Chapter 7

22 1 0
                                    

Pagkaalis nina Ares at Ezeck sa table namin ay agad din akong inusisa nina Nadine kung paano ko nakilala si Ares. Inamin ko sa kanila na nakilala ko si Ares sa bar last friday pero hanggang doon lang ang sinabi ko sa kanila. Hindi ko pwedeng sabihin na may nangyari sa amin.

"Biruin mo nga naman. Alam mo bang sikat na sikat 'yung Ares na 'yun dito sa school?" excited na sinabi sa amin ni Bea.

"Ah, talaga? Kaya pala lagi kong napapansing nakatingin ang mga tao sa kanya. Bakit siya naging kilala?" tanong ko.

"Galing siya sa mga angkan ng mga Bustamante, ang isa sa pinakakilala at pinakamayamang pamilya dito sa Palawan. Idagdag mo pa ang pagiging magagandang lahi nila. Yun ang naging dahilan kung bakit naging habulin sila ng mga babae." paliwanag naman nito. Tumango tango naman ang mga kaibigan ko. Daig pa namin dito ang naglelecture ah. Ares-logy na ba ito? Lol.

"Kilalang kilala mo naman yata 'yung Ares na yun, Gabbe?" tanong ni Kath habang sumusubo ng pagkain niya.

"Ah... Naging kaklase ko siya dati. P-pati hindi naman mahirap makakuha ng impormasyon tungkol dun dahil tulad ng sinabi ko kanina, kilalang kilala sila."

"Naku! For sure naging crush mo rin siya Gabbe noh? Ako kasi ultimate crush ko kaya yan! Pati tignan niyo naman, gwapo, mabait, mayaman, gentleman. At higit sa lahat... YUMMY!" dagdag ni Bea.

"*cough*cough"

"Karah, dahan dahan sa pag-inom." sabi ni Nadine habang hinihimas 'yung likod ko. Kainis naman kasi. Nung sinabi kasi ni Bea yung word na 'yummy' biglang lumabas yung image ni Ares sa utak ko na nakahubad! Ugh!

Nang matapos ang lunch break namin ay isa isa na rin kaming pumunta sa aming mga klase. Mabilis lang ako nakarating sa klase ko dahil malapit lang naman ito sa cafeteria kung saan kami kumain kanina.

'Uy. Diba siya 'yung tinulungan ni Ares kanina sa canteen?'

'Oo nga noh? Kaklase pala natin siya?'

'Oo girl. Hindi niyo ba alam?'

'Maganda naman e. Kaso mukhang hindi namna siya 'yung tipo na magugustuhan ni Ares. Baka sadyang matulungin lang 'yun.'

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko habang papunta ako sa room. Ano bang problema nila? Tinulungan lang naman ako ni Ares. Bakit big deal na agad 'yun sa kanila? Naupo lang ako agad sa room pagkarating ko. hindi rin naman nagtagal ay dumating din agad yung prof ko.

Matapos ng klase ko ay inayos ko agad ang mga gamit ko. Wala na kasi akong klase ngayon araw. Samantalang sina Nadine at yung iba ay mamaya pa ang tapos. Marahil ay sa coffee shop muna ako sa labas tatambay.

Nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko paglabas ko sa room. Pero dahil hindi ako likas na tsismosa at gusto ko na talagang pumunta sa coffe shop ay nilagpasan ko sila. Pero hindi pa ako nakakalayo ay agad kong naramdaman ang isang kamay sa braso ko.

"Karah, wait."

Lumingon ako sa humigit sa akin upang makita ko lang muli ang mukha ni Ares. Anong ginagawa nito dito? Luminga linga ako sa paligid at nakita ko na namang nagbubulungan at nakatulala ang ibang estudyante sa amin.

"Saan ka pupunta? I mean, may klase ka pa ba?" Napalingon muli ako sa kanya.

"P-pupunta akong coffee shop sa may tapat."

"So, that means wala ka ng klase, diba?"

"Oo. Teka, ano nga pala ginagawa mo dito?" Nasa Architecture Building kasi kami ngayon. Imposible naman na may klase sya dito.

"Hinahanap ka." naramdaman ko namang namula ako dahil sa sinambit niya. Naku! Dapat hindi ako magkaganito. Walang ibigsabihin yun, Karah!

"Tara na." sabay hila sa akin.

"T-teka. Saan tayo pupunta?" ito na naman kami. Lagi na lang nakahila itong lalaking ito. Ako naman, sama ng sama.

"Di ba pupunta ka ng coffee shop? Sasamahan kita."

"Hindi na. Okay lang. K-kaya ko naman pumunta dun mag-isa e." sagot ko habang naglalakad kami sa hallway. Tumigil siya at hinarap muli ako.

"Hindi ko naman tinatanong kung nagpapasama ka ba e. Sinasabi ko sa'yo na sasama ako at wala kang choice." Sabi niya tsaka ngumisi. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami sa campus.

Nang makarating naman kami sa shop ay umorder siya ng kanya. Nang sinabi ko  na hindi ako oorder, ay inorder pa rin niya ako. Ang kulit lang talaga ng lalaking ito!

"Mahilig ka sa coffee?" tanong niya.

"Hindi. Actually, ngayon na lang ako iinom ulit nito." sabay inom ng inorder niya sa akin na kape.

"Why? Bawal sa'yo? Mabilis ka siguro nyerbyusin." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Matagal din kaming natahimik. Pero napansin kong panay ang tingin niya sa akin. Kaya naman ng hindi na ako nakatiis ay tinanong ko na siya.

"Ares, may problema ba? I mean, may gusto ka bang sabihin? Medyo nakakabother kasi yung patingin tingin ka tapos tahimik lang ako nagbabasa ng libro dito." paliwanag ko. Natahimik siyang muli at ininom 'yung kape niya.

"Akala ko, hindi mo mapapansin. Mukha kasing wala sa personality mo ang pagiging observant." Kumunot ang noo ko. So, matutuwa ba ako or maiinis? Matutuwa kasi yung hindi pagiging mapansin sa ibang bagay ay nangangahulugan din ng hindi mo gustong makialam; Or maiinis dahil hindi ako observant? Inalis ko na lamang ang usaping iyon sa utak ko. Hindi ko dapat isipin yun. Ang babaw lang.

"So, may gusto kang itanong?" tumango siya sa akin. "Ano?"

"Kaibigan mo pala si Gabbe?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na si Gabbe ang itatanong niya sa akin. Bakit naman Karah? Masama bang itanong si Gabbe? Syempre, Hindi!

"Oo. Bakit? Kilala mo ba si Gabbe?" muli siyang uminom ng kape niya. Akala ko ay sasagutin na niya ang tanong ko pero hindi. Luminga-linga pa siya sa labas. 

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa ko kesa magtanong pa. Baka akalain naman ng lalaking ito e tsismosa ako.

"Oo, kilala ko siya." sagot niya sa akin.

Naalala ko naman ang sinabi ni Gabbe kanina.

"Ah, oo. Naalala ko nga pala. Sabi ni Gabbe kanina ay naging magkaklase kayo dati." Tumingin siya ng diresto sa mga mata ko.

"Sinabi niya yun? Na naging kaklase niya ako?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Bakit? Hindi ba dahil dun kaya magkakilala kayo?" Ngumiti siya sa akin.

"Kung sinabi niyang magkaklase kami, edi magkaklase kami."

Natahimik kami pagkatapos nun. Wala naman siyang tinanong sa akin, wala rin naman akong itatanong. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang phone niya. Hudyat na may tumatawag sa kanya.

"Saglit lang." sabi niya at lumabas. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa nung libro. Sa masyadong paglilibang ko ay ni hindi ko na rin namalayan ang oras. At dun ko napansing lagpas isang oras na simula ng lumabas si Ares at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik.

Muli akong naghintay ng kalahating oras. Ang ininom niyang kape ay nasa table pa rin namin pero walang 'Ares' ang muling bumalik.

His Worst NightmareWhere stories live. Discover now