Hinahanap Ng Puso

2K 16 2
                                    

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)

Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)

Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)

Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

            Naghiwalay ang magkasintahang Kana at Aga dahil sa mga walang kwentang dahilan, insecurity at tsismis. Naunahan si Kana ng kanyang insecurity dahil sa hindi siya gaanong kagandahan at marampa siyang ibang kaklase na mas maganda sa kanya. Gwapo kasi si Aga kaya sa tingin niya dapat maganda ang kasintahan nito hindi tulad niya na panget. May mga tsismis din kasing kumakalat na  bukod sa kanya ay may iba pang karelasyon si Aga at pinaglalaruan lang siya nitong lalaki.

            Nagsisisi naman si Kana dahil ni minsan ay hindi siya nakinig sa mga paliwanag ni Aga at basta na lang naniwala sa mga kumakalat na tsismis kaya ang ending nilang dalawa ay pareho silang heart broken. Mahal pa rin ni Kana ang binata kaso lagi siyang natatalo ng kanyang pagiging insecure at hindi niya magawang ibaba ang pride niya para kausapin ito muli.

            Dahil sa kagustuhan na muling mabuo ang relasyon nilang dalawa ni Aga ay umisip siya ng paraan para muling magkaroon ng komunikasyon sa binata. Hindi naman pwedeng maging textmate sila dahil kabisado na siya ni Aga at alam niyang hindi nagre-reply si Aga sa mga taong naghahanap lamang ng mga text mate. Bale ang naisip niya ay SULAT, oldies pero alam niyang magiging effective ito.

            Araw-araw siyang naghuhulog ng sulat sa locker ni Aga at tinatago ang kanyang sarili sa isang codename na Ms. Heartless. Hindi siya nagbibigay ng anumang clue sa lalaki dahil computerized lahat ng pinapadala niyang sulat dito.

            Araw-araw niyang pinagmamasdan ang reaksyon ni Aga sa tuwing may makikitang sulat. Binabantayan niya ang magiging reaksyon nito habang binabasa yung kanyang sulat.

Nais kong malaman mong ikaw ang aking iniibig

Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib

Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip

At magkalapit agwat ng ating daigdig

            Maaga siya palaging pumapasok para wala masyadong makakita sa kanya sa tuwing maghuhulog siya ng letter sa locker ni Aga. Pero minsang maghuhulog siya ay nakakita siya ng note sa locker ni Aga.

“Ms. Heartless, I think I’m falling in love with you all over again...”

“A-alam na niya?” lumingon = lingon siya, tinitignan ang bawat paligid kung may tao ba, pero wala naman. Bigla niyang inihulog yung sulat bago siya umalis subalit bigla siyang may nakabunggo.

“P-pasensya na... hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko” sabi niya, hindi pa rin siya nag-aangat ng paningin.

“Okay lang” nagulat siya sa boses ng lalaki, dahil ito ang boses ng lalaking least expected niyang makita ng ganito kaaga sa school.

Niyakap siya nito ng biglaan at sinabing, “Magsimula muli tayo...”

“Huh? S-sino ka ba?” patay malisya niyang sagot

“Ako si AGA,,, ikaw si Ms. Heartless diba?”

“Oo...”

“At ikaw si Kana, ang babaeng kailanman hindi ko niloko... Iisa lang kayo diba?”

“Since nahuli mo na ako, makakapagsinungaling pa ba ako?”

“Sinasabi ko na nga ba eh... tama ang hinala ko, ikaw nga si Ms. Heartless. Mahal mo pa nga ako, katulad ng sabi ng puso ko...”

“P-pasensya na ha... nagtago pa ko sa isang identity pero nalaman mo rin kung sino ako... Mahal pa rin kita kaso natatakot ako kasi...”

“No, don’t say that... wala kang dapat ikatakot, just trust me”

“K-kasi... hindi ako nagtiwala sa’yo dati... S-sorry”

“Sorry, may kasalanan din naman ako eh. Hindi kasi kita nabigyan ng tamang pag-aalaga nun kaya mo siguro naramdaman yung insecurity na yon. Kasalanan ko kung bakit ka natatakot ngayon. Dapat sa simula palang ginawa ko nga panatag yung loob mo para hindi na tayo naghiwalay pa. Ano? Payag ka bang magsimula tayo ulit?”

“O-oo... Syempre naman...”

Nais kong malaman mong ikaw ang aking iniibig

Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib

Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip

At magkalapit agwat ng ating daigdig

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)

Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)

Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)

Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

After 7 years, humantong sa pagpapakasal ang realsyon ni Kana at ni Aga. Isang relasyon na full of happiness, trust, faith and hope.

Sana’y malaman mo na mawala man ako

Ay may pag-ibig na laging gumagabay sa’yo

Di ka pababayaan, laging aalagaan

Hanggang sa dulo ay tunay ang aking naramdaman...

_The End_

Tagalog One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon