Chapter 1

135 2 0
                                    

Maaga pa lang ay nakahanda ng pumasok si Karah sa Hemera University kung saan siya nag-aaral. Kasisimula pa lang kasi ng first semester.Mula sa angkan ng mga magagaling na arkitekto at pintor, si Karah ay isang third year student sa kursong Architecture.

"Karah!" sigaw ng mga kaibigan niya sa kanya ng makita siya ng mga ito. Agad naman niya itong nginitian.

"Ang tagal mo naman, Karah. Kanina pa kami dito eh." reklamo ni Quinn, isa sa kaibigan niya.

"Sorry guys. Maaga na nga akong gumayak kaso natraffic pa din ako eh." sagot naman ng dalaga sa kanyang mga kaibigan.

"Whatever. Mabagal ka lang talaga kumilos. Kasi naman, bawas bawasan mo yang pagiging mahinhin mo." saad naman ng kaibigan niyang si Nadine.

"Next time." matipid niyang sagot. Sanay na sya sa mga kaibigan niya. Since kindergarten pa lang ata ay kilala na niya sina Quinn at Nadine. Samantalang highschool friends niya sina Bea, Kath at Gabbe - tatlo pa niyang mga kaibigan.

Nagsimula na silang maglakad patungo sa gym kung saan meron gaganapin na program upang i-welcome lahat ng freshmen. Ngunit kahit para sa first year students ito, kasama pa rin ang ibang year dahil nagsisilbi rin itong program na hudyat na simula na nga talaga ang semester.

Habang naglalakad sila ay kapansin pansin pa rin ang pagtitig sa kanila ng ibang estudyante. Hindi na ilang ang magkakaibigan dahil sanay na sila. Tunay naman kasi silang may ipagmamalaki. Lahat sila'y magaganda. Lahat sila'y galing sa mayayamang pamilya. Yun nga lang magkakaiba sila ng ugali.

Nangungunang maglakad si Nadine Martina Ocampo o mas kilala bilang Nadine. Matapang at suplada ang dating nito kaya naman marami ang takot dito. Maraming lalaki ang takot sa kanya. Iba kasi ang turing niya sa lalaki eh.  Kung mataray sya sa babaeng ayaw niya, MAS mataray siya sa lalaki kahit wala pa itong ginagawa. She doesn't like boys. Pero kahit ganoon ay marami pa rin ang nanliligaw sa kanya. May naging boyfriend ito pero hindi din nagtagal.

Sa kaliwa ni Nadine ay si Quinn Dominique Bautista. Total opposite siya ni Nadine. Hindi dahil mahilig siya sa lalaki pero dahil ang tipo nya ay ang friendly type. Lagi siyang nakangiti. Approachable sa lahat. Mapili sa lalaki pero infairness, nagtatagal naman ang lahat.

Sa kanan naman ni Nadine ay si Gabrielle Anne Torres - if you want a morena beauty. Pilipinang pilipna ang looks pero modern ang pag-iisip pagdating sa relationships. Ang playgirl ng barkada.

Sumusunod dito sina Bettina "Bea" Wilson at si Kathrina Mendoza. Si Bea ay half -filipino, half -american. Dati ay palygirl din siya katulad ni Gabbe pero ngayon ay seryoso na ito sa boyfriend niyang si Carl. Magdadalawang taon na nga ang magkasintahan eh. Si Kath naman ay ang babaeng walang arte sa katawan. Seryoso siya sa buhay niya lalo na sa pag-aaral. Pero kung gaano siya kaseryoso sa pag-aaral, ganun din siya kapag pag-ibig na ang pag-uusapan. Para sa kanya, kung kayang ibigay ang lahat, bakit hindi?

Ang nahuhuli sa barkada ay si Karah Ysabelle Asuncion. Siya ang hindi pansinin sa lahat. Simple kasi talagang babae. Ni hindi siya nag-apply ng make-up. Siya din ang pinakatahimik sa lahat. Isang tanong, isang sagot lang din siya. At higit sa lahat, NBSB - No Boyfriend Since Birth.

Nang makarating sila sa gym ay maraming ng tao. Naupo sila bandang itaas dahil doon naman sila nakaatas. Tumingin sa relo niya si Karah. 7:45 pa lang. 15 minutes pa bago magsimula ang program. Mainipin kasi siyang tao at ayaw niyang walang ginagawa.

"Oh? Nakatingin ka na naman sa relo mo. Tantanan mo nga yan teh." Saway sa kanya ni Bea.

"Dinadaig mo pa si Cinderella, Karah. Wala naman tayong klase after this kaya wag kang mag-alala na malate, okay?" paliwanag naman sa kanya ni Gabbe.

His Worst NightmareWhere stories live. Discover now