CHAPTER 57

29.5K 248 24
                                    

CHAPTER 57

 

“Uy LD, natitiis mo akong magsalita mag- isa dito? Galit ka ba? Bakit di mo ako kinakausap?”

“…”

“haaayyyy.. I miss you na LD” nilagay ko sa kanang pisngi ko yung kamay nya.. “kelan ka ba gigising?”

3 days na after nung ma- kidnap ako at mabaril sya. Hindi pa rin sya nagigising.. waaahh! I’m missing him so bad TT__TT

“Jana hija, salamat sa pagbabantay kay Kevin”

Ay oo nga pala! Kasama ko si Tita Margarette! Yung mama ni Kevin! Kamukhang- kamukha nya si Kevin. Swear! Kaya pala ang gwapo ni Kevin e, kasi mana sa mama nya na maganda.

Well, within 3 days na pamamalagi ko dito sa hospital, hindi naman buong araw, pagkakatapos lang ng school, madami ng naikwento si Tita sa akin. Matagal nap ala sya dito sa bansa! 2 years na! Hindi lang daw  nya magawang magpakita kay Kevin dahil nawawalan sya ng lakas ng loob. Alam nya kasi na galit si Kevin sa kanya, hindi naman daw nya masisisi si Kevin kasi kasalanan naman daw nya kasi naging mahina sya.

“wala po yun Tita” nginitian ko si Tita

“naku, sinabi ko na naman sayo na Mama na lang din itawag mo sa akin”

Ay oo! Sabi nya mama na lang daw itawag ko sa kanya. Kasi alam nya pinagdaanan namin ni Kevin. Pasikreto pala nyang inaalagaan si Kevin, minsan sya yung nagluluto ng lasagna yung favorite ni Luvidudz! *u*

“e nakakahiya naman po” pa-shy pa e noh? xD

“hwag ka ng mahiya hija. Gusto kita para sa anak ko”

“eh? Ganun po ba? T-thank you po Tita” >//<

“mama na lang” ^_^

“ehe-he okay po… mama” ^__^

“sandali lang, bibili lang muna ako ng pagkain. Gabi na baka gutom ka na. maiwan muna kita ha”

“sige po, ingat po”

Ayun lumabas na si ehem. Mama! xD

Naiwan na naman ako mag- isa dito. after class dito ako nadiretso para bantayan si Kevin.. at pati pala dalawin si Sei. Naka- confine na sya dito kasi next next day operation na nya! Waahh! Magpapa- opera din naman pala sya kahit hindi balikan ni Kevin e.. asar talaga yung babaeng yun pero hep! Friends na kami! Hahaha! Naku kung alam nyo lang… lokaret pala yung babaeng yun! Hahaha! Kinuwento nya sa akin na naging ka- fling daw nya si Jo Kwangmin ng Boyfriends! Hahaha! Lakas din mangarap nun noh? Aagawan pa si author. xD Tapos hindi pala nakwento sa kanya ni Kevin na dati din akong gangster kaya ayun! Amaze na amaze sya. Astig daw namin! ^__^

So ayun, balik tayo dito kay Kevin

“Kevin! Gising na hindi ka ba nagugutom? 3 days ka ng hindi kumakain! Yung muscles mo lumiliit na oh!”

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon