Chapter 14

114 4 1
                                    

"Ano ready na ba?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Ayoko maging palpak ito! Gusto ko maging succesful!

"Okay na Ennis." sabi niya sakin at dumiretso sa tambayan namin.

"Sige my pupuntahan lang ako." umalis na ako at pumunta sa Cake shop para kunin ang cake na pinagawa ko. Sinong my birthday? Si Raffy Dela Vega! Isusurprise ko siya.  Inaamin kong hind kami okay pero hindi ko hahayaan na wala akong ginawa para sa birthday niya. Gf niya ako, sometimes girls need to do an effort din. Kasabwat ko naman ang mga kaibigan ko.

Alam kong medyo ayaw na nila kay Raffy dahil sa pinapakita sakin pero wala silang magagawa dahil mahal ko si Raffy! Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwan.

Nang marating ko na ang Cake shop agad kong kinuha ang cake ko. Tinext ko din muna si Alina kung nakita na ba niya si Raffy. Siya ang magdadala kay Raffy sa White house. Duon ko rin nga pala isusurprise si Raffy.

Ang set up? Ang daming balloons sa sahig na puro ang design is maryjane. Pati ang cake na hawak hawak ko ngayon ang design is maryjane. Anong magagawa ko? E sa adik siya dun? At alam kong matutuwa siya pag nakita niya ang surprise ko. Sinabi niya rin sakin na ayaw niya ng materials sa birthday niya, edi cake nalang! db?

Sinabi din sakin ni Raffy ang balak niya na magpapainom dito sa Bilyaran. Pero bago yan, isusurprise ko muna siya. :) 

To: Baby Alina (2:45pm)

       Okay na kasama ko na siya. Papunta na kami sa bilyaran.

Napangiti naman ako sa text niya. Nakita ko namang dumaan sila sa cake shop kaya tumago ako! nang makalagpas na sila, sumunod na din ako sa likod nila.

"HAPPY BIRTHDAY TSONG!"

"Happy birthday macho!"

"Happy Birthday Raffy."

"Happy Birthday Weeds man!" 

Ayan ang mga naririnig ko sa loob, Ang ingay ng buong bilyaran. Naglalakad na din ako papasok at nakita ako nila Kim, Bok and Ren. Mga pabida sumabay sakin papasok sa loob ng bilyaran.

"RAFFY, MY SURPRISE PA SAYO." Sigaw ni Ren at dun pumasok ako sa loob ng bilyaran at saka naghiwayan ang mga tao.

Lahat sila nakangiti na parang kinikilig. Ako naman kinakabahan at nanginginig. Ang daming tao nakatingin e! Dumiretso ako kung saan si Raffy para ibigay ang cake na pinagawa ko pa para sakanya.

 "Happy Birthday Raffy" i said medyo naluha na din ako sa pagkasabi nun, pero nagulat ako dahil niyakap niya ako ng mahigpit, muntik ng mahulog ang cake na hawak ko buti andyan si Ivy, ang dakilang PG sa tropa. Pero nasurprise ko kaya siya? 

"Thank you. Ang sweet mo love" He called me love, tumaba ata ang puso ko! Naappreciate niya ang surprise ko para sakanya.

Nang tinignan niya ang cake para sakanya, mas nagulat siya dahil marijuana lang naman ang design na yon. "ANG COOL!" He said sabay kuha sakin ng cake.

"Thanks! Thanks. Ang cool grabe." he said sabay tingin sakin. Nakatingin lang din ako sakanya, hanggang sa marinig namin na may nagsisigawan ng Kiss kiss kiss kiss. Mag kiss daw kami? LOL.

Nahihiya ako ee at alam kong di gagawin ni Raffy yon pero imbis na madisappoint nanaman ako dahil gusto ko ikiss niya ako. Hinila niya ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sakanya. Hinawakan niya ang likod ko at kiniss sa lips sa harap ng madaming tao.

O____________________O

Gulat! Nagulat ako sa ginawa niya. Parang nabibingi ako sa mga sigaw nila, sa hiwayan nila. Gusto ko mang kiligin pero biglang nag flash back sakin ang sinabi niya sakin noong nakaraang araw. Kaya biglang nagbago ang mood ko. Ang bipolar ko.

Lover's Revenge (on hold)Where stories live. Discover now