eighty-eight

364 18 32
                                    

"Oh bes, kamusta? May nahanap ka na bang trabaho?" tanong ni Rayne sakin pagkaupo niya sa tabi ko.

Tumango naman ako bilang sagot habang iniinom yung Slurpee ko. "Actually, nag-apply na ako sa maraming iba't ibang companies kahit di man siya related sa kinuha kong course, hinihintay ko na lang yung approval nila, ikaw?"

"Ahahah bes! Tinatanong pa ba yan? Siyempre meron na! Ako pa. Oh by the way, kamusta naman yung conversation niyo ni Kit kahapon?" speaking of, bigla namang nagflashback sa utak ko yung nangyari kahapon.

Tinignan ko naman si Rayne at nakitang hinihintay niya ang kung ano man ang magiging sagot ko. Uminom muna ako ulit ng Slurpee at huminga ng malalim bago sumagot.

"Rayne, pumayag na akong ligawan niya ako." sagot ko.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya na tila bang hindi naniniwala. Akma naman siyang sisigaw nang pinigilan ko siya. Nakakahiya! ang daming tao! "Ano ba Rayne, wag kang maingay!"

"Sorry kasi ano, kinikilig lang ako! Seryoso ka ba? Oh my." pagoovereact niya. OA talaga nitong babaeng 'to.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Congrats bes!" sabi niya at niyakap ako.

"Alam mo Kat, support na support ko talaga kayo ni Kit! Kit Kat for the win!" napasapo naman ako sa noo ko dahil sa kaingayan ng babaeng 'to. Hays.

Bigla namang nagvibrate yung phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Kithier Im. Binuksan ko naman ito at binasa ang text niya.

2:32 pm

kithier: free ka ba ngayong 3:15?

Tinignan ko muna si Rayne na kasalukuyang tinetext din si Chase sa phone niya bago nagreply kay Kit.

kattleya: yup? bakit? u askin me un a date huh

kattleya: dejok

kithier: friendly date lang! ahahah

kattleya: joke lang nga kasi sus hyung senpai

kattleya: ge ayos lang, wala naman akong gagawin

kithier: nice! susunduin kita sa inyo may pupuntahan tayo haha 😄

kattleya: hala? asan ba yan ahahah

kithier: secret muna 😂

kattleya: sige sige pero wala ako sa bahay ngayon e ahahah

kithier: ah ganun ayos lang kahit saan ka pa sa mundo susunduin kita!

kattleya: luh korni kit

kithier: mahal mo naman

kattleya: LUH HAHAHAHAHHA

kithier: biro lang, asan ka?

kattleya: 11/7 kasama ko si Rayne pero uuwi na rin 'to mamaya

kit kat • jaegiWhere stories live. Discover now