Blond na buhok, asul na mga matang nagniningning, mahahabang pilik mata at ngiting nakaka-akit. Ganito inilarawan ni Alexis ang mukha ng babaeng nakita niya sa isla.
Mahanap kaya ni Alexis ang babae? Abangan!
"Finding My Girl"
-Nitsirhc24
No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the permission of the publisher.
-Nitsirhc24
Ang blond niyang buhok, asul na mga mata, mga ngiting kay sarap pagmasdan at ang titig niyang mapang-akit. Just wow!
Hindi ko makakalimutan ang babaeng bumihag sa puso ko. Tila totoo nga talaga ang love at first sight.
"oh ilang linggo mo nabang hinahanap yang babaeng yan? Hindi ka paba nagsasawa tol?" nagulat ako sa boses ni Mike. Nandito na pala tong loko nato.
Katrabaho ko si Mike. Kakakilala ko palang sa kanya pero para na kaming magkapatid. Bago palang siya sa opisina na pinagtatrabahuan ko. Naikwento ko sa kanya ang tungkol sa babaeng hinahanap ko kaya palagi niya akong tinutukso at pinagtatawanan pero ok lang. Tinamaan ako ng pana ni kupido kaya wala akong magagawa kundi hanapin ang babae kesa naman pumili ako ng babaeng d ko naman gusto. Unfair naman ata yun.
"Tumahimik ka nga jan. Mabuti pa ay tulungan mo nalang akong hanapin siya. Maging supportive ka naman pre" sabi ko sa kanya. "Naku Alexis! Pano kung may asawa na yon o di kaya may mga anak na?" Tanong pa nito. Napaka nega ng taong ito.
Pero naisip ko narin yun. Pero hindi ko malalaman kung di kp siya mahahanap kaya kinakailangan ko siyang mahanap. Isang buwan na akong naghahanap ngunit wala parin. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.
"Hindi ko malalaman kong hindi ko siya mahahanap." sabi ko habang nakatingin sa monitor ng computer na nasa harap ko. "mabuti pa ay sumabay ka sa amin mamaya. Kasama ko sina Austin mamaya. Gigimik kami." Papalayo na siya papunta sa pwesto niya.
Tsk. Gimik na naman. Eh halos lahat ata ng babaeng makikita ko don eh kamukha nung babaeng hinahanap ko. Lalo na kapag nalasing ako.
Ikukwento ko kung pano ko siya nakita. Ang babaeng bumihag sa puso ko.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Matagal na naming pinag planuhan na magbe-beach at sa wakas matutuloy narin. Kasama ko ang tropa ko. 5 kami. All boys lang. "O pre kumusta ang trabaho?" Tanong ni Luke sa akin habang nagmamaneho. Sa front seat kasi ako umupo. At yung 4 na kolokoy nasa likod. "ok naman pre. Sana mapromote na. Tagal ko ng gustong mapromote" seryoso kong sabi. Loyal na loyal ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko pero mukhang waley parin. "Pano ka mapopromote eh pa fb.x kalang sa opisina niyo" Sabi ni Joven sabay tawa. Tumawa naman silang lahat. Gago talaga tong isang to. "Hoy tigilan mo nga ako. Magbanat ka kasi ng buto para malaman mo ang sinasabi ko" gante ko sa kanya sabay tawa. Siya naman ang pinagtawanan namin.
Masaya kaming nagkukwentuhan hanggang narating na namin ang aming destinasyon.
Napaka ganda ng islang aming pinuntahan. May mga naglalakihang bato na mas lalong nagpaganda sa tanawin. Makakapagrelax ako dito. Maraming mga turista ang naroon din.