itinaas ko ang parehong kilay ko bilang sagot sa pagbati nya, at para sabihin nya na kung ano yung gusto nyang sabihin.

''I'm Vince, your're Elaine di'ba?'' Nakangiting tanong nya sa akin.

''UhmUhm'' tango ko naman. Medyo pinilit kong ngumiti kahit konti para naman kahit pano magmuka akong mabait. Bakit kasi kaylangan ng meet and greet ng ganito kaaga.

''Uhmm, can I just say na I'm one of your admirers?'' Medyo ninenerbyos nyang tanong

'One of your admirers' huh! Talaga lang ha.

''Ahh.. okay'' marahan kong sagot ''wow, uhm, thank you'' dapat sagot ko lang tlaga yun. Pero nagtunog tanong paglabas sa bibig ko.

''So, can I have your number?'' Tanong nya ulit. Usually, eto na yung nga part na iirap ako at sasagot ng full force na kamalditahan, pero wala ako sa mood ngayon.

''Alam mo, Vince? Vince right? Hindi sa rude ako, pero, hindi talaga ako nagbibigay ng number kung kanikanino'' paliwanag ko sa kanya. Pero mukang etong si gago hindi ata nakakaintindi ng tagalog.

''Alam mo, wag ka ng magpakipot. Sa matanda nga pumapatol ka eh, para number lang ang dami mong sinasabi'' nakangiseng insulto nya saakin. Para akong binuhusan ng malamig ba tubig sa sinabi nya.

Matanda? Ako? Pumapatol sa matanda? Tangina, gusto na atang mamatay netong gago na 'to eh. Ininsulto na'ko, pati pa daddy longlegs ko.

Tinitigan ko ng masama si gago ''ano ulit yung sinabi mo?'' Tanong ko na may halong pagbabanta.

Ngumise sya sabay tawa ng malakas ''ang sabi ko, PUMAPATOL KA SA MATANDA'' and that's it, yun lang naman ang kaylangan mong gawin para pakuloin lahat ng dugo sa katawan ko, so, ginawa ko yung dapat kaninako pa ginawa. Sununtok ko sya sa philtrum nya at tinuhod ko ang crown jewels nya. Bumulagta sya sa lapag na hawak ang crotch area nya, habang kikisikise. Tatadyakan ko pa sana si gago sa tyan pero may humila sakin.

''Elaine! Tama na yan. Tara na dito'' hawak ako nung lalaki sa bewang, at pagtingin ko si Franco pala. Habang nilalayo nya ko sa mokong na walanghiya, nilapitan naman ni Migy si Vince at binitbit sa kuwelyo ng polo shirt nya. Teka, magkasama sila?

''Isa pang beses na lapitan mo yung bestfriend ko, ako na mismo ang gugulpe sa'yo'' banta ni Migy, hawak pa rin nya yung kuwelyo nung gago. Tumango lang ito at nung binitawan na ni Migy, nagtatakbo na sya papalayo sa amin.

Napansin kong hawak parin ako sa bewang ni Franco ''pwede mo na akong bitawan'' sabi ko sa kanya. Di nya rin siguro namalayan na hawak nya pa rin ako dahil mukang nagulat din sya.

''Sorry, okay ka na ba?'' Usisa ni Franco, tumango lang ako at nakita si Migy na papalapit na.

''Els, ano okay ka lang ba?'' Nagaalalang tanong ni Migy

''Oo naman. Di mo ba nakita kung sino samin yung mukang injured?'' Natatawang sagot ko kay Migy

''Els, hindi nakakatawa. Napaka basagulera mo'' nakakunot ang noo ni Migy habang pinagsasabihan nya ako. Samantalang nakatitig lang si Franco samin na para bang hindi sya dapat nandoon. Out of place si loko.

''Migy, ininsulto nya ko. Pati sya'' paliwanag ko kay Migy habang hawak yung sentido ko. Medyo nagulat si Migo, dahil nanlaki yung dati ay singkit nyang mga mata. Tumango ako sa kanya ''ahaa, nakakagulat hindi ba? Kaya deserve nya lahat ng ginawa ko sa kanya'' nakita ko na mukang hindi komportable sa sitwasyon si Franco kaya naman kinausap ko na sya ''ikaw naman, bakit kasama mo 'to?'' Tumingin sakin si Franco, kala nya ata hindi sya yung kinakausap ko.

''Ah wala, we just happen to enter the school premises at the same time, then.. then we saw you'' paliwanag ni Franco. Kakaiba to' dahil last thing I know, hindi naman sila in good terms. Tumingin na lang ako kay Franco at saka tumango.

''Thankyou''ang sabi ko kay Franco, pero mukang nabigla sya kaya nilinaw ko yung sinasabi ko ''sa pag awat'' mukang nagets nya na kasi tumango sya

''Tss. Alam mo ang mabuti pa pumunta na kayo parehas sa klase nyo, you have the same class right?'' Napatingin ako kay Migy

Tae late nako.

''Oo nga, tara na Franco'' hinila ko si Franco at saka tumakbo.


--

Late!! I know. Sorry, sana basahin nyo pa rin (*^-^*)

Love, Daddy Long LegsWhere stories live. Discover now