Chapter Eleven: Abducted

13 1 0
                                    


***

KELLER

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nakahiga ako at nakatali ang kamay sa likod. Bigla akong napaupo nang maalala ko yung nangyari. Shit. Ano na naman ba to?

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Isang lumang silid. Maalikabok ang paligid. Madilim na sa labas at tanging ilaw lang sa kisame ang nagsisilbing liwanag para makakita ako sa dilim.

"Ang dali naman nyang utuin, so anong gagawin natin sa kanya?"- napatingin ako sa may butas sa dingding nang marinig ko ang isang boses ng babae. Nasa kabilang kwarto silang dalawa. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakasuot sila ng maskara.

Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi nya. They used Reve to lure me out. I can't help but to feel frustrated. Why didn't I notice it earlier? Mali rin pala ang akala kong sina Blanche at Pana ang kumidnap sa kanya. Ang tanga ko.

Tumayo naman ang isa pang tao na may hawak na baril. Shit. They're armed.

"Isusunod natin sya pagkatapos nating makipag-deal sa kliyente natin mamaya"- sagot ng isang boses lalaki. Anong ibig sabihin nila sa deal?

"So anong plano?"- sagot naman ng babae habang nakadekwatrong nakaupo. Lumapit naman ang lalaki at umupo ulit sa isang monobloc chair.

"We're going to kill him after he handed the money to us"- sabi ng lalaki habang prenteng-prente na nakaupo.

Shit, they are going to kill someone. I need to stop them but what am I going to do?

"What about the drugs?"- tanong ulit ng babae. Shit, isa pala itong illegal drug dealing.

"Kukunin natin ulit. Huwag ka na ngang magtanong. Tingnan mo yung babae kung gising na sya. Aalis na tayo maya-maya"- utos sa kanya ng lalaki. Napansin kong parang iba ang accent ng mga taong to. Ang slang kasi ng pagsasalita nila ng tagalog.

Wala namang nagawa ang babae kaya sumunod na lang sya sa utos ng lalaki. Nagpanic naman ako ng marinig ko ang yabag nya papunta sa deriksyon ko.

Dali-dali akong humiga at nagkunwaring tulog. Maya-maya narinig ko na lumakad na papalayo ang babae.

"Tulog pa rin. Mukhang naparami ang nilagay kong pampatulog. By the way saang hotel ba natin imemeet yung kliyente?"- sabi nya. Ngayon ko lang napansin na dalawa lang sila. Sa pagkakaalala ko may isa pang taong nakaupo sa driver seat kanina.

"Tumahimik ka! Baka marinig ng babae!"- singhal sa kanya ng lalaki. Sa isang hotel pala magaganap ang transaksyon. Thanks for the info bitch!

Bumangon ako ulit at naghanap ng isang matalim na bagay para ipangputol sa lubid na nakatali sa mga kamay ko. Napadako ang tingin sa mga basag na bote sa may gilid ng mga kahon.

Maingat akong tumayo at naglakad papunta doon habang patingin-tingin sa kanila na ngayo'y natutulog. Kinuha ko ang isang basag na bote at sinubukang putulin ang lubid. Halos magkanda sugat-sugat ang kamay ko dahil sa basag na bote pero sa huli naputol ko naman ito.

Dali-dali akong dumungaw sa bintana at napagtanto kong nasa ikalawang palapag kami ng isang lumang bahay. Masyadong risky kung tatalon ako dahil maraming sira-sirang gamit sa baba.

Glimpse of YesterdayWhere stories live. Discover now