"HOY, PETER!" Sigaw ni Nicole Mendez sa bestfriend nitong si Peter Kile Heinz. Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sila hanggang ngayon na Grade 10 na sila.
Nasa kwarto niya sila ngayon, gumagawa nang homework sa Physics. Bukas na kasi ito ipapasa kaya kailangan na itong sagutan.
Pero ang bakulaw niyang bestfriend, hindi ginagawa ang responsibilidad nito. Imbes na sumagot ay dota lang ang inaatupag ng damuho.
"Hoy! Kapag hindi ka sumagot, hindi kita pakokopyahin sa ibang subjects!" sigaw niya ulit.
"Bakit ba. Kaya mo naman 'yan sagutan, sisiw lang iyan sayo 'diba?" saad nito habang sa monitor parin nakatingin. Kampanteng-kampante pa ang mokong!
"Okay, sabi mo eh." Ipinagkibit balikat niya nalang para matapos na ang walang kwenta nilang usapan. Alam niya kasing hindi rin ito makikinig sa kanya kapag dota na ang kaharap. Ewan niya ba sa larong dota na iyan, andaming naaadik.
Wala nga siyang naiintindihan ni isa sa larong iyan eh. Kahit sa "First blood!" na sinasabi nito.
"Maglaro ka nalang kaya nang basketball. 'wag na iyang dota kasi nakakasira iyan ng mata dahil buong araw kang nakaharap sa radiation." payo niya. Totoo naman eh.
"Ayoko!" Walang puwang nitong sabi.
Nainis siya sa sagot nito kaya itinigil niya ang pagsasagot. Umupo si Nicole sa kanyang kama hanggang sa may isang idea ang pumasok sa isip niya. Isang maitim na idea.
Sa pagkakaalam niya, online game ang dota. And when we say online it means, it uses data connection and when we say data connection, it means it uses Wifi. Tiningnan niya ang bestfriend niyang tutok na tutok sa Monitor.
'Tingnan natin kung makakapaglaro kapa... Bwahaha!' Isip niya sabay ngisi. Isang uri ng ngisi nang isang taong may masamang binabalak.
"Dito ka lang ah? Kukuha lang ako ng snacks natin." paalam niya. Lumabas siya nang kwarto at dumeretso sa kusina. Naabutan niya ang mama niya na nagluluto nang pananghalian.
"Oh, anak. Nagugutom ka na ba?" Usisa nito.
"Hindi pa po 'ma. Itatanong ko lang po kung may gumagamit pa ba nang Wifi?" Tanong niya habang binubuksan ang refrigerator at kumuha nang dalawang Nova na tinago niya pa kahapon.
"Akala ko ba gumagamit ka nun? Hindi ko na iyon in-off kasi akala ko gumagamit kayo para sa homework ninyo ni Peter."
Sumilay ang matagumpay niyang ngiti sa labi. "Hindi na po ako gumagamit 'ma. Sige po, aakyat na po ako."
Patakbo siyang umakyat sa hagdan ngunit agad ring tumigil at tumakbo pabalik sa kusina nang may maalala.
"Mama, may juice pa ba?" Hinihingal niyang tanong.
"Nasa ref, anak." Anito habang abala parin sa pagluluto. Kumuha siya nang tray para paglagyan nang juice at para hindi siya mahirapan sa pagbitbit.
Hindi katulad kanina, ngayon ay dahan-dahan na siyang naglakad. Imbes na sa kwarto niya siya dumeretso ay sa kwarto ng magulang siya pumasok. Naroon kasi ang Wifi nila. Dahan-dahan niyang nilagay ang tray sa maliit na mesa at pinuntahan ang wifi.
"Ayan! Siguradong hindi kana makakapaglaro niyan." Para siyang baliw na tumatawa mag-isa matapos patayin ang connection. Madamot na kung madamot. Nagmamadaling kinuha niya ang tray at lumabas na sa kwarto.
Magkatabi lang ang kanyang kwarto at ng sa magulang niya, kaya mabilis lang siyang nakabalik sa sariling kwarto.
Itinago niya ang saya sa mukha at pinalitan nang bagot na bagot na ekspresyon para hindi mapansin ang ginawa niyang krimen. Kung krimen ngang matatawag ang pagpatay sa wifi.
KAMU SEDANG MEMBACA
BESTFRIEND KO, MAHAL KO (One Shot) -EDITED
Cerita PendekMagkaibigan sila pero hanggang doon lang iyon. Subalit, lahat naman tayo nagbabago. Ang ugali, lifestyle at higit sa lahat ang damdamin. Sa tinagal-tagal ng pagsasama nila, ngayon pa umusbong ang damdaming ni minsan ay hindi niya inaasahan. Totoo n...
