Hale's POV
Haay, another typical boring day ng buhay ko.
As usual, wala nanaman yung prof. namin, nagbakasyon daw sa Baguio.
Ewan ko ba diyan kay Ma'am, matagal pa naman yung semestral break namin, nag out of town na.
Pero syempre, as a typical student, masaya rin akong wala yung teacher namin 'no. Of course, isang rason na doon na wala kaming lesson tsaka quiz ngayon.
Tsk. Calculus pa naman...mabuti na lang walang test, terror pa naman yun!
*sigh*
Most of the time, kapag ganitong vacant, nakikipag-kwentuhan na lang ako dun sa bestfriend kong si Vanna o kaya naman ay mas pinipili kong magbasa at making ng music bilang pampalipas oras.
Kaya lang ayun, absent siya ngayon. Tsk. Siya pa man din yung nag encourage saakin na pumasok ngayon tapos siya pala yung mag-aabsent.
Aisht! Hulaan ko, late nanaman yung gumising. Pano ba naman, adik sa k-drama. Yan tuloy, inabot ng alas-dos ng madaling araw matapos lang yung lahat ng episodes.
Tch. Boring tuloy.
Nabaling naman yung atensyon ko sa iba nung may biglang nag-salita.
"Guys, ang boring no? Tara! Truth or Dare tayo." Suhestiyon ni Ivan. Class President namin.
Truth or Dare? College na kami e..pang bata lang yun.
Ayun nga, nabulabog yung buong klase.
"Ayos!"
"Sige!"
"Sali kami!"
Kanya-kanyang sagot ng mga klaklase ko.
Habang yung iba naman ay walang pakialam at isa na nga ako don.
Mas gugustuhin ko pang magbasa na lang ng wattpad kaysa mag-laro ng ganyan 'no. Tinatapos ko pa man din yung 'He's into Her' ni Maxinejiji, ganda kaya 'non.
(A/N: Shoutout sa mga nakabasa na ng HIH! ^-^ Para sa mga hindi pa, basahin niyo po. Swear, maganda yun :))
Tsaka for some reasons, ayoko talagang maglaro ng truth or dare e. It brings back memories na ayaw ko na sanang maalala pa *sigh* Basta! Nevermind na nga.
"Pero wait! Dapat kasali yung iba. Ang boring naman kung tayo-tayo lang diba?" Singit naman nitong si Chanelle. Ang pinaka maarte/nakakainis na babae sa section namin.
Tss. Para-paraan. Obvious namang si Jacob talaga yung tinutukoy niya e. Nakatingin kasi siya sa gawi ni Jacob with matching puppy eyes pa.
Pfft. In fairness, effective nga! Mukha talaga siyang tuta...with red lipstick nga lang.
Eto namang si Jacob patay malisya lang.
Parang may sariling mundo 'to, lagi lang yang naka headphones na parang walang ibang naririnig.
Nagbago na talaga siya.
"Uy, Oo nga naman. Ang k-KJ niyo!" Pag sang-ayon naman ni Mark kay Chanelle.
Tss. Porket type nitong Mark si Chanelle e. Supportive masyado.
Bahala nga sila. Nakikinig lang din ako sakanila.
YOU ARE READING
Truth or Dare ❤️
Short StorySa isang 'Truth or Dare' nagsimula ang lahat...at ng dahil sa larong ito, muli akong naniwala sakanya. Pero paano kung yung mismong taong nangako sayo ay siya rin palang mananakit at babawi sayo nito? Mas pipiliin mo pa rin bang magtiwala? o mas gu...
