May bangas pa.

"Aga mo naman nagising." Sabi nya.

"Sampalin ka ba naman habang natutulog. Tignan ko lang kung hindi ka magising." Bulong habang nangunguha ng damit sa bag.

"Ha?"

"Wala."

Inilagay ko muna sa tabi yung damit ko. Maliligo kasi agad ako pagkatapos mag-almusal. Pero mamaya pa yun dahil tulog pa si Eman.

Lumabas ako ng tent at nakita kong gising na rin yung iba. Dumaan si Josh sa harap ko at ewan ko ba pero parang may iba sa tingin nya sakin. Sinundan ko naman sya ng tingin.

Problema nito?

Nakita kong kumukuha ng mga maliit na putol na sanga si Felix. Mukang gagamitin yung pang-gatong. Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan sya.

"Aga mo ah?" Puna nya sakin.

"Para makarami agad." Nakangiti kong sagot.

"Kayalang tulog pa yung taga-luto natin." Natatawa nyang sabi.

Tinawanan ko lang din sya. Walang makaka-kain samin hangat hindi nagigising si Eman. Sya lang kasi masarap mag-luto saming lahat.

Nagpapaturo ako dati kay Eman pero tumigil din ako. Lakas kasi ng hampas nya sa kamay ko nung minsang magkamali ako ng hawak ng kutsilyo.

Hawak pa lang sa kutsilyo yun ah!

"Felix! Jay-jay!" Tawag samin ng kung sino.

Sabay kaming lumingon at nakita namin si Rory na kumakay samin. Naglakad kami palapit sa kanila. Gising na ang lahat at mukang may seryosong pag-uusapan.

"Kompleto na?" Tanung ni Edrix.

Nagtinginan naman kaming lahat. Nang masigurong kumpleto, halos sabay-sabay pa silang sumagot ng 'oo'.

"Okay... Maaga tayong mag-aayos. 9am ang start ng program para sa retreat. Lunch ng 12pm tapos 1:30pm naman yung recreational acticvity." Paliwanag ni Rory. "...pero hindi tayo kasali dun."

Halos pare-pareho kami ng reaksyon dahil sa sinabi nya. Panung hindi kasali? Eh umaano kami dito kung hindi kami kasali? Pampagulo?

"Anu? Bakit?" Tanung ko.

"Panu nangyari yun?" Tanung ni Denzel.

Bahahya'ng natawa si Rory. "Para naman kayong bago ng bago." Nagkamot pa sya ng ulo. "...malamang hindi naman talaga tayo kabilang. Si Sir Alvin nga lang ang dahilan kung bakit tayo nandito."

"Aanu tayo nyan?" Inis na tanung ni Blaster.

Kahit ako nagsisimula na ding mainis. Display lang yata kami dito o kaya masabi lang na 'lahat' ng Fourth year kasali.

"Yung program ng 9am, kasali pa rin tayo don. Kakain tayo ng lunch tapos after nun, magsyesta nalang tayo." Paliwanag ni Rory.

"Boring." Bored na sabi ni Calix.

"Edi samahan mo yung girlfriend mo dun." Suggestion ni Ci-N kay Calix.

"Kung pwede lang bakit hindi."

Ang boring naman kasi talaga. Mag-syesta? Ang haba-haba na nga ng tulog namin sa gabi tapos magsyesta pa.

"Wala naman tayong pwedeng gawin." Sabi ni Eman habang nagbubukas ng dalawang pack ng hotdog. "...Hindi na tayo pwedeng lumabas. Makakagalitan na tayo."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon