CHAPTER 8

2M 34.9K 6.5K
                                    

CHAPTER 8

NAGHIKAB SI Tess habang nagba-vacuum sa second floor ng mansiyon. Pagkatapos nito ay maglilinis pa siya sa hardin. Magkahalong pagod at antok ang nararamdaman niya.

Madaling araw na silang umuwi ni Hunt kagabi at ilang oras lang ang tulog niya kasi hindi naman siya pinatulog ni Hunt ng nasa hotel sila.

Hunt was insatiable last night. He took her in every position she knew. At hindi niya maikakailang nag-enjoy siya sa bawat posisyong inaangkin siya nito.

Humugot siya ng malalim na hininga saka tinampal-tampal ang sariling pisngi ng mag-init ang mukha niya dahil naalala niya ang kapusukan nila ng binata, ang paulit-ulit nitong pag-angkin sa kaniya.

"Oras ng trabaho, Tess," paalala niya sa sariling saka pinagpatuloy ang pagba-vacuum. "Focus. Hindi na kung ano-anong pumapasok sa isip mo."

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya napakalma ang nag-iinit niyang pisngi at mabilis na pagtibok ng puso niya.

That was it.

Calm down, self. Calm down, heart--

A strong set of arms circled her waist, embracing her from behind. Then, a sexy voice whispered over her ear. "Good morning."

Natigilan siya ng marinig ang baritonong boses ni Hunt na bumulong sa tainga niya. Kaagad siyang humarap sa binata at napatitig sa mukha nitong maaliwalas ang bukas. Halatang maganda ang gising nito.

"Sabi ko good morning," anito habang nakayakap pa rin ang braso sa beywang niya. "Hindi mo ba ako babatiin pabalik?"

Napakurap-kurap siya. "Ha?"

Gumuhit ang makalaglag panty nitong ngiti. "Sabihin mong 'magandang umaga, Hunter' then give me a good morning kiss."

Nang hindi niya sinunod ang gusto nito, nahigit niya ang hininga ng bigla nalang siya nitong hinila papasok sa isa sa mga kuwarto sa second floor na walang umuukupa saka isinandal siya sa likod ng pinto niyon pagkatapos nitong i-lock 'yon.

Ang mga katawan nila ay ilang dangkal lang ang layo. Iba ang epekto no'n sa kaniya.

And she knew it was affecting him, too. She saw desire in his eyes.

"S-Señorito..." Binasa niya ang nanunuyong mga labi. "B-baka may makakita satin--"

"So?"

Akmang hahakbang siya pakaliwa para makaalis sa harapan nito ng mabilis nitong ihinarang ang braso sa pamamagitan ng pagdiin ng kamao nito sa kinasasandalan niyang pinto.

"Saan ka pupunta?" May nababasa siyang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatitig sa mga labi niyang nakaawang. "I want my good morning kiss now, Tessa."

Napalunok siya at wala sa sariling kinagat ang pang-ibabang labi niya. "M-magta-trabaho pa ako señorito--"

"Ako ang señorito sa bahay na 'to." Idiniin nito ang kanang kamao sa kinasasandalan niya dahilan para makulong siya sa mga bisig nito. "Ibig sabihin ang sasabihin ko ang siyang masusunod." Mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya dahilan para bahagyang maglapat ang mga labi nila. "At kapag sinabi kong huwag kang magtrabaho, hindi ka magta-trabaho."

"A-ano ba ang pinagsasabi mo?" Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng pintig ng puso niya. "K-katulong ako rito sa mansiyon mo," paalala niya sa binata. "Normal lang na magtrabaho ako."

Tumiim ang titig nito sa kaniya. "At kapag sinabi kong halikan mo ako, halikan mo ako."

Umawang ang labi niya. "Pero nasa mansiyon tayo at itsi-tsismis tayo ng mga katulong." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ayokong madamay ka--"

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon