Chapter 20 - Ako Ang Salarin

Start from the beginning
                                    

“Grabe! Walang kasing hirap parin exam ng Abuyen na yan! Kala mo naman nireview natin! Eh halos ¼ nga lang ng pinag-aralan natin ang lumubas eh!” reklamo ni Orli.

“Teka lang, bakit ang tahimik mo ata Macario?” biglang tanong ni Tommy.

Napatingin lahat ng tropa kay Macario. Tumagal muna ng ilang segundo bago magising sa ulirat ang binata at nabigla sa mga matang nakatingin sa kanya. Nautal man siya sa unang beses niyang magsalita ay pinilit niya paring makipag-usap ng maayos.

“A-ako? Di ah! Ayos lang ako! Bakit, mukha ba akong may problema?” tanggi ni Macario.

Agad napalitan ng pagtataka ang mga mukha ng mga kaibigan niya.

“Bakkkkiiiit? Di ba?” pilosopong tanong ni Orli.

“A-ah? Orli, ano na naman ba iniisip mo? Diba sabi ko wala?!” tanggi pa ni Macario na halata na sa boses ang pagkakaila.

“Eh ba’t nga ang tahimik mo ngayon?” tanong ulit ni Tommy.

“WALA NGA DIBA? Basta hayaan niyo muna ako okay. Basta sinabi kong wala, wala akong problema. Baka masakit lang ulo ko dahil sa hirap ng exams. Sige, diyan na nga muna kayo, matutulog muna ako,” sabi ni Macario sabay ayos ng kanyang backpack at dumaretso ng bumaba papunta ng dorm buiding.

“Sa tingin ko, may problema nga yun,” sabi naman sa wakas ni Tommy nang tuluyang wala na si Macario.

“Talaga! Kailan ba nahirapan yun sa exam?” tanong naman ni Orli.

˜˜˜

Lumipas pa pinakahuling araw ng lunes para sa taong ito. Lubusan nang di makapaghintay ang lahat para sa pinakahuling araw ng klase sa Biyernes. Inaayos lang kasi sa araw na ito ang mga kailangang ayusin para sa kanilang mga grado at para malaman narin ang listahan ng bawat honors sa bawat grade levels.

Sa araw narin na ito ay napagod ang tropa dahil sa dati na nilang nakagawian; ang pagpunta sa ampunan. Katulad ng unang beses na pumunta sila Tommy, Orli at Pierre rito, labis rin itong ikinatuwa ni Armand. Ito rin kasi ang una niyang beses na pumunta sa lugar na ito dahil di naman siya sumasama sa mga kaibigan niya noong pumupunta sila rito. Isa pa niyan, labis niya ring ikinigulat na ampon pala si Macario at ang ampunan na pinupuntahan nila ang ampunan noon ng kaibigan. Ikinagulat niya rin ang balita na si Macario rin ang susunod na tagapagmana ng Don Diego’s Academy.

Dumaan pa ang araw ng Miyerkules at isa na namang kakaibang pangyayari ang kanilang napapansin. Napansin kasi nila simula pa nung Lunes hanggang sa araw na ito ay lagi nilang nakikitang tumitingin sa kanila mula sa isang gilid ang pinsan ni Tommy na si Maylin. Naiirita na nga dito si Tommy dahil hanggang ngayon ay di parin nawawala ang inis niya pero para sa tropa, di nila ito alintana. Lubos nilang naintindihan ang dalaga. Maaring sobrang lang nitong namimiss ang kanyang pinsan.

“Diba, sabi ko naman sa inyo, wag niyo siyang pansinin? Nagpapapansin lang naman yan eh!” sabi ni Tommy.

“Okay.” Sabay-sabay na sagot sa kanya ng mga kaibigan niya.

Alas kuwatro ng hapon, pabalik na sa Don Diego’s Academy ang tropa kasama si Raisa na tuwang-tuwa at manghang-mangha parin sa galing ni Armand kanina kumanta. Habang naglalakad sila, napagkuwentuhan nila ang plano ng kanilang mga pamilya para sa darating na bakasyon.

Ayon kay Orli, magbabakasyon na siya kasama ang pamilya. Mas masaya na daw yun kaysa naman daw magbakasyon ulit siya kasama ang pamilya ni Pierre lalo na pati ang kapatid na babae nito. Si Armand naman daw, magbabakasyon ulit sa Davao pero pupunta rin daw sila sa Cebu. Si Raisa naman, magkakaroon ng summer acting workshop sa Don Diego’s Academy, si Macario matutulog lang daw at kakain magdamag habang si Tommy ay mukhang ayaw pa magbakasyon.

TropaWhere stories live. Discover now