[5] The Education of Andreau Cortez

Beginne am Anfang
                                    

Agad akong napabangon, hindi kasi si Kesh yung narinig ko. It took me awhile to realize kung nasaan ako. Nasa van pa rin ako! Oh god, hindi nila ako iniwan! Si Addie pala ang nanggising sa’kin, at kaming dalawa na lang ang nasa loob ng van.

“Sina Andreau?” tanong ko habang nagtatali ako ng buhok. Shit, naeexcite na natatakot ako bumaba ng van. This is it!

“Ayun.. dinumog na. Tingnan mo.”

Sumilip ako sa labas ng van.. shit. No way. Ang dami ngang tao! Sa may barangay hall pala kami tumigil, and kagulo nga! May mga barangay tanod na humaharang sa mga tao pero wild pa rin. Si Andreau, ayun sa gitna ng mga kababayan (lalim!) ko na biglang nagkaron ata ng rabies, todo smile at kamay. Politician tuloy ang dating niya!

Tahimik kaming lumabas ni Addie ng van at dumiretso sa loob ng barangay hall. Kaya na nina Andreau ang mga sarili nila, ginusto niya ‘to eh. At last.. I’m home! Naaamoy ko na yung lansa ng dagat.. yung lamig ng hangin.. at my god, may naaamoy akong inihaw! Kaso.. iiwan ko na lang basta si Andreau sa gitna ng mga may rabies?

“Saysay!!!!”

I immediately spun around and saw Nana Tinang. “Nanaaaaa!” agad akong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Five long years kong hindi nakita ang isa sa mga nagpalaki sa’kin! “Nanaaaaaaa!”

Aba, kung may fangirls with rabies si Andreau, may Nana Tinang naman ako.

**

After almost an hour (45 minutes traffic dahil sa kaguluhan kay Andreau, 15 minutes travel time), nakarating na rin kami sa barangay namin. Sinalubong kami ng mga cute na apo ni Nana, sina Butchoy, Kelly at Adrian.

Tahimik lang si Andreau, halos si Roldan na nga ang kumausap sa mga tao. Shit, suplado moves? Naku, ayaw pa naman ni Nana ng maangas! Patay si Big Boss nito!

“Andreau, okay ka lang?” tanong sa kanya ni Nana sabay abot ng orange juice. “May problema ba?”

Andreau smiled sheepishly at Nana and almost whispered, “Saan po CR niyo dito? Nature break.”

God, he’s so.. adorable.

**

Ihi lang pala ang katapat ng katahimikan ni Cortez. Siya na ang todong dumaldal sa mga tao sa bahay after ng nature break niya. Geez, can’t he just say ihi or jingle? Ang weird kasing marinig ang nature break sa lalaki.

Uh oh. Is this a sign?

Kesh, nasaan ka na!?

**

Bandang hapon ko na ulit nakita sina Andreau at ang team niya. Inikot kasi sila ni Nana Tinang sa barangay right after lunch. Eh ang init masyado kaya hindi na ako sumama. I have the whole summer vacation to spend here! Tsaka na ako mag-iikot!

Nakikipaglaro ako ng bangsak kina Butchoy nang nakita kong pabalik na ang white Urvan sa bahay ni Nana. God, hanggang dito ba naman sinusundan ng mga tao si Andreau? Like seriously?

Hindi ko na sila masyadong pinansin, mukhang busy sila at apparently, the kids are very handful today. Baby pa lang halos ‘tong mga bagets bago ako umalis tapos..

Drama rama, Zade? Hindi bagay. Kahit mas maganda ka kay Jillian Cabrera.

xxxx

April 11-13 (Days 2-4)

 

Sobrang uneventful ng tatlong araw ko, Andreau-speak. Inuna nilang i-shoot yung scenes sa kabilang side ng San Ignacio, kung saan malala ang damage ng toxic wastes. Akala ko nga saglit lang sila dun, whole day or what. Nagtext sa’kin si Gerald (kinuha nila ni Addie ang number ko. Si Andreau, kelan kaya?) na doon na raw sila pinapatulog muna ng mga tao. Andreau couldn’t say no, tsaka may nakuha silang additional material. Hay, creative minds!

The Spaces In BetweenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt