[5] The Education of Andreau Cortez

Magsimula sa umpisa
                                    

Five minutes na tricycle ride ang layo ng dorm sa gas station, at dahil nagmamaganda ako, saktong 6 AM ako umalis. I’m sure maghihintay ako ng mga.. 45 minutes bago sila dumating. Okay na ‘to, at least hindi ako mukhang excited!

Siyempre excited akong umuwi sa’min! Five years na rin akong hindi nakakauwi. Ang dami kong namimi—

Ay shit.

Sabi ni Roldan, white na Urvan daw ang sasakyan namin. Ba’t may ganun na agad dito sa gas station?

“Uy Zadeeeee!”

Ay shit talaga. Nandito na nga sila!

Roldan rushed to me as I got out of the tricycle. Tinulungan pa niya akong ibaba ang mga gamit ko. “Puyat ka ba kagabi?” he inquired casually. Aasarin pa ata ako nito.

“H-hindi naman. Mahirap lang talaga makahanap ng tricycle sa may dorm namin.” Pasimple ko pang pinandilatan si Kuyang Driver para di na magcomment. Ugh, nakakahiya! Ba’t ang aga nila?

“Sana pala dinaanan ka na lang namin! Namasahe ka pa!”

Kukunin na agad ni Lord ‘tong si Roldan, sobra kung makangiti at ang bait pa! Siya na mismo ang naglagay ng duffel bag ko sa likod ng van. I peered inside the van, checking if Andreau’s already there. Baka mamaya wala pa siya dito, hihintayin pa namin na dumating with matching bodyguards. Hah!

Kaso.. I was wrong. Doon pala siya sa shotgun seat nakaupo. Saktong pagkasilip ko sa loob ng van, napalingon siya sa’kin. “Good morning!” he greeted me warmly.

Grabe ‘tong Good morning ni Andreau, talo pa ang kapeng barako sa tapang! Nagising ako dun ha! “G-good morning din!” Ugh, parang siraulo lang. “Sorry late ako. Tricycle kasi,” I added sheepishly. Kakahiya!

Sa pinakalikuran ako umupo, katabi ang favorite Jansport backpack ko. Mahirap na, baka iwan nila ako sa expressway eh! Pinakilala rin ako ni Andreau sa iba naming kasama, sina Gerald at Addie, film students din. So ang position namin sa van: si Roldan ang driver, katabi niya si Andreau. Sa gitna naman sina Gerald at Addie at ako ang emo sa likod.

“Okay ka lang, Zade?” tanong sa’kin ni Roldan once na nakaalis na kami ng gas station. “Parang may hinahanap ka pa na ewan eh.”

“Uhmm.. wala kayong dalang..” Shit, do I really have to ask this? “Dalang ano…”

I saw Andreau looking at me thru the rear view mirror. God, ingat ingat din ako sa pagtulog ko mamaya. Mahuli pa niya akong nakanganga, mawalan pa ako ng dangal. “Bodyguard ba?” he supplied. I nodded dumbly in reply. Kelan pa siya naging mind reader? “Hindi na kailangan nun. I’m there for academics, not showbiz shits.”

Whoa, showbiz shits!? May rebellious side rin pala si Kuya! I didn’t push any further, feel ko hanggang dun lang ang kaya niyang isagot sa’kin. Sabagay, agaw atensyon nga masyado kung may bodyguards siya. As if may magpapa-assassinate sa kanya sa lugar namin!

Five hours ang biyahe mula Manila hanggang San Ignacio. That means five hours ding napanis ang laway ko. The trip was very quiet but not awkward. Narinig ko sa usapan nina Gerald at Addie na kakatapos lang pala ng finals nila kahapon sa isang major, na whole day exam. Wow, may ganun pala sila? Intense!

Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako matutulog sa biyahe, baka mamaya kunan nila akong ng stolen shot o iwan somewhere. Kaso nakakaantok yung soundtrip ni Andreau.. puro saxophone. I’ve always pegged him as the indie guy, after all ganun ang mga trip ng Film students (maka-generalize naman ako!). So.. he’s a jazz guy, huh. Interesting, wala sa itsura niya!

--

“Zade..”

“Hmmm?”

“We’re already here.”

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon