[8] That Awkward Moment..

Start from the beginning
                                    

“Ano p—“

“Siya yung nag-asikaso nung sa San Ignacio,” Andreau interjected without looking back at us. “Sa lola niya galing yung tinapa last week.”

What’s with him? Is he mad at me for being here? Malay ko bang tita niya si Ms. Marisse! Okay that’s it, quota na siya sa’kin! Isa pang pagtataray niya.. lagot na siya!

Ms. Marisse’s eyes widened with excitement. “Talaga? Oh my god ang sarap nung tinapa! Pakisabi sa lola mo and the whole community thank you ha! That was Andreau’s first directing award so sobrang happy ako for him!” Obvious sa kanya na sobrang proud siya kay Andreau. Wait.. hindi niya alam yung ginawa ko kay Andreau? Dapat ba akong matuwa o kabahan dun?

Triple shit talaga

Andreau completely ignored me afterwards, busy sila ni Tristan sa paglalaro ng Candy Crush sa iPad nito (Hah, alam ko na iPad ni Andreau yun. Siya lang naman ang may Captain America na iPad case dito sa Earth. Okay, exagge). Wala na akong pake, mas masaya naman kakuwentuhan si Ms. Marisse kesa problemahin siya! We talked about the tutoring schedule, mga gusto at ayaw ni Tristan.. the likes. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko habang nag-uusap kaming dalawa. Spending more time with Tristan means spending more time with Andreau

Teka.. paano ba ako nap—

Triple shit. Now I know why.

You’ll find a way. Magkikita naman kayo siguro somewhere.

 

Ate Anya set us up.

***

Ngayon alam ko na kung bakit host si Marisse Valerio. She’s so damn talkative.

Hindi ako naiinis or what. In fact, tuwang-tuwa ako sa mga kwento niya sa’kin. Ininterview niya ako about sa San Ignacio after naming mag-usap about kay Tristan. Sobrang nagandahan siya sa docu ni Andreau at dahil dun nacurious siya. Ang nakakagulat pa, halos bukambibig ni Andreau ang lugar namin for days at pinipilit pa siyang i-feature ito sa Wanderlust.

Ugh, ba’t ba ang bait mo, Cortez? Hello, nagtatampo pa dapat ako sa’yo ngayon! Isumbong ko kaya siya sa tita niya? What a juvenile move, Pascual. Mawalan ka pa ng trabaho eh!

Nagkwento rin siya about sa favorite travel destinations niya, and even showed me pictures! Call me crazy pero feeling ko close na kami kaagad ni Ms. Marisse. Ang dali lang niya kasing pakisamahan, at walang halong arte sa katawan niya. Attentive rin siya sa mga kinukwento ko. At least siya, matatandaan ang pangalan ko. Di tulad ng iba dyan…

Kaso natigil ang kwentuhan namin nang lumapit sa’min si Andreau, bitbit si Tristan na tulog na. Dun lang naming narealize na 10:30 PM na. “Take him to his room na lang, Dreau,” utos sa kanya ni Ms. Marisse habang tinatawagan sa phone niya. “Hello Kuya Mike? Nandyan po ba kayo sa may lobby? May ipapahatid po sana ako sa inyo if it’s okay lang… Ah okay. Sige thank you!”

Sinukbit ko na ang bag ko at nagready sa pag-uwi. Hah, hindi na ako kabado kay Andreau! As if lagi kaming magkikita! I heard may bago siyang teleserye kaya goodbye and good riddance sa’yo, Big Boss!

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now