[8] That Awkward Moment..

Magsimula sa umpisa
                                    

“Dreau,” I heard Ms. Marisse say as Andreau got out of Tristan’s room. “Ihatid mo naman si Zade o. It’s kinda la—“

“Akala ko ba si Kuya Mike maghahatid?”


“Ay wag na po!” umepal na ako, baka kung saan pa mapunta ‘to. “Kaya ko na pong umuwi mag-isa.”

“Ay hindi pwede, Zade. Responsibility na rin kita ngayon kaya you need to go home safely. I called my driver already and he’s waiting outside,” pagpipilit ni Ms. Marisse. Si Andreau naman ang kinulit niya. “Sige na, Dreau. Kahit hanggang lobby lang! Hindi ka naman aalis ng elevator eh!”

Geez, ayaw talaga niya akong makasama ha. Kitang-kita sa mukha niya na inis siya sa’kin. Hindi ba niya narinig yung usapan namin ng tita niya kanina? Nakakaloka naman ‘tong lalaking ‘to!

“Baka naman po out of the wa—“

“Fine, ihahatid ko siya sa lobby,” he curtly said, halatang napilitan. Ang sama naman nito.. nakakasakit na siya ha!

Tuwang-tuwa si Ms. Marisse sa pagsang-ayon ni Andreau. “Yey! Di naman out of the way. Taga-19th floor lang naman ‘tong si Andreau, kebs na niya yan!”

SAY WHAT!? DITO RIN SIYA NAKATIRA!?!?!

Surprises, my heart. Aatakihin ata ako sa puso nito.

**

I could say na magaling akong maghandle ng awkward situations. Usually I know the right things to say para mawala kahit paano ang awkwardness sa atmosphere. Minsan nagbibigay ako ng trivias, quotes, pero ang default na sinasabi ko ay weird words. Di ba, nadidivert ang awkwardness into something na pwedeng mapag-usapan? At least effective!

Pero.. sa awkward moment na 'to, wala akong masabing trivia or word. Bibingo na ata ako kay Andreau. Feeling ko sisigawan niya ako kapag nagsalita ako. Medyo traumatic kaya yung pagmumura niya two weeks ago!

Walang tao sa hallway. Great, mas naging awkward. Kung titingnan parang hindi kami galing sa iisang unit; mukha lang kaming nagkasabay sa paglalakad. He was completely silent, face impassive and hands tucked in his jacket's pockets. Ano kayang iniisip nito? Sana hindi murder plot against me! Matagal-tagal na awkwardness 'to, mga 46 floors. Ayokong mapanis ang laway ko.

Damn, Andreau. Just.. say something.

As if he read my mind, Andreau glanced at me and mumbled something. "What?" tanong ko. Wala akong naintindihan!

He shook his head. "Wala lang. Ang tahimik eh."

Ugh. Hindi ata siya magaling sa small talk.

Saktong kakabukas lang ng elevator nang dumating kami. Badtrip, walang laman. In fairness, gentleman ata siya ngayon at pinauna pa akong pumasok. Please sana may sumakay na iba. Please sana may sumakay. Plea--

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon