Fifty One

388 34 45
                                    

Chapter 51

There's always that one stupid mistake that changes everything

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

There's always that one stupid mistake that changes everything.


~❤️~

SIGRID

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makatayo at makalakad. Hindi ako makahingi ng tulong, napilay ata ako gawa ng magpapatulak sa akin nung lalake.

Kinakabahan ako, gusto kong maiyak. Hindi rin ako makahingi ng tulong dahil walang ka-tao tao dito.

Kinuha ko yung phone ko pero wala akong ma-contact, kaka-reformat ko lang dito at nagsisisi akong ginawa ko 'yon. Bakit ngayon pa 'to nangyari?

Naalala ko na may kabisado akong number ng dalawang tao. Ayoko namang tawagan yung isa kaya no choice, yung isa na lang tatawagan ko.

Calling Terrence...

Halos maka ilang ring rin bago niya ito sagutin, akala ko nga hindi na niya 'to sasagutin, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Terrence!"

"Moira, hello. Nasaan ka na? Nasa perya ka na ba? Sorry late ako may—" Hindi na ko nag alangan pa at agad sinabi sakanya ito.

"T-Terrence, I need your help. Nakidnap si Quin nasa isang van siya, hindi ko alam kung—"

"Anong plate number? Anong kulay?" bakas sa boses niya yung pagaalala, halatang natataranta rin siya.

"A-Ano, kulay itim yung van, h-hindi ko masyado matandaan pero patungo ito sa Valdez Street"

Tumahimik siya kaya nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya. Nakarinig rin ako ng susi at sasakyan.


"T-Terrence?"

Biglang nawala yung tawag kaya tulala akong tumingin sa phone ko. In-end call niya? Pero bakit?

Kinagat ko 'yung labi ko hanggang sa hindi ko na mapigilan yung pagtulo ng luha ko.

Oo nga pala, si Quin ang mahal niya. Muntik ko ng makalimutan 'yon, aish ang tanga tanga mo Sigrid!

Pinilit kong tumayo pero tumutumba lang ako. Hindi ko alam kung ano iniiyak ko dito, kung yung pilay ko ba o yung bigat ng dibdib ko.

Hindi ko na talaga alam kung ano gagawin ko. Wala akong ka-contacts contacts sa phone ko, hindi ko pa kabisado 'yung number ng daddy ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang tanga ko, bakit ngayon pa nangyari 'to? Paano na si Quin? Paano kung may mangyaring masama sakanya? Paano rin ako na nag iisa lang dito sa gilid ng madilim na daan?

ChiaroscuroΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα