“HB please, makinig ka muna sa’kin..” mula sa likod niyakap sya ni Kevin “pakinggan mo ako, please makinig ka”

“bitawan mo ako!! manloloko kayo!” pilit syang nagpupumiglas pero hindi sya hinayaan ni Kevin, napagod na din siguro sya kasi tumigil sya sa pagpupumiglas at napaupo na sa sahig habang patuloy na umiiyak. Tsk! Shit lang ! sabi na nga ba walang sikretong hindi nabubunyag e! dapat kasi maaga pa sinabi na ‘toh sa kanya!

“wala naman akong ginawang masama sa inyo e, bakit nyo ako niloko” umiiyak pa din sya habang yakap- yakap sya ni Kevin sa likod nya..

“Jana.. I love Kevin” bigla kaming napatingin kay Chinsei

“what the..Chinsei anong pinagsasasabi mo?!” bulong ko sa kanya habang hawak ko sya sa kanang braso nya. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa kapatid kong ‘toh! Nagkakagulo na nga, sarili pa rin ang iniintindi! Tss!

“ano ba!.. mahal ko nga kasi si Kevin!” inalis nya yung pagkakahawak ko at tumingin kay Jana, “ Oo pinaglalaruan ka lang namin! So what? Now you know our secret you can leave now!”

“Chinsei ano ba! Tumigil ka nga!” ano ba talaga trip ng isang ‘toh?!

“nahuli na tayo. So don’t deny! You can go now Jana” hindi ko na talaga napigilan nakaladkad ko na si Sei palabas. Kuya nya ako kaya dapat hindi ko sya hinahayaan sa mga maling ginagawa nya!

“Kuya! Ano ba!”

“hindi na tama ginagawa mo Chinsei! Ano bang pinagsasabi mo dun?!”

“wei?! I want my Kevin back!”

“you’re crazy Sei! Whether you like it or not..tomorrow you’ll take your operation!” hinila ko na ulit sya sa braso nya, wala akong pakialam kung masaktan sya. Mali na kasi ginagawa nya..

“no!! let me go Oppa! Don’t wanna!!!” hindi ko pinansin ang sinabi nya

“O-Oppa! N-no!....... “

“fck! What did I do?! Chinchin!”

***mw’s POV

 

“bitiwan mo sabi ako! aalis na ako!” pilit na kumakawala si Jana sa pagkakayakap ni Kevin..nasa loob pa rin sila ng unit ni Sei

“no.. no.. I’ll never let you go!” mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya

“ano ba! Diba niloloko nyo lang ako?! ayan naloko na ako! kaya bitawan mo na ako Kevin!”

“no.. HB no, hindi kita niloloko”

“inamin na nga ni Chinsei e! bitawan mo sabi ako! gusto mo pa ba masaktan?!” pagbabanta ni Jana na nagpupumiglas pa din..

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon