Chapter 6

42 1 0
                                    

Dalawang araw mula ng huli kaming magkita ni Ares. Pagkatapos niya akong ihatid sa building ng condo ko, wala na akong balita sa kanya. Pero para saan pa di ba? One night stand lang naman ang nangyari sa amin. At gets ko 'yun. Hindi naman ako ganun kamangmang sa mga bagay bagay dito sa mundo e.

Marami na rin akong nabasang kwento na ganun, after ng may mangyari sa kanila, aasa 'yung babae na sana may maramdaman din 'yung lalaki sa kanya. Well, pasalamat na lang din siguro ako dahil hindi ako ganung klaseng babae. 'Yun ang hirap sa akin, mahirap ako mahulog. Mahirap ako magkagusto sa lalaki. Mabuti na rin 'yun para hindi na rin ako mapabilang sa mga taong umasa lang at nasaktan.

What? Hindi ako bitter ha. Sabi nga ni Ramon Bautista sa libro niya, 'Walang gamot sa tanga, prevention lang.'. At naniniwala ako dun. Kung kaya mo pang umiwas, umiwas ka na. Well, hindi nga lang ako nakaiwas na isuko 'yung Bataan ko, hindi ko naman naisuko ang puso ko! Ha! Kaya niyo 'yun? Bwahaha!

"Para kang tanga, Karah. Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" Nagseryoso agad ako ng mukha. Napalalim yata ang iniisip ko at hindi ko naalala na kasama ko nga pala sina Nadine papunta cafeteria.

"Oo nga. Napapadalas na 'yan ah?" nakita ko ang pagtalim ng tingin sa akin ni Quinn. Sumabay na rin dito ang mga kaibigan ko.

"W-what?! Hindi ah! Masaya lang talaga ako. Masama ba talagang maging masaya ng walang dahilan?"

"Uuuyyy! Defensive si 'teh!" Si Bea. Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko ah. Totoo naman eh!

"Oo nga. Wala naman kaming sinasabing may dahilan 'yang pagngiti mo." dagdag pa ni Kath. Wala manlang ba gustong kumampi sa akin ngayon?

"Spill it, Karah. Sino ang nakilala mo sa bar last friday?" Nakangising tanong ni Nadine.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko sila habang tinititigan naman nila ako. Karah, sasabihin mo ba o hindi? Eh bakit kasi parang alam naman nila kahit hindi ko sabihin? Baka hinihintay lang nila na aminin ko? O baka naman alam lang nila na may nakilala ako?

Nakakaloka. Wala pa naman akong sinasabi pero pakiramdam ko may alam silang lahat tungkol sa nangyari nung friday. Ganito ba talaga kapag guilty ka? Kapag may sikreto ka? Lalo na't alam mong masama 'yung ginawa mo ng friday?

"Ano na Karah? Inuugat na kami dito." Tumingin ako sa paa nila. Wala namang ugat. Tinignan ko sila pataas at nakita kong hindi lang sila basta inuugat!

"Hala! Oo nga. At hindi lang kayo basta inuugat, binubulaklak pa kayo!" Tumawa ako pero tumigil din ng napansing hindi nila nakuha 'yung joke ko.

"What? Hindi ba nakakatawa 'yung joke ko?"

Tumikhim si Nadine bago magsalita. "Actually, siguro kung iba 'yung nagjoke nun nakakatawa. Pero nung ikaw, more on... nagulat kami. Kasi hindi mo nature ang magpatawa. But you know what? Kung ano man ang nangyayari sa iyo ngayon. I think maganda 'yun para sa'yo. Bumabalik ka na ulit sa 'Karah' na kilala namin simula pagkabata." pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya sa akin kasabay ng mga kaibigan ko.

Oo. Naging tahimik lang ako noong maghiwalay ang mga magulang ko. Ni hindi ako umiyak noon at ni hindi ako nagpakita ng kahit anong kahinaan na nagpapakita ng sakit sa paghihiwalay nila. Marahil 'yung pagiging tahimik ko ang naging way ko para makapag-adjust. Siguro 'yun yung way ko para makacope sa mga nangyari sa akin.

Nakarating kami sa cafeteria at umupo sa usual spot namin. Sina Nadine, Quinn at Kath ay bumili ng kanilang pagkain. Si Gabbe naman ay may katext samantalang katawagan naman ni Bea ang boyfriend niyang si Carl. Ako naman ay nakaupo lang at nagbabasa ng libro.

Maya-maya ay nagpaalam sa akin si Gabbe na aalis lang daw siya at may kukunin. Hindi ko pa naililipat ng bagong pahina ang libro ko ng maramdaman kong nabasa ito. Nakita ko ang unti-unti nitong pagkalat mula sa pinagsimulan nito hanggang halos buong libro ko na ang basa. Kasabay nito ang pagsinghap ng mga tao dahil na rin sa pagkabigla.

His Worst NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon