Itinikom niya ang bibig at hindi na nagpaliwanag.

Bagamat totoong kayang pataasin ng fighter training ang spiritual essence ng isang tao ay hindi iyon ang totoo niyang rason.

Ang totoo, kaya niya gustong ipagpatuloy pa rin ang kaniyang warrior training ay ito. "Sa hinaharap, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makainom ng sariwang dugo ng dragon ay magagawa kong sanayin ang sarili ko sa Secret Dragonblood Training Tome. Kailangan kong pag-igihin ang pagsasanay ko sa katawan ko. Ang katawan ay isang sisidlan, samantalang ang battle-qi ang alak. Masyadong importante ang katawan. Mas maigi kung mas maaga kong maaayos ang pundasyon ko para maging mabilis din ang pag-unlad ko kapag pwede ko ng gamitin ang Secret Dragonblood Training Tome."

Ang totoo, kung tutuusin ay hindi niya kailangang maglaan masyado ng oras para sa paglikom ng mageforce.

Karamihan sa oras niya ay ginugugol niya sa meditative trance para sa pagsasanay ng kaniyang spiritual essence.

Pero masyadong nakakapagod ang paglalaan ng maraming oras sa pagsasanay ng spiritual essence. Ang nagiging pahinga niya halos at ehersisyo ay ang warrior training.

....

Nang sumunod na umaga ay nagtipon sa pangunahing kalsada ng Wushan Township ang lahat ng mga mamamayan para ihatid si Linley sa kaniyang paglalakbay. Isa kasing malaking karangalan para sa mga taga-Wushan na may isa sa kanila na magiging magus na mag-aaral sa Ernst Institute.

Bawat taon ay isandaang estudyante lang ang tinatanggap ng naturang paaralan sa buong Yulan Continent.

Sa mga oras na iyon ay nasa loob pa rin ng manor ng mga Baruch si Linley samantalang nasa laba sina Hillman at ang iba pa. Ang mga tao lang na nasa loob ay sina Hogg, Linley, little Wharton at Housekeeper Hiri.

"Linley, ngayon ay tutungo kang Ernst Institute at pormal na magiging estudyante doon. Pagka-graduate mo sa Ernst Institute ay magiging isa ka ng makapangyarihang magus! Bago ka umalis, bilang ama mo, gusto kong sabihin..." Sa huling araw na iyon ay napakaraming gustong sabihin si Hogg kay Linley.

Pero pagkatapos tumigil ng matagal na sandali ay ilang pangungusap lang ang binitiwan nito sa kaniya. "Tandaan mo, Linley, ang marubdob na nais ng lahat ng elders ng Baruch clan sa mga nakaraang dantaon, at tandaan mo rin ang kahihiyan ng ating angkan!"

Halos maging kulay berde na ang mukha ni Hogg.

"Pagka-graduate mo ay magiging isa kang at least magus ng sixth rank. Kung magsasanay ka ng maigi ay hindi ka mahihirapang maging magus ng seventh rank. At isa pa, isa kang dual-element magus! Ang isang dual-element magus ng seventh rank ay isang pangunahing impluwensiya sa Kaharian ng Fenlai. Sa hinaharap, tiyak na magkakaroon ka ng kakayahang bawiin ang ancestral heirloom ng ating angkan. Kung hindi mo iyon babawiin, kahit mamatay ako ay hinding-hindi kita papatawarin!" Pinukol nito siya ng nakakamatay na tingin.

"Kahit na sa kamatayan ko ay hindi kita papatawarin!"

Niyanig ng mga salitang iyon ang puso ni Linley.

Ito ang bilin sa kaniya ng kaniyang ama bago sila maghiwalay.

"Papa, huwag kang mag-alala. Hangga't ako'y nabubuhay ay sisiguruhin ko na mababalik ko sa ating angkan ang ating ancestral heirloom. Pangako!" Panata niya nang salubungin ang mga mata ng ama. Sa mga mata niya ay naroon ang determinasyon.

Nagsimulang magniningning ang mga mata ni Hogg, at kaniyang tinapik ng malakas ang balikat ni Linley.

"Naniniwala ako sa iyo, anak!"

...

Habang nasa daan papuntang silangan ng Wushan ay lumingon si Linley at nakita ang daan-daang pamilyar na mga mukha ng mga naghatid sa kaniya. Nasa bandang unahan ang kaniyang amang si Hogg at ang kapatid na si Wharton.

"Kuya, bye bye!" Todo kaway sa kaniya si Little Wharton.

Pagkakita sa ama at kapatid ay kumaway din si Linley, ang mga mata niya ay namumula na.

"Papa. Wharton." Ang puso niya ay napuno ng pangungulila.

Simula ng maipanganak siya ay hindi pa siya nawalay ng matagal sa tahana niya. Pero ngayon ay mawawala siya ng matagal. Sa mga sandaling iyon ay tahimik na nakatuntong sa balikat niya si Bebe at hindi nag-iiingay dahil dama nito kung ano ang nasa isipan ni Linley. Ang kalapit na si Doehring ay simpatiko ring nakatingin sa kaniya.

"Linley, tara na." anang Hillman. Si Hillman ang maghahatid sa kaniya at aaktong bodyguard niya kung sakali mang may makasalubong silang mga bandido.

Labag man sa loob ay tinapunan niya ng huling sulyap ang kaniyang pamilya saka pinilit ang sariling tumalikod at simulang lakarin ang direksyon ng Ernst Institute.

"Paalam, pamilya ko. Paalam, tahanan ko."

Yulan Calendar, taon 9991. Kasama ang batang Shadowmouse na si Bebe at ang punong guwardiya ng Baruch clan na si Hillman, ang siyam na taong gulang na batang si Linley ay umalis na ng bayan ng Wushan.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now