Curiosity (One Shot Story)

21 4 0
                                    

Curiosity

Characters:

Kevin

Rick

♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦

 

Kevin's POV

Isang mahabang linya ang tumambad sa akin sa kadalasan kong dinaraanan papauwi galing paaralan. Hindi ko lang alam, pero namalayan kong nakipila rin pala ako at nasa bandang gitna na ng pila. Dahil hindi ko naman alam kung para saan ang pilang iyon nagtanung-tanong ako sa aking harapa't likod tungkol dito, ang sabi nila rasyon daw iyon ng pagkain para sa mga mahihirap. Ah, okay, panahon nga pala ng pangangampanya para sa eleksyong magaganap tatlong buwan mula ngayon, mga pulitiko talaga.

Sa ilang minuto kong pagtambay sa halos hindi na gumagalaw na linya, umalingawngaw ang sigawan ng mga nasa harap, lahat tuloy kaming mga nasa likuran ay napahagilap kung saan ito nagmula. Naningkit ang mga mata ko, malabo kasi eh, pero hindi ko matiis na huwag kunin ang antiparang makapagbibigay ng 3D effect na nakatabi sa loob ng aking sakbit-sakbit na bag.

Nakita ko ang balak tumakbo bilang president na nakatayo sa isang isinet-up na stage noong isang linggo, naka jumper na itim ang matabang nangangalbong pulitiko. Natawa ako sa itsura n'ya, para kasing dambuhalang sanggol na kaluluwal pa lamang matapos ng taung-taong pamamalagi sa sinapupunan ng ina. Kinuha ko ang earphones ko mula sa bulsa ng aking pantalong pamasok at isinalpak sa aking mga tainga, masyadong marami na akong narinig na kasinungalingan sa araw na ito, ayaw ko nang madagdagan pa ng mga magsasalitang political party ngayon.

Nang matapos na nila ang kanilang mga talumpati't pagsasaad ng plataporma, tinanggal ko na ang mga earphones ko at biglang may humablot nito mula sa aking pagkakahawak, ngunit bago pa ito tuluyang makuha mula sa akin ay nasapak na ito ng mga tanod na nagbabantay sa linya at dinakip, belat nalang sa kan'ya. Kung manakaw man ang earphones ko na 'to, sa bargain ko lang nabili 'to, wala akong pake kung sabihin nilang baka delikado, dalawang taon ko nang ginagamit 'to at hindi naman ako nawalan ng pandinig.

"Ba't kaya nandito 'yan?" bulong ng isang babae.

"Oo nga, parang hindi talaga s'ya bagay para pumila dito, baka hindi n'ya alam kung nasaan s'ya at kung para saan 'yung pila na 'to." sagot ng kausap nito.

Nahalata ko na mula sa pagpila ko hanggang sa kasalukuyan ay nagbubulungan ang mga tao sa pila, ako kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ko maikakaila, artistahin ako. Walang hiya kong itinanong sa mga nagbubulungan kung ako ba ng pinag-uusapan nila?

"Excuse me, miss. Ako ba ang pinag-uusapan n'yo? Okay lang naman na pagbulung-bulungan n'yo ako, gusto ko rin namang malaman kung anong sinasabi n'yo tungkol sa akin." ani ko sa kanilang mga nagbubulung-bulungan.

Minata ako ng dalawa at umarteng naduduwal.

Nagtanong ako, "Ah, anong problema?"

"Sorry, sorry, napaka-feeling mo lang kasi." natatawang sagot ng isa sa kanila.

"Eh, kung hindi ako, sino naman ang pwedeng pag-usapang guwapo't artistahin sa pilang ito? Ako lang naman, 'di ba?" taas kilay kong itinanong, sila'y humalakhak lamang na parang nagbibiro ako.

"Oo, merong higit pa sa iyo, isang daang porsyentong sagad! Si Snowy!" itinuro ng babae ang isang lalaking hindi kalayuan mula sa kinatatayuan namin.

Lumingon bigla ang itinuturo ng babae pero hindi naman kami napansin.

"Kaya kong tapatan 'yan no! Bigyan n'yo lang ako ng gluta, iinumin ko na para mas epektib!" sabi ko ng mayroong tonong pagmamayabang.

CuriosityWhere stories live. Discover now