XIX: Just A Poor Demon's Dream

484 21 4
                                    

Rohan's POV

"Kuya?" tawag ako ng tawag kay kuya. Ang dilim. Wala akong makita.

Nagulat nalang ako nung may nakita akong parang star sa malayo. Parang palapit ng palapit. Unti-unti kong nakikita. Isang eroplanong pabagsak papunta sa direksyon ko.

Pumikit ako, tapos may narinig akong pagsabog. Pagtingin ko, nasa gilid ko lang yung eroplanong nag-crash. Nilapitan ko iyon kahit may mga apoy at parte nito na nahuhulog. Lasog nadin ang katawan ng eroplano. Ang nakapagtataka, bakit wala akong makitang bangkay ng mga pasahero?

Pumasok ako sa loob, at may nakita akong katawan ng isang babae at dalawang batang lalaki sa upuan sa sulok. Nilapitan ko sila, at unti-unting tumulo ang luha ko.

"Ma? Kuya?" sabi ko habang umiiyak. Pinipilit kong ihakbang ang paa ko palapit sa kanila, pero parang naninigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi nagtagal ay nakita ko si kuya (batang version) na papalapit sa amin ni mama. May mga dugo pa sa noo nya, at hindi narin sya diretso makatayo. Si mama kasi ang katabi ko sa eroplano, at si kuya nasa katapat ko. Tumayo sya at tinignan kung may pulso pa si mama, tapos niyakap nya si mama habang umiiyak.

"Kuya.." mahina kong sabi habang pinapanood ang ginagawa nya.

Tinanggal nya yung seatbelt ko at kinarga ako(batang version), kahit na parang may pilay sya sa paa. Naglakad lang sya, tapos tumagos sya sakin. Lumingon ako para makita sya. Hindi ako gumagalaw sa likod nya. Maya-maya, may liwanag akong nakita. Nakakasilaw.

"Hoy Rohan, umayos ka ah!" narinig kong boses ni Zaira.

Napadilat ako ng kaunti, pero pumikit din ako kaagad. Naramdaman ko na tinanggal nya yung jacket ko, kaya hinayaan ko lang. Bigla akong nilamig nung tinanggal nya yun. Maya-maya pa'y pati yung T-shirt ko sinusunod nya na.

"What are you doing?" sabi ko nang di dumidilat.

"Taking care of you." sabi nya.

"Since when did taking my shirt off been a part of taking care of me?" sabi ko. Bakit parang hinihingal ako?

"Umayos ka nalang. You'll get better in no time." sabi nya.

"Whatever you say." sabi ko lang, tapos umupo ng kaunti para matanggal nya yung t-shirt ko.

"Anong ginawa mo at nagkasakit ka?" sabi nya.

Dumilat nako, pero isang mata lang. Nasisilaw pako eh, tapos sabi ko "Nagpractice kami ng mga kaibigan ko. Nagkakasinat ako pag napapagod kaya iyan."

"Nag-adik ka ba?!" sabi nya.

"Ha? Mukha ba akong nagdadrugs??" sabi ko naman tapos umupo ng maayos. Sh't ang sakit ng ulo ko >_<

"Namumula kasi mata mo." sabi nya lang tapos nagpunta sa kusina.

"Namumula lang mata, nagdrugs na kagad." bulong ko.

"Gusto mo ng noodles?" sabi nya mula sa kusina.

"Ayoko." sagot ko naman, tapos binuksan yung tv.

Channel 11? KChannel? Sino namang manonood ne-- Zaira. Kpop addict to?

Ililipat kona sana yung channel nung biglang lumabas yung balita tungkol sa EXO. Nung nasabi nung babae yung EXO, biglang nasa tabi ko na si Zaira.

"Ano daw sabi?!" sabi ni Zaira habang tutok na tutok sa TV screen.

"Ewan." sabi ko tapos nilipat yung channel sa sports.

"Rohan balik mo dun!!" sabi nya habang nakagrip sa braso ko.

Be Who's Nanny?!Where stories live. Discover now