Pumasok ako sa loob ng kwarto ko para magpalit ng damit, Naiinitan ako kasi nakauniform pa ako e. Kumuha ako ng shirt, green shirt. Loyal ako sa Lasalle e bakit ba? Ha-ha. At sinuot iyon. Kumuha din ako ng short na maikli, dito na din naman ako sa dorm di na ko lalabas mamaya nakakatamad e.

Pagkatapos kong suotin ang short ko, pagkaangat ko ng ulo nakita ko ang Whisper with wings. Saka ko lang narealize na Hindi pa pala ako nagkakaroon. Kinuha ko ang phone ko to check the calendar, minsan kasi hindi ko alam n magkakaroon pala ako that day tapos wala akong dalang napkin at ayoko ng maranasan ulit iyon.

Napahawak ako sa baba ko, Dapat mayron na ako 2weeks ago ah. Some part of me feel nervous but the other part saying delay lang ako. Pero kinakabahan talaga ako e.

Hawak hawak ko ang pack of napkin sakto naman pumasok si Alina sa kwarto ko.

"Meron ka?"

"Wala pa." sagot ko sakanya. Napa-huh naman ang look niya sakin. Saka umalis siya ng kwarto ko. Weird huh. -.-

Lumabas ako ng kwartong malalim ang iniisip. Nagfa-flashback sa isip ko ang nangyari sakin noon nakila Aaron ako. Ang pagsakit lagi ng ulo ko at paghihilo ko. Ang pagke-crave ko ng mga pagkain na out of world. Mga panlasang hindi masarap sa iba pero masarap sakin. 

Napatigil ako. "Sinong nagpabango?" tanong ko sakanila.

"Ang baho e." at isa pa ang pang-amoy ko na kakaiba. Sapat na ba iyon para isipin kong buntis ako? Na may nagbunga na samin ni Raffy? Ito na ba ung araw na kinakatukan ni Raffy na dumating? Ang kinakatukan ko ding dahilan para layuan ako ni Raffy?

Humarap ako sa salamin. Itinaas ko ang damit ko at tinignan ang tyan ko. Hinihimas himas ko. Bakit parang feeling ko may kung anong laman sa tyan ko. Magkakababy na ba ako? ng ganitong kaaga? Teenage mom kung tawagin.

"Anong problema?" humarap ako sa nagsalita na si Alina at feeling ko babagsak na ang luha ko. Hinila ko siya papasok sa kwarto ko. 

"Bakit Ennis? Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin. Dahil bestfriend ko siya, sakanya ko sasabihin lahat! 

"Alina promise me na satin lang ito." sabi ko sakanya at nag nod lang siya. Huminga ako ng malalim hanggang sa ready na ako sabihin sakanya.

"May nangyari samin ni Raffy.." tinitignan ko ang magiging face expression niya at nakita kong nagulat ko siya.

"Siguro isang buwan na nakakalipas. Siya ang una ko Alina. Hindi ko masabi kanina dahil hindi ko kayang pahiyain ang sarili ko" sabay napatakip ako ng mukha ko dahil narealized kong siya ang una ko pero sa ginagawa sakin ni Raffy ngayon hindi niya ako binibigyan ng halaga. Ayokong dumating sa punto na hindi ko na siya mahal at puro galit puot nalang nasa dibdib ko para sakanya.

"Shh Ennis. Im Here" at niyakap niya ako. "Hindi ka naman mapapahiya e. Kung sinabi mo pa kanina iyon edi matutulungan ka pa nila. Mas madami mas okay. Kaibigan mo kami diba." sabi niya pa habang hinihimas ang ulo ko.

"Pero isang malaking katangahan ang nagawa niya, he came inside me Alina." at dahil dun kumalas si Alina sa pagkakayakap sakin.

"Ang tanga! So ano, kaya mo ba tinitignan ang tyan mo kanina dahil buntis ka?" diretsong tanong niya sakin. Mabilis ko naman tinakpan ang bibig niya baka may makarinig samin.

"Ano ka ba wag kang maingay!" sabi ko sakanya ng mahina, sapat na kami lang ang makakarinig. 

"Hindi ko pa sigurado. Naiisip ko ung gabing natulog tayo kina Aaron, nahimatay ako dahil sa pagkakahilo. Tapos laging sumasakit ang ulo ko, ang pagke-crave ko sa mga pagkain, ang pagsusungit ko, ang pag-iba ng panlasa ko.." napatigil ako saglit. "Alina feeling ko buntis ako." 

"Isa pang napansin ko sayo, biglang tumigil ka sa pag iinom." sabi niya. Oo nga no. Pero ewan ko e, hindi ko trip uminom dahil mas gusto ko ang kumain ng kumain.

Tumayo si Alina at naglakad lakad na parang siya pa ang kinakabahan sa aming dalawa ngayon. 

"Di pa sure yan. Kailangan natin iconfirm kung totoo nga. Pero kung positive iyan Ennis, anong gagawin mo. Paano mo sasabihin ngayon yan sa Magulang mo lalo na sa Lolo mo?" sabi niya sakin. Napayuko nalang ako dahil sa tanong niya. My away nga pala ang pagitan sa pamilya namin. 

At hindi dahil sa bata kaya magkakaayos ang pamilya namin. Alam ko ang ugali ni family ko, alam kong mas lalo silang magagalit kapag nalaman nila kung totoong buntis ako.

"Bumili tayo ng Pregnancy test." sabi niya pa sakin at nag nod ako. Lumabas na siya ng kwarto ko para mag ayos. Ganun din ako nagpalit na ako ng damit ko ulit. Hayy paano nga ba talaga kung buntis ako? Paano ko sasabihin sa family ko iyon? Ang isang Efron ay nagkaanak sa kaaway nilang pamilyang Dela Vega. 

Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kami sakanilang lahat na may bibilhin lang kami. Habang naglalakad papuntang Drug Store stoccupied ang utak ko ng madaming what if.. 

Nang marating na namin ang Drug store. Agad si Alina bumili ng pregnancy test. Buti nalang nasa right age na kami para bumili nun. Si Alina naman nag presenta na bumili ng pt para sakin. 

After ilang minutong paglalakad nakabili na kami ng pt, diretso pasok kami sa dorm wala na din sila Ivy, nasa bilyaran naglalaro. Ako naman dumiretso sa cr para gamitin ang pt. 

Habang inilalabas ko ang pt sa lalagyanan nito. Hindi ko maiwasan ang kabahan, ang mapaisip ng kung ano-ano tulad ng papanagutan ba ako ni Raffy? Tatanggapin pa rin ba ako ng pamilya ko? Matatanggap din ba ng mga kaibigan ko? Kung saka-sakaling dalawang guhit ang lumabas? Tsk.

After kong umihi at maglagay ng konting ihi sa pt. Ngayon naghihintay ako ng result. Hawak hawak ko lang ang pt at nakayuko ako habang nakaupo sa toilet bowl. 2 to 3 mins ang paghihintay nakalagay sa instruction. Pero parang ang tagal ko ng nakapwesto ng ganito hindi ko pa rin tinitignan. 

"Ennis? Ano na? Ok ka lang ba?" rinig ko sabi ni Alina sa labas ng cr sabay kumatok ng ilang beses. 

"Oo" sumagot akong nakayuko pa rin. Titignan ko na ba? Inangat ko ang ulo ko ng dahan dahan dahil kinakabahan ako sa result. Inilapit ko sa akin ang pt na hawak hawak ko at napaiyak ako sa result. Natutuwa ako pero nadidisappoint ako sa sarili ko. Lumabas ako ng cr at tumambad sakin si Alina na naghihintay pala kanina pa doon.

"Ano?" tanong niya, tumingin ako sakanya at iniabot ang pt na ginamit ko.

"Positive" sabi ko.

--

A/N: Ang pangit. HAHA! Parang walang kwentang update. Sorry guys. LET'S CELEBRATE kasi pregnant si Ennis. Pero dahil sa nangyari, ano kaya ang magiging kahahatnan netong ngayon ay buntis si Ennis? Ano kaya ang mga mangyayari sa susunod na chapter? 

Excited na ba kayo? Excited na din ako.

KEEP READING GUYS. Vote Comment and Be a Fan. Lovelots xxx 

Lover's Revenge (on hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora