CHAPTER 3 (On-Going Revision)

69.7K 702 21
                                    

Jana's POV

"Pucha anong klaseng school ba toh?! Bat ang laki?!", di ko napigilang mag-mura at magreklamo dahil kanina pa akong lakad takbo pero hindi ko pa din makita and room ko. Ayoko naman magtanong sa mga estudyante dahil sa nangyari kanina. Ayoko na ng dagdag hiya sa katawan noh!

Halos dalawang oras na din akong naghahanap, napadpad na ako kung saan-saan, sa gym, canteen, field, amphitheater pero di ko pa din natatagpuan ang room ko. Makauwi na kaya? Char!

 "Dito na siguro yun, room 300 na toh eh? Room 321 ako." bulong ko sa sarili ko ng sa wakas makakita ako ng 300 na room number. Dinerecho ko ang hallway hanggang sa matapat ako sa room 321.

"300..301..302..303........320.." hingang malalim "..eto na room 321! ano gagawin ko?"

sumilip sya.. at kumatok.. "eto na toh! wala ng atrasan toh! go Jana!" cheer sa sarili..

*toktoktok*

bumukas ito "Yes??" sabi nung teacher na matanda na..

yes?? may tinanong na ba agad ako? astig ah!! hahahah

"miss?? ano kailangan mo??" tanong ulit nung teacher.. natauhan bigla si Jana

"aahh.. ee.. dito po ba ang room 321??" tanong nya ng maayos

tiningnan sya nung guro at ngumiti "Hija?.. "tumingin din si Jana "marunong ka ba magbasa??" tinuro nya yung room no.. "ayan oh! may tanong ka pa ba?? magmasid ka muna ha?"  ngumiti ito at nagtawanan yung ibang estudyante

abah!!! luko toh ah! pagtawanan ba naman ako??!! malay ko ba!! susko! patawarin nyo ako pag may nagawa akong masama! yabang ng matandang hukluban na toh ah!!! Jana controll

hingang malalim, then she smiles "ah.. maam.. sorry.. TRANSFEREE lang po kasi ako ee" pinagdiinan nya talaga yung "transferee"

natigilan yung guro at chinek class record "aahh.. ikaw ba si Jana Manalo?? I mean Ms. Jana Manalo??" nag-nod na lang si Jana ".. aahh.. ay naku sorry Ms. Manalo ha.. ganun lang talaga kami dito" tapos nag-smile sya kay Jana 

ano toh? pagkatapos mang-lait ganto??! ngiting aso! pweh!"

"may sinasabi ka ba Ms. Manalo??"

"ay.. ay. wala po Maam", then smile

"Pasok ka na.. magpakilala ka na sa kanila. Hey class.. quite meet your new classmate. Ms. Jana come here and introduce yourself'" nag-nod na lang sya ulit

ano toh? bat bigla ako kinabahan hingang malalim ulit 

"H-hi! I-Im Jana Manalo came from Southville High.."smile ".. I hope na maging friends tayo.. Pls. be nice to me" then she nod again

"Ay ang cute naman nya!!" compliment nung isa

"HI JANA!! DITO KA NA UMUPO!" , sigaw naman nung isa

ayos naman pala dito ee! hahahah.. 

"upo ka na dun sa bakanteng silya sa may likod.. ayos lang ba sayo??"

"opo maam! thank you" .. uupo na sana sya ng may biglang tumabig sa kanya kaya nabitawan nya gamit nya ".. ARAY KO NAMAN!!" (wwooppsss)

nagtinginan sa kanya mga classmate nya

"Mr. Manalo! ano ka ba naman!!" saway nung teacher nila

Mr. Manalo?? ako ba tinutukoy nya??!! babae kaya ako! at saka eto may kasalanan oh!

"Ma---"

"EE SYA NAMAN MAY KASALANAN EE! sya nakahara sa daan!" sagot nung lalaki na bumangga sa kanya

aba! bastos tong lalaking toh ah!


"aba't..." sabi ni Jana

"Ms. Manalo.. pasensya ka na ha.. ganyan talaga yang taong yan ee! walang pinipili.. naku.. sorry ha..??" tumingin ito dun sa lalaki "Ikaw naman Mr. Kevin Manalo.. di ka na ba nahiya sa transferee natin??!" 

so.. Kevin pala pangalan ng isang toh! at parehas pa kaming Manalo??!

"ay.. teka-teka..! pakialam ko kung bago sya?!" sagot ni Kevin pagkaupo nya

"di ka na talaga magbabago!! Mr. Gangster!" sigaw nung teacher na namumula-mula na sa gigil

nag "nyenyenye" na lang si Kevin at naglagay ng headphone

grabe naman tong lalaking toh! GANGSTER DIN SYA??! well obvious naman! "aayy.. maam.. ayos lang po.. okay lang naman po ako" nag-smile na lang sya at umupo na din pinagmasdan nya ito..

"ANONG PROBLEMA MO??!!!" nahuli nyang nakatingin si Jana sa kanya

napatakip ng tenga si Jana dahil sa lakas ng boses nito "aray naman! tenga ko !"

"anong problema jan MR. & MS. Manalo???!'

"eto kasing babae na toh!" sabi ni Kevin

"ano ba naman ginawa ko??"sagot ni Jana

"ikaw naman kasi Kevin!! " sabi nung teacher habang papalapit kay Kevin

"ako na naman??!!! sh*t!!!" kinuha nito bag nya at lumabas na ulit .. tinabig pa nya yung teacher

"grabe talaga ang lalaki na yun oh!!" napa-imik si Jana

"nakuh! masanay ka na dyan.. pasensya ha?" sabi nung teacher

whaattt??!! bat parang okay lang sa kanya??!!! uugghhh!! kung di lang talaga para kay Mama.. natamaan na yun sakin!!!

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon