"WOW! Sabay pumasok ang love birds.. Kayo na siguro no?" Sigaw ng isang chismosang kamag-aral namin. Haha baka magalit na naman si master.

"Yieeeeeeeeeeeeeeh!" At panunukso ang nangibabaw sa klase.

"Walang kami, okay? Haha nakakatawa." inis nyang sambit sa lahat.

At may isang kaklase pa namin ang bigla nalang kumanta..

"Ba't di papatulan, ang pagsuyong nagkulang.."

At nagsitawanan ang lahat. Baliw pala ang klase na 'to.

"Ang panget ng boses mo! Ayan nagbabadya na ang kalangitan!" sigaw ng isa naming kamag-aral.


At muli silang nagtawanan.

Natigil ang pag-iingay nila nang dumating na rin ang guro namin.

************

At nagsimula na ang klase namin sa Science.

-----------------

Pagkatapos ng dalawang klase at ng 5 oras ay tumunog na ang bell. Recess na raw namin.

At biglang tinabihan nila Phony at Zaff si Ikumi ko. Sinimulan nila ulit ang magtanong dito.

**********

"Bebest, may sakit ka ba? Malapit na bang magunaw ang mundo?" Nahihibang na tanong ni Zaff kay master Ikumi sabay sapo sa noo ng kanyang kaibigan.

"Oo nga bebest! Totoo ba 'tong nakikita namin? kayong dalawa? MAGKASAMA?!" Aligagang tanong naman sa kanya ni Persephone.

"Pati ba namang kayong dalawa? Hahahaha. Wala akong sakit mga bebest. Mga baliw!" Natatawang sagot ni Ikumi sa dalawa.

"E kasi ang galing! Ibang klase! For the first time, magkasundo ang pusa at ang daga!" Amaze na wika ni Persephone.

"Sino ang daga bebest, aber?" Muli nyang tanong kay Phony.

"Edi ikaw bebest! Alangan namang si Phoenix e ang tangkad nya. Hahahahahaha. Tsaka okay lang yan, bagay naman ang daga kasi cute size naman yung height mo." Pabiro naman nyang tugon dito.

"Nagsalita ang feeling matangkad. Haha." Pang-aasar naman ni Ikumi rito.

"Mas matangkad ako sayo no bebest Ikumi!" Apila naman ni Persephone.

"Sus anong matangkad ang pinagsasabi mo ha Phony, e 1 inch lang naman ang lamang mo kay Ikumi. Pandak ka rin! Haha." Biglang sabat ni Zaff sa dalawa.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now