Chasing Cold Girl 31

4.1K 77 0
                                    

"Breakfast in bed.." umupo naman ako ng pumasok si Joseph na may dala-dalang tray.

"Bat ang aga mong nagising?" tanong ko at umupo din siya kaharap ko, bale naka indian seat kaming dalawa.

"Gusto kong magluto para sa mahal ko.." napangiti naman ako.

"Talaga ikaw nagluto? Bakit hindi sunog?" natatawa kong sabi.

"Sugar naman eh, basta para sayo gagawin ko lahat para matutu ako, tsaka nagpaturo ako kay Nay Linda..." kinurot ko naman siya sa pisngi.

"Ang bola mo, kain na nga tayo!" sabi ko, actually kanina pa ako gising, naka toothbrush na ako bago pa siya makapasok.

"Ahm, sugar?" inangat ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Hhmm?" tugon ko dahil may laman pa ang bibig ko.

"Mahal mo ba ako?" umiling na lang ako sa klase ng tanong niya.

"Hindi sana, kaso sayo tumibok ang heart-heart ko eh," sabi ko at ngumiti siya ng pagkalawaklawak.

"I love you very much to the pluto and back, kahit na minsan or sabihin na nating palagi kang galit, hindi ako magsasawang suyuin ka, I will keep on chasing you wherever you go...." nanlambot naman ang expresiyon ko sa mukha.

"Thank you for loving me Joseph, and I love you too...." this time ako na ang unang humalik sa kanya na tinugon niya naman after a minute we both broke the kiss.

"Sugar, may ipakikilala ako sayo mamaya, sama ka ha, ka meeting ko lang sa company.."

"Sure! Bakit hindi," sabi ko at nagsimula na kaming kumain.

After an hour nasa kotse niya na kami at papunta na sa opisina. Naalala ko lang na maghahanap pala ako ng mare-rentahan.

"Ahm, Joseph?"

"Hhmm?"

"Pwede bang maghanap ako ng mare-rentahan, para sa akin.." diretsong sabi ko.

"No. Just live with me, it makes me more comfortable and ayaw kong matulog ka ng wala ako .." edi ako na maswerte sa kanya.

"Okey sabi mo eh! Nagbabakasakali lang naman ako.."

After a minute of driving nakarating na kami at habang papasok sa building may sumalubong samin na babae.

"Goodmorning ma'am,sir, ahm, ma'am flowers for you po..." nagtataka naman ako na tinignan siya, tinanggap ko na lang.

Pagtingin ko kay Joseph wagas kong makangiti, ahh okey alam ko na.

"Salamat.." nakangiting sabi ko sa kanya at inamoy ang pink na roses.

"Bakit?" nagsimula na kaming maglakad papuntang elevator.

"Salamat sa flowers.."

"Hindi ako ang nagbigay niyan." nagsalubong naman ang kilay ko sa pagtataka.

"Kidding, do you like it?" ngumiwi naman ako sa badoy niyang joke.

"Ha-ha nakakatawa.." pangiinis ko.

"Nga pala sino yong ipapakilala mo sakin?" nakita ko naman siyang natigilan.

"a-ah, b-basta." at ngumiti siya ng pilit kaya nagkibit balikat na lang ako.

"Talaga lang ha," puno ng pangungulit na sabi ko.

"Oo nga, kaibigan ko lang..." tumango na lang ako at una akong lumabas ng elevator. Pagpasok namin sa opisina dumiretso ako sa table ko at siya sa table niya.

Knock knock

"Come in," pumasok naman ang isang babae, siya yung bagong PA ni Joseph dahil kumalas na si Lucas dahil narin sa lovelife,tsaka magiging daddy na siya. Nalaman ko pa na mayaman pala si Lucas, nag trabaho lang siya as an PA para makapangalap siya ng balita tungkol kay Lyn, kasi PATAY NA PATAY siya kay Lynziel, biruin mo inabot ng tatlong taon bago sila magkabalikan, tsk tsk. Hindi naman ako tsismosa sadyang nalaman ko lang, oh diba!

"Sir, Mr and Mrs Canthou are waiting at the conference room.." na freeze naman ako sa kinauupuan ko at dahan dahan na tumingin kay Joseph na ngayon parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"You can leave now.." lumabas na ang PA niya at lumapit siya sakin.

"Sugar I can expl--"

"Joseph ano ba naman!! Ano na naman amg pinaggagagawa mo!" sigaw ko sa kanya at winaksi ang kamay niya, ewan ko na lang, narinig ko pa nga lang ang apelyidong yon parang sasabog ang kaluluwa ko.

"I know you want to meet your parents and I find them for yo--"

"For me? My god Joseph sinabi ko na sayo diba na KINAMUMUHIAN ko sila, I even said na HINDI KO NA SILA KAILANGAN! Mahirap bang intindihin yon!!" kinuha ko ang bag ko at mabilis na naglakad palabas, narinig ko pang tinatawag niya ako pero mabilis na sumakay ako ng elevator, gusto ko munang maka amoy ng sariwang hangin.

Nakarating ako sa ampunan after fifteen minutes and as usual sinalubong ako ng mga bata.

"Anak, hindi ko inaasahang makakarating ka.." sabi ni Sister.

"Oo sister kasi na miss ko lang tong mga batang to..." tukoy ko sa mga batang naglalaro sa play ground.

"Talaga? Parang nakikita kong may ibang nangyayari," ngumiti ako ng pilit at nagbuntong hininga at umupo kami sa isang bench ni sister.

"Sister? Kilala mo ba ang mga magulang ko?" ngumiri si sister ang kinuha ang isang kamay ko.

"Mabuti at natanong mo, Oo kilala ko sila, ang totoo isang taon ka palang ng binilin ka ng mama mo dito, ang natatandaan kong sinabi niya ay ' babalikan ka daw niya' dahil nag tatrabaho ang mama mo at walang maiwanan sayo.."

"Pero hindi siya bumalik....." puno ng sakit na sabi ko at unti-unti ng namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Tungkol naman sa ama mo, siya ay isang dayo, nagmula sa ibang bansa na america, lumipas ang ilang taon hindi ko na nakitang dumalaw ang mama mo dito, huli na siguro yong iniwan ka niya dito..." hindi ko na napigilan ang luha kong umagis sa pisngi ko.

"Sabi ko naman sa inyo sister hindi nila ako mahal, patapon lang ako sa kan--"

"Ssh, hindi totoo yan anak, siguro hindi mo naaalala na bumisita silang dalawa isang beses dito sa ampunan, gusto ka nilang isama kaso ikaw, nagtatagi sa likod ko at natatakot sa kanila, at kada hinahawakan ka nila agad na umiiyak ka.." pampagaan nag loob na sabi ni sister.

"Kong g-ganon bakit nong nagkaisip na ako hindi man lang nila ako binalikan?" umiiyak na tanong ko.

"Yan ang hindi ko alam anak,..." tumango tango na lang ako at niyakap si sister.

"Sobrang thank you s-sister, salamat sa lahat, okey na ako kahit wala na sila, inaway ko pa tuloy ang boyfriend ko." Boyfriend? Ano yong sinabi ko!

"Si Julian ba? Bakit naman?" humiwalay naman ako ng yakap at pinahid ang mga luha ko.

"Sabi niya sister, hinanap niya ang mga magulang ko and there nahanap niya at gusto niyang makilala ko pero sister, magmula ng nagkaisip ako inalis kona sila sa isip at puso ko, kinamumuhian ko sila..."

"Daisy iha, magulang mo sila at kahit na itanggi mo sila, kamuhian mo sila, magulang at magulang mo parin sila, walang magbabago.." ngumiti naman ako ng pilit kay sister.

"Salamat sa payo sister pero tingin ko hindi nayon magbabago, sige sister salamat sa pakikinig sakin, medyo gumaan ang loob ko.." sabi ko at tumayo na.

"Salamat at dumalaw ka, may ipapakilala pa naman sana ako sayo pero aalis kana naman.." nagsimula na kaming maglakad ni sister papuntang gate.

"Ganon po b--"

"OKEY KIDS ARE YOU ALL READY!!??"

"Opo!" natigilan naman ako ng marinig ko ang boses nayon.

"David Glees?"



Chasing Cold Girl √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon