Chapter 6: Allen

8.3K 132 15
                                    

^_^ .....

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Allen's POV: ]

Sa wakas at naalala niya rin ako, hanggang ngayon maganda pa rin siya, sorry siya ng sorry saken pero anong magagawa ng sorry niya ehh nasaktan na ako! Alam kong bata palang kame nuon pero anong magagawa ko ehh gusto ko siya talaga ang magiging asawa ko pero ng malaman kong kasal na  siya tanging naisip ko lang ay ang kuwain siya, kaya eto siya ngayon nakaupo sa harapan ko umiiyak, gusto kong punasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata pero pinigilan ko kelangan ko munang mag pakasama... Sa totoo lang nahihirapan din ako dapat pala sinabi ko na sakanya yung nararamdaman ko ng bata pa kame pero sabi nga diba nasa huli ang pag sisisi... kaya heto ako ngayon nagsisisi sa ginawa ko.. Dapat hindi nalang ako umalis para hanggang ngayon dapat kasama ko siya. Masakit man isipin pero wala na akong magagawa pa, kung pwede lang ibalik ang mga nakaraan binalik ko na para dapat hanggang ngayon ako ang kasama niya, ang masakit pa ang asawa niya ay ang matalik kong kaibigan!!.. O diba ang saya!! Kaya simula sa araw nato aagawin ko si Nathalie kay Nathan. Ok lang sana saken kung sa iba napunta si Nathalie pero kay Nathan hindi, hindi ko matatanggap alam ko ang ugali ni Nathan... 

"Allen, please gusto ko ng umuwi." sabi ni Nathalie saken habang umiiyak paren

"Pasensya na Nathalie pero simula sa araw nato dito kana nakatira" alam kong nagulat siya dahil lumaki ang kanyang mata..

"A-anong sinabi mo?!" 

"Gusto mo pa bang ulitin ko? Ang sabi ko simula sa araw nato dito kana nakatira"

hindi na nakapag salita si Nathalie inaantay ko siyang magsalita pero maski isa wala, tinitigan ko ng mabuti si Nathalie at nakita ko na malalim ang iniisip, aalis na sana ako ng magsalita siya

"Allen" lumingon ako sa kanya at nakita kong tumayo siya... tumingin siya saken at ngumiti.. nag tataka ako kung bakit ganon ang expression niya. Akala ko magagalit siya pero hindi, lumapit siya saken at niyakap ako ng mahigpit, napayakap nalang rin ako namiss ko ang kanyang yakap..

"Allen salamat" takang tumingin ako sa kanya..

"Salamat para saan? Hindi kaba nagagalit dahil ilalayo kita kay Nathan?"

"Hindi ako nagagalit sa totoo lang natutuwa ako dahil simula sa araw nato ilalayo mo nako, hindi ko na siya makikita at hindi ko narin mararanasan ang masaktan" ngumiti lang siya saken.

sa mga sinabi ni Nathalie hindi ko pa masyadong maintindihan.. Bakit nagpasalamat pa siya saken imbis na magalit? 

"Bakit ka natutuwa?"

"Alam mo Allen gustong gusto ko ng lumaya kay Nathan, suko na ko sa kanya hindi ko na kayang makita siya ng may kasamang ibang babae o nakikipag landian masakit saken."

"Ganyan ba ang laging ginagawa ni Nathan sayo? Mag sabi ka ng totoo Nathalie kilala kita"

nakita kong bumuntong hininga muna si Nathalie bago tuluyang mag salita.

"Oo, kaya nga gusto ko ng lumaya, gusto kong maranasan kung paano maging masaya, kahit wala siya"

 

"Makakaya mo Nathalie, ako ang bahala sayo iaalis kita sa malungkot mong buhay..."

"Salamat Allen, tinutulungan mo paren ako kahit na sinira ko ang pangako ko sayo"

"Nathalie lahat gagawin ko para lang maging masaya ka"...........

"Pangako Nathalie hinding hindi na kita hahayaang masaktan pa ng kahit sino man.. Iaalis kita sa napaka lungkot mong buhay ako ang bahala sayo para lang maging masaya kahit wala siya, Mahal kita Nathalie mahal na mahal"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

^_^ hope you like it!...

Have a Blessed Sunday Everyone =D

A Wife's One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon