Chasing ColdGirl 26

4.3K 65 5
                                    

"Mabuhay.Oo ang ulan!" sabi pa ni Joseph na nagpatigil sa ngiti ni Meenah.

"Umulan ba?" sabay tingin sa labas.

"Hindi, ano ka ba, apoy yan! Hindi ulan..." sinapak naman siya ni Meenah sa balikat.

"Bahala nga kayo dyan! Sige babye..." at kumaway pa siya palabas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Joseph habang ako nakatayo lang at tinitignan si Meenah, magkatabi lang kasi kami ni joseph.

"Uuwi na ako! Hinahanap na ako ng pinakamamahal kong fiance! Bye.." at may sasakyang huminto sa harap niya saka pinayungan siya ng bodyguard papunta sa kotse at sumakay na siya. Bigla namang nag beep ang phone ko kaya agad na tinignan ko.

Hi daisy, it's me Meenah, saMEENAH MEENAH EH EH! Joke okey by the way, enjoy your date! Alam kong naisip mong fiance ko si Joseph pa intense kasi akong magsalita, hindi ako straight to the point pero anyway, enjoy your life with my bestfriend and your soon to be boyfriend and husband! Lovelots! Bye

Yun ang laman ng message kaya napangiti naman ako sa kabaliwan niya! Kahit kunting panahong nakilala ko siya, parang feeling ko sobrang close na namin.

Binalik ko na ang phone sa porch ko at tumingin kay Joseph na ngayon nakatingin sakin kaya lihim na napasinghap ako.

"let's go? Magbihis na tayo.." tumango na lang ako at hinawakan niya ang likod ko at sabay kaming naglakad at dahil open yong likod ko dahil sa style ng damit ko ramdam ko ang init ng kamay niya.

Para namang may something sa katawan ko na nabuhay pero hindi ko na lang inisip at nang makapasok na kami, agad na hinubad ko ang heels ko saka kumuha ng damit, pagtalikod na talikod ko ang mala adonis na katawan ni Joseph ang nabungaran ko, kaya tinakpan ko ng dala kong damit ang mata ko.

"Joseph! My virgin eyes!" sigaw ko at nagpatawa sa kanya.

Dahan-dahan na tinanggal ko ang nakatakip sa mata ko at tinignan siya na hindi parin nakabihis hanggang ngayon.

Okey lang naman! Parang pwede na akong hindi kumain!

"eyes up here Sugar," napatingin naman ako sa kanya at wagas kong makangisi. Nangaasar ba siya!

"a-ah, m-mag-- tabi nga!" nakakainis na ang ngisi niya, nilampasan ko siya at agad na pumasok ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo wala ng tao kaya nagpasya akong bumaba na. Nakita ko naman siya na nakaupo sa sofa at busy sa cellphone niya.

"Hoy.." tawag ng atensyon ko sa kanya para naman siya nakakita ng multo ng makita ako at tinago ang phone niya.

"Y-yeah?" nagaalangang sabi niya, kaya pinanlisikan ko siya ng mata na parang nagdududa.

"May tinatago ka ba?" tanong ko at bigla naman siyang ngumiti.

"Meron eh!" agad namang naintirisado ako kaya umupo ako katabi niya.

"Ano?"

"Ang gwapo ko masyado," at nag pogi sign pa siya kaya inirapan ko siya.

"Gutom lang yan, tara kain na tayo.." at hinila ko na siya at nagpahila naman siya.

Joseph's POV

Saktong-sakto ang liit ng kamay niya sa kamay ko. It feels right.

May nakahanda na sa mesa pag dating namin, dahil sinabihan ko na si Eliza.

"Ang dami naman nito? May bisita ka?" tanong niya na nakaringin sa mga pagkain, at habang magkahawak parin ang kamay natin.

"Wala, tayo lang..." sabi ko at pinaghila ko siya ng upuan saka umupo ako sa kaharap na upuan.

Chasing Cold Girl √Where stories live. Discover now