The Meaning of Crush

198 3 0
                                    

Prologue

Third Year. Third Year pa lang ako nung nakita ko siya sa lobby. I'm stunned at how he laughs. Hindi dahil sa gwapo siya o malakas ang appeal niya kung hindi sa tawa niyang nakakabighani.Tawa pa lang niya makalaglag panga na, baka kung ngumiti pa siya mawalan na ako nang malay.

Doon ko lang napagtantong nakahinto ako sa
paglalakad at muntangang nakatitig sa kanya. Ang daming estudyanteng nakatingin sa akin.

Nakakahiya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa floor namin bago pa niya makitang nakatitig ako sa kanya.

Nag-start na ang klase, pero lutang pa rin ako. I'm thinking of that guy again. Smile appeared my face. Mukha na siguro akong timang kakaisip sa taong hindi ko kilala. "Dheizel."

Tiningnan ko kung sino tumatawag sa maganda kong pangalan. Si Liana lang pala, my bestfriend. "Bakit?" Napadako ang tingin ko sa board. Baka mapansin ako ni Ms. Torres na hindi nakikinig, terror teacher pa naman. Baka maaga siyang maging matandang dalaga sa ginagawa niya. "Dheizel nakikinig ka ba?" Napahinto ako sa pag-iisip nang maramdaman kong nakatitig sa akin yung magandang bruha. "Ha?" nasambit ko na lang. "Hay, Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin, tumatawa kang mag-isa diyan. Gusto mo dalhin kita sa mental?"

Heto na siguro ang pinakamahabang sinabi niya sa akin. Note the sarcasm. Natawa na lang ako at sinabing 'wala'. Tiningnan niya akong mabuti at alam ko na kung ano ang ibig sabihin nun. Sabihin-mo-sa-akin-mamaya-look. I sigh. I can't hide anything to my bestfriend.

Natapos na ang English subject namin at nagpunta na kami ni Liana ng canteen. I told her everything that happened 3 hours ago. Nagsalita na naman siya habang kumakain ng burger. "Sow cwush mo sha?" Hindi ko maintindan ang sinasabi niya. Geez. "Lia, kadiri ka. Dugyot mo." Sabi ko na lang. "Che." Sarap talaga niyang asarin. "What I'm saying is crush mo siya?" She beamed at me at natigilan naman ako. Crush? Maybe. Naalala ko na naman yung tawa niyang masarap pakinggan. "I-I don't know. Siguro. Pero pangalan nga lang niya hindi ko na alam." Sabi ko sa kanya. Sa ilang buwan ko na dito sa campus ngayon ko lang nakita yung lalaking yon. Weird. "Hmmm"

Napatingin ako sa kanya. Masama na naman ang kutob ko. Kapag nag-iisip siya, puro kalokohan lang ang sina-suggest niya. Tatakbo na ba ako? Hindi pwede. Hindi ko kayang takasan ang babaeng ito. "Aahh Liana..?" She showed me her evil smile. Holy shit. "Tara hanapin natin si Crush mo!" God save me.
"Liana!" tawag ko sa kanya. Kanina pa kami lakad na lakad sa campus. Napapagod na ako at ang masakit pa, we ditched class. Patay kami nito. "Lia!"

Sa wakas tumingin na siya sa akin. Kanina pa siya dada ng dada tungkol sa ngayon lang daw ako na-attract sa lalaki, ni mga manliligaw ko hindi ko daw pinapansin. Jusmiyo. Kapag talaga nagsalita ang isang ito walang tigil. Nakalunok ata ng microphone or something. Hay nako. "Oh?" tugon niya nang hindi tumitingin sa akin.

Tanong siya ng tanong kung ano daw hitsura ng 'crush' ko blah blah blah. "Baka may makakita sa atin. Lagot na naman tayo kay kalbo." "Don't mind them Dhei."

Napabuntong hininga na lang ako. Kaya ang galing mag-aya ng babaeng ito mag-skip kasi nakakatakas kami. Pero pagnahuli na naman kami ni kalbo isusumbong na naman niya kami kay Daddy.Sino si kalbo? Si Principal, naiinis ako sa kanya, lagi na lang niya kaming sinusumbong ni Lia sa mga ginagawa namin, kalbo naman siya. Ano konek? Haha. Principal Kalbo ang tawag namin sa kanya kapag kaming dalawa lang. Halos wala na ata talagang siyang buhok. Kung meron man wala pa sa sampu. Ang mean ko.

My family owns the school and Liana's Dad is one of the Directors. Yes. We're rich. But I don't care. I don't care about those. I just want to live a simple teenager life. That's all. I'll just enjoy my life to fullest kasi YOLO nga 'di ba? You Only Live Once kaya susulitin ko na. "Lia, kanina pa tayo naglalakad.Pagod na ako at maglalabasan na ang mga sophomores at seniors." Recess na kasi nila. Kahit ayaw kong aminin, nahihiya rin ako paminsan-minsan. "Ugh. Fine. I'm thirsty na rin."

Naghanap kami ng mauupuan. Hindi ko na pinansin ang mga titig ng mga kapwa-estudyante at pagbulung-bulungan. Sino nga ba ang hindi magtataka? Dalawang juniors ang nakikisabay sa kanila. Though they didn't know na anak ako ng may-ari ng school. We keep it a secret. Pero wala din, kilala pa rin nila kaming dalawa ni Lia. Sikat talaga kami, magaganda pa. Hahaha. I'm so conceited. Mana talaga ako sa bestfriend ko. Nung nakahanap na kami, bumili na siya ng drinks. Libre niya daw.

Kanina pa ako nakatunganga dito pero wala pa rin siya. Sinulyapan ko na ang counter baka kung saan na naman yun pumunta pero hindi si Lia ang nakita ko. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki, chinito, nakatalikod malapit sa kinauupuan ko. "Shit."

The Meaning of CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon