Chapter Two

1.2K 23 1
                                    

CHAPTER TWO

HIMBING na himbing ang tulog ni Vanessa sa kanyang kama ng may narinig siyang nag-megaphone sa labas ng kanyang bintana na tinatawag ang pangalan niya. Bumangon siya at sinilip ito. Nawala ang antok niya ng makitang maraming mga pulis ang nasa labas ng boarding house nila at nakatutok sa kuwarto nila ang mga baril nito. Nataranta siya at hindi niya malaman ang kanyang gagawin nang biglang pinaulanan ng bala ang kanilang kwarto.

            Napabangon siyang bigla ng tumunog ang kanyang cellphone. Napapahid siya sa naglagatakang pawis sa kanyang noo. Buti na lang at isa lang iyong panaginip. Mabuti na lang at nagpa-alarm siya sa kanyang cellphone para magising siya ng alas-siete ng umaga. Kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa kanyang panaginip kanina.

            Tuloy nag-alala siya baka nga talagang pinapahanap na siya ng lalaking sinapak niya na siya ring may-ari ng kotseng binasag niya ang windshield. Baka naipablotter na siya at may kaso na siya.

            Kiber! Bakit ka ba matatakot doon? Ginawa mo lang ang nararapat sa kanya. Eh di, amanos na kayo, anang maliit na boses sa utak niya. At isa pa hindi naman niya alam ang pangalan mo ‘di ba?

            Hindi niya maiwasang maalala ang gwapong mukha nito. Hindi niya alam kung bakit parang kinikilig siya sa tuwing maalala niya ang mukha nito.

            Stop it, Vanessa! He’s your enemy. At wala nang chance para magkita pa kayo dahil papatayin ka noon kapag nagcross uli ang mga landas ninyo, sita niya sa sarili.

            Nag-usal siya ng maikling dasal saka siya bumangon at niligpit ang kanyang higaan. Ilang sandali pa ay masayang tinungo na niya ang banyo upang maligo. Prinsipyo niya ay dapat sinisimulan ang araw ng bawat tao ng may ngiti sa labi upang good vibes lagi.

SUBSOB sa trabaho ng araw na iyon si Mark sa kanyang opisina. Pero kahit anong pilit na iwaglit kahit sandali ang mukha nang babaeng sumapak sa kanya at bumasag ng windshield ng kotse niya ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaganun. Laging sumisingit sa kanyang gunita ang maganda at inosenteng mukha nito. The innocent but dangerous face. Para ba itong isang litratong nakadikit sa utak niya gamit ang Mighty Bond at hindi niya maalis-alis sa isip niya.

            Ang mga mata nitong tila laging nangungusap. Ang manipis at mapulang mga labi nitong parang laging nanghihikayat na halikan. Iyon ang mga napansin niya habang titig na titig siya sa magandang mukha nito. Tuloy hindi niya maiwasang mapalunok ng maisip niya iyon. Ang mismong maganda, inosente at maamong mukha nito ang hinding-hindi niya kailanman malilimutan.

            Ano ba Mark? Focus!

            Napasabunot siya sa kanyang buhok sa sobrang inis sa sarili. Kanina pa siyang umaga ganun at hindi makafocus sa kanyang trabaho. Kahit anong gawin niyang pagsubsob sa kanyang trabaho pero may mga sandaling napapatigil siya sa kanyang ginagawa at iniisip ito.

            You like her?, anang maliit na boses sa utak niya.

Nah! How could I like a stranger? Parang amazona. She’s not my type!, sagot ng kabilang bahagi ng utak niya.

Deny ka pa. Hindi mo naman siya maiisip if you don’t find her attractive, anang isip niya.

            “That damn woman! I need to find her. Siguro kailangan ko lang makaganti sa kanya para matahimik na ako.” Hinablot niya ang kanyang coat na nakapatong sa sofa ng opisina niya at nagmamadaling lumabas doon.

Neighborhood Heartthrobs 2 : Mark Arvin ***Now available National Bookstores and Precious Pages nationwide***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon